Note: Yung lunch chuschus is according sa lunch na sinabi ni Amiel sa previous chapter, baka kasi maguluhan kayo. ^_^ v
**
[Dans. Kita tayo sa likod ng school. Lunch date!] - Amiel
Lakas ng loob ng lalaking ito na yayain pa ako sa lunch date na yun. Kapal nya.
"Oh Danna, anyare sa mata mo at bigla kang umiirap dyan?" Iniaabot ko nalang kay Thea yung cellphone ko at hindi na nagsalita. Baka kasi pag nagsalita ako makawala na yung luha na kaninang recess ko pa pinipigilan.
"Replyan ko ba?"
"Wag na." Inagaw ko sa kanya yung cellphone ko, pinatay ko yun saka isinaksak sa bag ko. Nakakaasar talaga. Ang sakit leche.
**Earlier sa tambayan nila**
"Oy! Nakaconnect din sa wifi ng school! Woo!" Sabi ko. Ang tagal tagal ko na ring hinulaan ang bagong password ng wifi nitong school namin. Mga paepal kasi yung mga SSC na yan. Buwan buwan pinapalitan yung password ng school wifi. Pinagdadamot sa amin.
"Oh talaga? Ano password? Connect mo din ako." Kinuha ko ang cellphone ng dalawa at ikinonek sila.
"Anyway Danna gurl. Okay lang ba talaga na sumama kami sa lunch nyo ni Amiel?"
"Hindi ba pumayag naman sya?"
"Oo. Pero kasi nahihiya kami." -Ellyn
"Nahiya pa kayo. Eh nang blackmail na nga kayo kanina." Sabi ko habang nagfocus sa cellphone ko.
"Kasi sasama kami kasi wala na kaming tiwala kay Amiel eh. Baka kung anong gawin sayo. Gusto namin bantayan ka."
"Hindi na ako bata. Hindi nyo na ako kailangang bantayan." Matapos nun ay katahimikan na ang namagitan sa aming tatlo, kanya kanya nang mundo. Kanya kanya nang fan girling, this is what you call "wifi-bonding" ano daw? Kung ano ano na namang naiimbento ko.
"Hoy bantayan nyo oras ah. Baka hindi natin mamalayan time na. Haha mawili tayo kakainternet dito."
"Hindi kailangang bantayan ang oras. Sa tingin ko si Amiel mo ang kailangang bantayan." Agad na nawala ang atensyon ko sa twitter at agad na lumingon kay Ellyn. Amiel daw kasi.
"Bakit anong meron dun?" Inilapit nya sa akin yung phone nya.
"Anong meron Danna?" Curious na tanong naman ni Thea. Kinuha ko sa kamay ni Ellyn yung phone nya at tinignan kung anong nandoon.
"UNDERGROUND STUDENTS" ayun ang una kong nabasa, underground website ng school na tambayan ng mga istudyanteng chismoso at chismosa, walang kwenta ang tungkol sa Underground Students, dahil puro kalandian at kalokohan ang kadalasang topic nila. Nagkatinginan kami ni Thea na ngayon ay nakahawak na rin sa cellphone ni Ellyn.
I scrolled down..
"MR.ALEJO, MAY BAGONG GIRLASH!?" Ang nabasa ko. Bakit? Iniscroll ko pa pababa at nakita ko ang mga stolen pictures ni Amiel, kasama si Lyzha.
"Hala ano yan? Bakit sila magkasama? Sa likod ng building yan hindi ba? Kanina yan oh." Sabi ni Thea. Tinignan ko yung date, oo tama kanina lang ito. Parang tinusok yung puso ko lechugas. Gusto ko nang umiyak lalo na ng makita ko yung picture na niyakap nya si Lyzha. Ano yun, may something sa kanila?
[Mr.Amiel Alejo, Trending boy ng Royal section na last year lang ay nagtrending with Ms. Danna Villo dahil na eksena nila sa mall--- may BAGO na nga bang GIRLASH?
Kaninang umaga, sampung minuto bago ang pagtunog ng bell ay namataan si Alejo kasama si Ms. LYZHA ROD sa likod ng Seniors building. Tila may pinag-aawayan pa ang dalawa dahil nakitang sinusuntok ni Rod si Alejo(boxer ang peg), maya maya lang ay nagyakapan na ang dalawa. Hindi pa alam kung anong nangyari at kung anong meron sa kanila. Abangan nalang natin ang mga susunod na happenings.
BINABASA MO ANG
Broken Promises
Romance"Big or small promises are promises. You break it, It'll break you into pieces."-Danna Amiel and Danna fell inlove with each other at the wrong time. They made promises, promises that they can't keep. Promises tore them, broke them and hurt them. Wi...