42.

193 11 1
                                    


"Wow!" was all she could say. The private Island is just so wonderful. White sand, clear blue water, peaceful. Perfect place for their wedding.

"This place is perfect." Titus said and planted a kiss on her head.

"I agree." she said.

Nakita nyang papalapit si Leeanne, kinawayan nya ito habang nakangiti.

"So, ano? Kamusta naman, perfect itong lugar para sa wedding nyo hindi ba?" wika ito habang inililibot ang mata sa kabuuan ng lugar. Nakangiting tagumpay din ito.

"Ang ganda dito. Naexcite na ito si Titus sa kasal." tumawa sya at niyakap si Titus.

"Wag mo na nga akong idamay." wika naman ni Titus at pinisil ang kamay nya.

"Tara na sa loob para makapagpahinga muna tayo." pagyaya ni Leeanne sa kanila. Kahit tila labag sa loob ni Danna ang pumasok sa loob dahil gusto na kaagad nyang magphotoshoot sa lugar pumasok na rin sya sa loob.

Naunang pumasok si Leeanne nakasunod naman sila ni Titus.

"WHAT ARE YOU DOING HERE!?" malakas na pagsigaw ni Leeanne mula sa loob kaya naman agad na pumasok din sila ni Titus.

Nakita nila ang dahilan ng pagsigaw ng kanilang wedding planner.
Sa puting sofa ay nakaupo si Amiel kasama ang girlfriend nito na si Lyzha, as always ahas mode na naman ito dahil yakap na yakap ito sa lalaki.

"Bakit kayo nandito!?"

"Eh ikaw, bakit ka nandito.." tumingin ito sa kanila bago muling bumaling sa kapatid nito. "nagsama ka pa ng bisita."

"Kuyaaa~"

"Hindi lang sa iyo ang lugar na ito, Leeanne. Kaya hindi mo na dapat akong tanungin kung anong ginagawa ko dito."

"whatever." pagsuko ni Leeanne upang matapos na ang walang kwentang argumento. Humarap ito sa kanila ng nakangiti.

"May apat na kwarto sa itaas. Dun kayo sa pang-apat. Here's the key." inabot nito sa kanila ang susi. "Magpahinga muna tayo." saka ito nagwalked out. Mukhang nabadtrip ito kay Amiel.

Dumiretso na lamang sila ni Titus sa taas.

***
"So kaya ka pala nagpupumilit na pumunta dito dahil nandito si Danna?" casual na sabi ni Lyzha kay Amiel. Nasa dalampasigan sila upang panoorin ang napakagandang paglubog ng araw.

Hindi sumagot si Amiel. Nanatiling nakafocus ang atensyon nito sa araw.

"Haay, Hindi ko talaga alam kung bakit hindi ka makaget over dun sa babaeng yun. Ikakasal na sya oh, pero ikaw lalaban ka pa rin?"

Hindi pa rin umimik si Amiel.

"Hindi ka ba napapagod? Try mo naman kayang maglet go at mag move on?" pagsa-suggest ni Lyzha sa kaibigan.
Oo, walang ibang mayroon kanila kundi pagkakaibigan. Napilitan lamang silang palabasin na sila dahil sa birthday wish ni Leeanne. The girl is spoiled.

"Bakit ako mapapagod? Mahal ko sya."

"Ako, pagod na ako sa kapipilit sayo na magmove on kana. Gumising ka pre. Ikakasal na sya."

"Hindi pa naman sila kasal." pagpupumilit nito. She loves Danna so much. He just can't let her go kahit na pitong taon na ang nakalipas. Kahit naman nasa ibang bansa ito ay updated sya sa mga pangyayari sa buhay nito. Minsan ay pumupunta sya sa ibang bansa para lang makita ito ng personal. Walang ibang nakakaalam niyon kundi silang dalawa ni Lyzha.

