01.Let Her Go

2.5K 54 8
                                    

Today is Friday! Let us thanks God because it's Friday!! Ang good news kapag friday, weekend na tomorrow!!!.Bad news:every friday may quiz kami sa dalawang subject na kinamumuhian ko ,Trigonometry and Physics. Puro kasi numbers yung dalawang subject na yan, pag kasi may mga numbers numbers, measures measures at solving solving ang isang lesson hindi agad tinatanggap ng utak ko. I have a choosy brain ya'know. Haha Chos lang. Mahina lang talaga ako sa Math.

So bago ang lahat, ako si Danna Villo, last year ko na sa highschool, Im 16 years old and I suck in trigo and physics. For more info, call me if you know my number. Haha

"Dannaaaaa~ nagreview ka na sa trigo and physics?"

Meet my bestfriend, Thea. She knows everything about me since we were bestfriends since birth. May pagkatakas sa mental ang ugali nya minsan kaya beware.

"Hindi na ako nagrereview jan. Wala din namang nangyayari. Bagsak pa rin ako."

"Ay oo nga no. Wag na din ako magreview. Sayang lang effort ko babagsak din naman ako. Bawi nalang sa exam."

Tumango tango lang ako habang binalik naman nya yung libro at notebook nya sa physics sa bag nya.

"Danna,"

Hay nako. Alam ko yang 'pacute'/'paawa' look nya na yan. Hanggang ngayon hindi pa rin sya sumusuko sa pagyaya sakin.

"Thea, ayoko nga. Nahihiya ako."

"Bakit ka naman mahihiya? Church yun eh. Para kay God."

Mahaba na namang discussion to. Last March nya pa ako pinipilit na umattend sa church nila natigil lang nung bakasyon. Ngayon nakaka isang buwan na mula nang magsimula ang pasukan hindi pa rin sya sumusuko. Isinasabuhay nya talaga ang motto in life nyang "Never Ever Give Up"

"Basta ayoko."

"Bakit ba ayaw mo?"

"Basta ayaw ko lang."

Syempre hindi talaga yon ang tunay na dahilan. Natatakot kasi akong ma out of place. Masyado akong mahiyain at hindi ako friendly. Mamaya pag pumunta ako sa church nila ma itsapwera lang ako dun. Ito pa namang si Thea super friendly bawat kanto nga may kaibigan yan eh. Unlike me. Nung umulan ng 'hiya' sinalo ko lahat. Lalabas na nga lang ako ng bahay at bibili sa tindahan nahihiya na ako. Hindi rin ako mahilig makihalubilo sa mga tao. Palagi lang akong nakaupo sa isang tabi basta kasama ko ang phone ko, okay na.

"Tss. sabihin mo nahihiya ka lang o naiisip mo na mao-OP ka."

"Oh alam mo na naman pala eh, wag mo na akong pilitin."

Nanahimik sya. Nag iisip siguro ng sasabihin. Kung ako sa kanya titigil nalang ako. Kung ayaw edi wag. Tapos ang storya.

"Alam mo Danna, kung puro hiya papairalin mo, wala kang mamarating. Hanggang dun ka nalang sa bahay nyo forever at tatanda kang dalaga. You'll be forever alone!"

"ewan sayo Thea. Kung ano ano na namang sinasabi mo."

"Bakit may point naman ako diba? Isipin mo nga, paano kung naligaw ka, mahihiya kang magtanong? edi naligaw ka na lalo."

Na-speechless ako,may point sya dun. Ngayon lang sya ganyan. Determined talaga syang papuntahin ako sa church nila.

Pero paano nga kaya kung naligaw na ako? Mahihiya pa rin akong magtanong? Wala nga talaga akong mararating pag ganun.

"Uyy. Na speechless sya. May point ako diba? Ano na, pupunta ka na sa church namin?"

"Kahit ilan pa yang point mo, hindi parin ako pupunta sa church nyo."

Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon