"Oh, sakto ang dating mo, kuya." kuya? umalingawngaw sa isipan ni Danna ang huling salitang sinabi ng wedding planner nyang si Leeanne.
"Danna, Titus, meet Amiel, sya yung kuya ko na tumawag kanina."
What a small world. She thought. Akalain mong kuya ng wedding planner nya ang ex nya?
Nanatili syang tahimik. Tila nawala lahat ang salitang alam nya. Sinalubong nya ang malamig at blangkong titig sa kanya ni Amiel. He was more handsome now. Mas naging manly na ang hubog ng katawan nito at iba na rin ang ayos ng buhok nito. Gustuhin man nyang alisin ang titig dito ay tila nahihipnotismo sya ng mga mata nito.
"Kuya, nasaan pala si ate?" pagbasag ni Leeanne sa katahimikang unti-unting bumabalot sa kanila.
"Nandito na ko Leeanne..oh!" nanlaki ang mata ng bagong dating ng makita sila nito. Nakita nyang hinawakan ng mahigpit ni Amiel ang kamay nito upang pigilin kung ano man ang sasabihin nito. Mukhang wala ni isa sa kanila ang mag balak na ipaalam kay Leeanne kung ano ang mayroon sa kanila.
Imbes na ipagpatuloy ang sasabihin ay yumakap si Lyzha sa braso ni Amiel.
"Leeanne, heres the cookies.." inabot ang isang box na mayroong lamang cookies.
"Ate, si Danna at Titus. Client and friend ko na din. Ito naman si ate Lyzha, girlfriend ni kuya."
"Hi! Nice to meet you." Wika nito sa kanila. Hindi na sila nag-abalang magkamayan. Total ay magkakakilala naman na talaga sila.
"Nice to meet you.." again. "too." -Danna
"Mauna na kami. Ms.Leeanne." pagpapaalam ni Titus sa mga ito. Hinawakan nito ang kamay nya hanggang sa makapasok sila sa sasakyan.
Napansin ni Danna ang pagiging tahimik ni Titus habang nasa byahe sila. Tumingin sya dito, diretso at seryoso ang tingin nito sa daan.
"Hubby bakit ang seryoso mo?" casual nyang tanong dito.
"Ano naman ang pakiramdam mo?" tanong nito sa kanya. Nalito sya sa naging tanong nito.
"Okay lang naman. Bakit?"
"Nakita mo ulit sya.." malungkot ang tono nito.
"Sino? si Amiel?" sa totoo lang ay mayroon syang hindi maipaliwanag na naramdaman ng muli nyang makita si Amiel. Siguro ay pinaghalo iyong pagkagulat at pagkasurpresa... ah basta! Umiling iling sya sa isip nya.
"Ano ba yang kalokohan mo na'yan? Nagkita kami ulit. Oo. Oh ano naman? Huwag ka ngang mag-iisip ng kung ano ano dyan." Nginitian nya ito.
"Nag-alala lang ako. Malay ko ba kung may natira ka pa palang nararamdaman para sa kanya?" nagtatampo ang tono nito. Cute iyon sa paningin ni Danna kaya naman natawa sya sa fiance nya.
"Wag kang mag-overthink or whatever. I'm yours already. Ikakasal na nga tayo." ipinakita nya dito ang engagement ring. "See?"
"I love you so much, I don't want to lose you."
"I love you so much too. Don't worry to much, okay? You'll never lose me."
***
"Oh? sisteret ni ex mo si ateng wedding planner!?" muntik pang maibuga ni Thea ang ininom nitong juice. Ikwinento ni Danna dito ang nangyari kanina.
"Mapaglaro talaga ang tadhana no?" Wika naman ni Ellyn.
"I agree with you." pagsang-ayon ni Danna sa kaibigan.
"Pero anong naramdaman mo, si hubby mo anong reaksyon?" pagtatanong ni Ellyn.
"Ayun, nagulat ako. Syempre, expect the unexpected pag bukas ng pinto mukha nya nakita ko. Sino ba namang mag aakalang magkikita ulit kami diba? Si hubby naman ayun, alala mode, baka daw may natira pang feelings e. Sabi ko wag naman syang mag alala, maikukumpara ba sa 6 years namin ang tatlong buwan ko ay Amiel?"
"Oo nga naman. 3 months versus six years, hahaha enebe~" pabirong wika ni Thea.
"Hahaha tama! So yun. Beach wedding kami! Excited na talaga ako kasi grabe magiging super romantic talaga yung wedding ko!" hindi maitago ang pagka-excite nya. Ini-magine nya na kasal na nya at nagpapalitan na sila ng vows ng pamamangasawa nya kasabay ng paglubog ng araw. Mas lalo syang naexcite parang gusto na nyang ikasal bukas na bukas din.
"Talaga? Meaning nyan magdadala ako ng bikini! Saang beach?" tanong ni Thea na halatang excited na din sa kasal ng kaibigan.
"Sa private island ni Leeanne. Taray no, rich kid. Actually pupunta nga kami doon bukas..
"PWEDe-!"
"NOPE! Walang sasama. Just me, hubby and the wedding planner." bumagsak ang balikat ng mga kaibigan nya.
"Hahaha! Don't worry girls, makikita nyo rin naman yun. Saka para surprise na rin."
"Akala ko makakapgbeach na ako.."
"Ako din, Ellyn."
Kanya-kanyang paawa ang mga ito. Tinawan lamang yun ni Danna.
"Hoy tigilan nyo yang paawa ha. Hindi na bagay sa inyo." Kinuha nya ang phone nya para icheck ang oras. Alas otso na, she needs to go back to the hotel to pack her things for tomorrow.
"Girls, I'm going home now. Maaga pa ako bukas."
"Okay sige girl.Dito muna kami nito ni Ellyn."
"Sige. Mauna na ako ah." And just like any other girls they hugged each other before she leaves.
Habang dali daling naglalakad ay itinext nya si Titus na pauwi na sya. Hindi nya napansin na mayroon na syang makakabangga. Nahulog ang cellphone nya at sabay nilang pinulot iyon ng nakabangga nya.
"I'm sorry." they said.
Nanlaki ang mata nya ng makita kung sino ang kanyang nakabangga. Si Amiel iyon.
"Oh, hi.." hindi nya alam kung ano ang sasabihin dito. He's just looking at her.
"Ah, I have to go. I'm sorry ulit."
Tinalikuran na ito ni Danna ngunit nahagip nito ang kanyang braso.
"Aray, ano ba yun?"
"Congrats.." sabi nito nang hindi nakatingin sa kanya.
"T-thanks." binitawan na sya nito. Naramdaman nyang nagsitayuan ang balahibo nya sa ginawang paghawak nito sa braso nya.
"Bye.." she said.
"Pauwi ka na ba?" he asked her casually.
"Yes. Nagmamadali na nga ako."
"Ihatid kita.."
"No thanks. Si Titus na ang bahala sa akin." she saw pain crossed his eyes. Imagination ko gumana na naman! Kakabasa ko ito ng romance novels eh.
"Oo nga pala." he smiled. "I'm really sorry." sabi nito na parang big deal ang pagkakabanggaan nila.
"Sige na. babye na." Nagmadali na sya. Hindi nya maipaliwanag ang nararamdaman nya. Bumilis ang tibok ng puso nya ng makita nya ang pagngiti nito na halatang pilit. Bakit pakiramdam ako ang may kasalanan? Sya naman ang nagsorry.. Ah ewan ang gulo ko.
***
Hello! Thank you for reading! :)
★Vote if you liked it.
Comment ka na din or ..
✉ Send me a message. Magchikahan tayo.I'm really sorry, sa matagal naupdate. ✌✌✌
GODBLESS!
♡MimiMargaux (7.5.15)

BINABASA MO ANG
Broken Promises
Romansa"Big or small promises are promises. You break it, It'll break you into pieces."-Danna Amiel and Danna fell inlove with each other at the wrong time. They made promises, promises that they can't keep. Promises tore them, broke them and hurt them. Wi...