"Haaaayst!" napahawak nalang sa ulo si Lyzha. "Suko na talaga ako sayo. Mahal mo edi gora ka. Bahala ka na jan. Pagod na ako sa kasasabi ng move on, let go of the past. Sinubukan ko namang tulungan ka pero ayaw mo."

"Kasalan ko ba kung napapagod ka na? Mahal ko sya at hindi ako mapapagod sa pagmamahal sa kanya. Hanggat hindi pa sila kasal hindi ako susuko. I know she still loves me."

"Hay naku naku." napahilot na si Lyzha ng kanyang sintido. "Lakas ng fighting spirit mo."

"Alam kong mahal nya pa rin ako." confident na sabi nya.

"Tss. Asa ka. Kita mong ikakasal na yung tao, tapos mahal ka pa rin? Walang wala yung ilang buwan nyo sa ilang taon nila ni Titus."

"Wala naman sa haba ng relasyon nyan e. Tungkol yan sa kung sino talaga ang mahal nya." kumuha sya ng maliit na bato at ihinagis iyon sa malayo.

"Naniniwala ako na mahal nya parin ako."

***

Hindi namalayan ni Danna na nakatulog na pala sya. Ang huli nyang natandaan ay nagpapaplano sila ni Titus para sa future. Nagising sya nang padilim na. Dahan dahan nyang inalis ang pagkayakap sa kanya ni Titus at dahan dahang tumayo at umalis ng silid.

Nakita nyang nasa terrace at magrerelax ang kanyang wedding planner.

"Hi, Leeanne."

"Oh, Danna. Gising ka na. Where's Titus?"

"Ayun masarap pa tulog sa taas." umupo sya sa tabi ni Leeanne na may kinuhanan ng litrato.

Tinignan nya kung sino ang kinuhan nito at nakita nya sa di kalayuan ang masayang si Amiel at Lyzha. Kulang nalang sweet background music perfect na ang moment. A strange feeling crept in her heart. Hindi na lamang nya ito pinansin.

"Ang sweet nila."

"Sana totoo yang sweetness nila." sagot nito sa kanya.

"Sana totoo? Tama ba pagkakarinig ko?" nalito sya sa sinabi nito. Paanong sana totoo?

"Hindi naman talaga sila. Ang alam ko lang patay na patay si ate Lyzha kay kuya pero NOON yun. Bestfriends lang sila ngayon. Nothing more, nothing less. Umaacting lang yang dalawang yan."

"Paano mo naman nasabi yun?"confused pa rin sya at hindu nya gaanong maiprocess ang gusto nitong sabihin.

"It's my birthday wish. Kung di mo kasi alam. May pagka-spoiled ako lalo na dyan kay kuya kasi ang laki ng atraso sakin nyan. Hiniling ko lang naman na mag-act sila na parang sila. Alam mo kasi, malungkot yan si kuya deep inside it's because of this girl. Hindi sya makaget over sa babaeng yun. Ni isang beses hindi nya binanggit sa akin kung sino yun. Basta ang alam ko lang mahal nya pa yung babae at yung si babae naman may jowa na daw e. Kaya ayan, nag-acting sila ni ate Lyzha, malay mo makamove on na si kuya diba?"

Nagulat sya sa sinabi nito sa kanya at hindi alam ni Danna ang dapat nyang sabihin o ireaksyon. Sya ba ang babaeng mahal pa rin ni Amiel or its someone else? Again she felt a strange feeling but chose not to fuss about it.

Kung sya iyon o hindi. Hindi na sila maari dahil may iba nang nagmamay-ari sa kanya.

***

CHING! *sabog confetti* AHAHA! Maraming thank you sa pagtyaga sa storya na ito kahit slow update na rin ito.
Inatake ako ng writers block. *peace*
If you liked it, good. If you don't, it's okay.

I hope you enjoyed reading.
Orayt! GODBLESS!

♡MimiMargaux (7.21.15)

Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon