45.Suicide

201 10 1
                                    

"Haaaaa~ Kaunting kembot nalang magiging ganap na Mr. and Mrs. Lee na kayo." Wika ni Leeanne kay Titus at Danna saka nya nilagok ang beer nito.

Nasa tabing dagat sila at nagbobonfire. Dahil naging succes ang photoshoot kanina at settled na ang lahat naisipan nila na mag relax muna. Maganda ang kalangitan. Maliwanag ang buwan at nagniningning din ang mga bituin. Hindi ganoon kalamig kaya naman napagdesidyonan nilang magswimming na din.

"Oo nga. At hindi magiging posible yun kung wala ka. Thank you, Leeanne!"

"Don't mention it. Trabaho ko yun. Alam mo ba kayo ang kliyente ko na hindi ko mailimutan, naging magkakaibigan na rin kasi tayo. Bukod dun, napakagaan kasi talaga ng loob ko sayo, Danna. Hindi ko alam kung bakit."

Ako, may ideya ako kung bakit magaan ang loob mo sa'kin. Wika niya sa kanyang isipan.

"Baka kasi meant for each other tayo. Hahaha!"
Natawa nalang sila. Si Titus naman ay abala sa pagtotono ng gitara.

"Titus? Okay pa ba yang gitara? Matagal na kasi yang hindi nagagamit."

"Okay pa ito. Actually, ready na nga sya to play." Ngumiti ito at tumingin ka Danna. "Wifey, alam mo na."

"Ha? Ano yun?" Painosenteng tanong ni Danna. Ofcourse, Titus wants her to sing.

"Alam mo ba, isa sa mga dahilan kung bakit ko minahal si Danna ay dahil napakatalented nya?" Sabi ni Titus kay Leeanne. Sa tono ng boses nito ay tila pinagmamalaki sya nito.

"Talaga?"

"Oo naman." Uminom muna ito ng beer. "Halos lahat ng instrumento kaya nyang tugtugin. Parang boses din ng anghel ang boses nya." Lumipat sa kanya ang tingin ni Titus. He stared at her lovingly, na parang sya ang pinakamagandang bagay sa mata nito.

Hindi naman kinaya ni Danna ang tingin na iyon. Kinikilig sya. Tinakpan nya ang mga mata nito.

"Hubby ano ba? Kenekeleg eke!! Hahaha" muli ay nagtawanan sila. Para silang teenagers.

"Tama na ang kiligan okay? Wala akong lovelife, hindi ako relate. Pwede bang sample naman dyan, Danna?"

"Okay, Sige. Ano bang gusto mo?"

"Hmm. Something na kapag narining ni kuya ay bababa sya dito. Hahaha! Badtrip pa rin kasi sya eh. Hmm. Ano ba?" Nanahimik sila habang nag-iisip si Leeanne, ilag segundo lang tumingin ito sa kanila. "Out of my league, please?"

"Okay, sure!" Wika ni Titus at sinimulan na ang pagtugtog ng gitara.

"It's her hair and her eyes today.." sinimulan na din ni Titus ang pag-awit habang nakatingin kay Danna.

***
"ANO ba Amiel? Magmumukmok ka nalang ba dito sa kwarto mo? Baka makahalata si Leeanne nyan na bitter ka dun sa dalawa." Kanina pa hinihikayat ni Lyzha si Amiel ngunit patuloy ang pagtanggi nito.

"Wala na akong pakialam. Mas mabuting pang dito nalang muna ako kaysa-"

"It's her eyes and her eyes today that just simply takes me away and the feeling that I'm falling further inlove makes me shiver but in a good way..."
Sabay silang napatigil at napalingon sa bintana ng marinig ang kumakanta. Tumayo si Lyzha at tinignan kung kanino galing ang boses na iyon.

"Uy. Si Titus pala yun. Oh my! Kinakantahan nya si Danna!!!" Kilig na kilig ito habang nakadungaw sa bintana.

"Tara na sa baba Amiel!!! Uulitin ko na naman. Mag move on ka na dahil nagmamahalan na ng tunay yung dalawa. Move on! Tanggapin mo na na hindi kayo meant to be!" Inirapan lamang sya ni Amiel.

"Kakausapin ko si Danna." Wika nito.

"Oh yun pala e. Tara na doon sa baba ng makausap mo sya."

"Tara." Agad na tumayo ito at lumakad papunta sa pintuan.

Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon