43. Both Happy?

173 12 1
                                        

Kinagabihan ay sabay sabay silang naghapunan. Tanging si Leeanne at Lyzha lamang ang nagsasalita close na close ang mga ito. Samantalang nabalot naman silang tatlo ng katahimikan. Hindi komportableng katahimikan. Damang dama din nya ang tensyon. Tatlong beses nyang nahuling nakatingin sa kanya si Amiel at nakita nya itong masama ang tingin kay Titus. Mukhang hindi naman iyon napapansin ni Titus.

"Why?" Titus asked her when he noticed that she's looking at him.

She just smiled then said, "Nothing" and continued eating.

Titus leaned closer and whispered, "I love you.."

"I love you more." she mouthed. Ngumiti ito sa kanya at hinawi ang kaunting buhok na humaharang sa mukha nya. Hindi nya inaasahan bigla na lamang sya nitong hinalikan sa noo.

Bago pa sya makapagreak ay naunahan na sya nika Leeanne at Lyzha.

"Oh! Ayun oh! Hahaha kilig much. Ate! Kinikilig ako sa kanila." Wika ni Leeanne habang pinang-gigilan ang braso ni Lyzha.

"Hashtag forever!" Wika naman ni Lyzha.

Naramdaman nyang nag-init ang magkabilang pisngi nya. Idinaan na lamang din nya sa tawa ang kilig na nararamdaman nya.

Nahuli naman nya ang tingin ni Amiel. Pain crossed his eyes ngunit agad din iyong napalitan.

***

Hindi makatulog si Danna. Hating gabi na. Siguradong tulog na ang lahat. Marahil hindi sya sanay sa lugar kaya hindi sya makatulog. Tinignan nya si Titus, tulog na tulog ito. She loves him so much at hindi na sya makapag intay para sa napakaespesyal na araw nilang dalawa.

Full moon at napakaliwanag ng buwan. Napagdesisyonan nyang lumabas. Bukod sa ilaw sa beach house ay wala nang ibang nagbibigay liwanag kundi ang buwan. Lumakad sya hanggang sa  tabing dagat, naabot na ng tubig ang kanyang mga paa.

"Ang lamig." umaatras sya. Umupo sya sa buhanginan at tinitigan ang buwan. Nakakagaan ng pakiramdam ang tunog nang paghampas ng alon sa dalampasigan, isabay pa ang ihip ng hangin.

"Sana pala pinayagan ko nang sumama yung dalawa."

Ilang minuto pa syang nanatili sa dalampasigan at pinagmasdan ang dagat pati ang kalangitan. Hindi nagtagal ay nagpadesisyunan na nyang pumasok na. Dahil hindi pa rin sya dinadalaw ng antok naisipan nyang magbasa na lamang ng romance novel habang umiinon ng gatas. Nabanggit kasi ni Leeanne na kompleto naman sa kusina.

"Siguro naman may gatas din dun. Sana meron." Bulong nya sa sarili.

Pagpasok sa kusina ay hindi na sya nag-abalang buksan pa ang ilaw. Tagos naman kasi doon ang liwanag ng buwan.

Binuksan nya ang cabinet doon upang maghanap ng gatas.

"Yuhoo, gatas, where are you~" bulong nya muli sa sarili.

"Ito yung gatas oh." napatalon sya dahil sa may biglang nagsalita sa likod nya. Mabuti na lamang at napigilan nya ang mapatili.

"A-Amiel. Bakit ka naman nanggugulat?" sabi nya sa nanggulat na si Amiel habang kinukuha ang isang lata ng gatas mula dito.

"Buksan mo ilaw." malamig na utos nito sa kanya.

"Okay." pumunta sya kung nasaan ang switch ng ilaw at binuksan iyon.

"Ang cold ng lalaking ito. Bitter lang?" sabi ng isip nya. Agad din naman nyang idinismiss ang naiisip nyang iyon.

Pagbukas ng ilaw ay doon nya napansing wala palang suot na pantaas si Amiel. Ibang iba na ang katawan nito ngayon. Nagkaroon na ng muscle ang mga braso nito. Kompleto narin ang abs. Lalaking lalaki at...

"Tapos ka na ba?"

"ah... ha??" mula sa abs ay napunta sa mukha ni Amiel ang tingin nya.

"Tapos mo na bang pag-aralan ang katawan ko?" malamig parin ang tono ng boses nito.

Hindi na sya nakasagot. Naramdaman nyang nag-init ang magkabilang pisngi nya dahil sa pagkahiya. Hindi naman nya namalayan na nakatingin na pala sya sa magandang katawan nito. Napailing na lamang sya at nagtimpla na ng gatas.

Sa pag-abot nya ng termos ay di inaasahang aabutin din iyon ni Amiel kaya naman nahawakan nito ang kamay nya. Agad naman nyang inilayo ang kamay dito. Hindi nito pinansin ang paglapat ng mga kamay nila, inangat nito ang lagayan ng mainit na tubig at inalog. Sigurado syang walang laman iyon dahil nag-init ng tubig ito.

Habang iniintay na kumulo ang tubig ay umupo sya. Kaharap nya ito. Napansin nyang pinagpapawisan ito.

"Uhm. Pinapawisan ka.. ang lamig na nga." pagbasag nya sa katahimikan at sa awkwardness na nagsisimula na namang mangibabaw.

"Tss. It's because of you and your fiance." Sabi nito. Tinignan sya nito saglit. Nalito naman sya sa sinasabi nito.

"I don't know what you're talking about."

"Dun ako nagkakwarto sa tinutulugan nyo ngayon. Sira ang aircon sa kwarto ko."

"Mag-i-aircon ka pa ba kung malamig na nga?"

"Mas gusto ko ang mag-aircon." masungit na sagot nito.

"Okay." tinapos na nya ang walang patutunguhang pag-uusap. Baka mainis lang sya sa pag-uugali nito. Hindi naman ito ganito noon.

"oh well, people change and promises are broken." wika nga sa isip nya. Simulan na nyang magbasa ng romance novels para hindi na mapansin ang presensya ng masungit nyang kasama.

"How have you been?" mula sa hawak na libro ay umangat ang tingin nya dito. Hindi nya inasahang magtatanong ito.

"Okay, happy and great," simpleng sagot nya dito. "How about you?"

Ngumiti ito ng matipid. "Good."

"Titus is.." hindi na nya pinatapos ang sasabihin nito.

"Titus is perfect. Perfect for me."

***

"Titus is perfect. Perfect for me."

"I agree." Yun lang ang tanging nasabi nya. Nagseselos sya. Gusto nyang suntukin at basagin ang lamesa. Hindi nya matanggap na pagmamay-ari na ng iba ang babaeng mahal nya. Kanina habang kumakain ay gusto nyang palayasin si Titus upang sya ang umupo sa pwesto nito. Gusto nyang sabihin kay Danna na mahal nya parin ito. Gusto nyang palitan si Titus. Aminado syang unti-unti na syang nawawalan ng pag-asa. Ngunit hindi sya susuko. Sya ang dapat na magmay-ari kay Danna at hindi si Titus.

"Uy, Amiel??"

"hmm?"

"Pwede bang.."

"Ano?"

"Pwede bang okay na tayo? Yung wala nang awkwardness. Magpatawaran na tayo. I'm sorry. Naging magkaibigan tayo noon. Pwede naman tayong maging magkaibigan ulit, di'ba? Yung nakaraan, history nalang yun. Huwag na nating isipan pa. Nasaktan man ako, oo pero marami naman akong natutunan. Sigurado ako ikaw din. Ngayon nasa present na tayo. Ako ikakasal na , ikaw naman masaya ka na kay Lyzha.." sa hindi nya alam na dahilan ay napatigil dito at saglit sa tumingin sa kanya bago muling magsalita. "We're both happy now, right?"

"Okay. I'm sorry if I hurt you so bad. You're right, we're both happy now. Let's put the past behind us." tss. we're both happy now. Sya? Masaya? Gusto nyang tawanan ng napaka"sarcastic" ang sarili nya. Napakalayo nya sa pagiging "masaya". Sino ba naman ang magiging masaya kung ikakasal na sa iba ang babaeng pinakamamahal mo?

"Yun naman pala eh." Suddenly all the awkardness and tension vanished.

"We're both happy.." he repeated.

***

Woo! Ano ha? Buhay pa?
Peace✌ dahil inabot ng 1 month bago muling makapag-UD. Tinatamad ako. Hahaha sorry na!
I hope you enjoyed reading! HAPPY 11K reads na din! Maraming THANK YOU PO!

If you like this chapter. Good! (kung trip mo, vote and comment ka naman. XD) If you don't, thank you for reading parin! Every read counts. XD

GODBLESS PO!
Hanggang sa muli kong pag-UD. Paalam!
♡MimiMargaux (08.25.2015)

Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon