07. Lyzha Rod

553 37 1
                                    

Kanina, may pasok na. Wala na yung bagyo eh, tinext ako may party daw sila nang friends nya abroad kaya kahit ayaw nya, nilisan na nya ang mahal na bansa natin. Ay ewan, ang dami kong alam.

Kanina, kwinento ko kay Ellyn at Thea yung napanaghinipan ko. At ayun! Bugbog sarado ako. Promise! Ang daming hampas ang natanggap nang braso ko. Pati yung uniform ko hindi nila pinalampas, hinila hila nila yung sleeves ng blouse ko. Nagsorry naman sila pagkatapos.

Tinanong nila ako kung may gusto na nga ba ako kay Amiel... ang sagot ko. Medyo. Sa totoo lang hindi ko rin alam kung bakit eh. Basta, parang nagising nalang ako kaninang umaga na matamlay tapos biglang nginitian ako ni Amiel, naging alive na buong mundo ko. At sa totoo lang rin, hindi ko ineincourage ang mga ganitong feelings. Kaya hanggat "Medyo" pa lang, pinipigilan ko na. Im just 16 and too young.

Marami pa akong mga pangarap.

"Boom Danna!!"

"AYPANGARAPKITA!!! Shrek ka Amiel, nag iisip ako eh." reklamo ko habang natatawa. Nagulat ako dun ah. Ang bilis tuloy nang tibok nang puso ko. Ayieeeee. Siempre nagulat ako! Parang echeng.

"Haha! Pangarap mo ako? tsk.tsk Ako na naman iniisip mo.."

"In your dreams!" Inirapan ko nga. Sino may sabing pangarap ko sya? Ikaw kaya duh!? Hoy echoserang other me, shut up!

"Ah, kaya pala napanaghinipan mo ko."

o.o!? Paano nya nalaman? Binasa nya ba yung Diary ko!?

"Paano mo nalaman??"

"Huli ka! So meaning napapanaghinipan mo nga ako huh?"

shrek!! Patibong pala yun. Huli tuloy ako! >///< Aish. Anong gagawin ko!? suggest naman kayo oh. Txt nyo ako. Alam nyo ba number ko?

"Ha? Ang sabi ko, ano..ano.." Pinilit kong itago yung pagkatarantang nararamdaman ko. Ang kaso namentalblock ako. Wala ata akong lusot.

"Ano?"

"Sabi ko saan mo naman yun nalaman! bingi!"

"Wwwdotpalusotdotcom? Hindi uubra sa akin yan. Rinig na rinig ko yung sinabi mo.Huli ka na, just admit it."

"Eh ano naman ngayon kung napanaghinipan kita?"

"Sabi na nga ba talaga, pinagpapantasyahan mo ako hanggang sa panaghinip mo. Grabe, gwapo ko talaga."

Gwapo daw sya?? Pwedeng masuka?

"Anong pinaglalaban mo ngayon?"

"Ha? Pinaglalaban ko? Itong pag-ibig ko sayo. JOKE!"

=////= nakakaasar. (kinikilig ako! )

"Kinilig ka naman?"

"Sino namang kikiligin eh ang pangit mo. Saka itong mukang to? Muka bang kinikilig?"

Ituro ko pa yung muka ko. Todo effort akong magpoker face----

"Nagbabablush ka."

Kahit kailan! Traydor kang pisngi ka! Nilaglag mo ako!!!

"Natural yan."

"Wala, puro bulok palusot mo."

"Bakit ba nandito ka? Nagrerelax ako dito."

"Oh wag kang sumimangot, easy lang. Sama ka sa activity ng school. Plus 20 sa card ang sasama."

Biglang nawala ang pagbabablush ko, ang pamumula nang muka ako at napalitan yun nang pagkinang nang magandang mata ko.

"*_* plus 20 grade? Anong activity yan?"

"Aalaga tayo ng mga bata, sa Royal Kings Orphanage for 2 days. Bakasyon kasi mga tao dun."

Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon