23. Christmas Ball

305 27 0
                                        

Make-up: Check!

Hair: Check!

Check! Check! Check! Ready na ako para sa aming Christmas ball. I'm wearing gray cocktail dress para parehas kami ni Amiel. Sa bahay ni Ellyn kami nag-ayos at susunduin ako dito ni Amiel sabi ni Kuya. Akalain mong tiwala ng bongga si kuya kay Amiel? Nakakalungkot lang kapag nalaman ni kuya na... haaist! Umiling iling ako! Ayokong isipin kung anong pwedeng mangyari.

"Hoy Danna, wag ka nang umiling-iling dyan. Nandyan na yung poging poging sundo mo." Sabi sa akin ni Thea.

"Gusto nyo bang sumabay na?" Tanong ko sa kanila. Total sa school din naman ang diretso nila.

"Hindi, wag na. Moment nyo na yan ni Amiel eh! Sabit pa kami. Sige na lumayas ka na!" Ipinagtabuyan talaga nila ako no? Kaya naman sinuot ko na ang sapatos kong napakataas ang takong at lumabas na ng bahay nila Ellyn.

Paglabas ko nakita ko si Amiel na nakatayo sa may gate. Nag-feeling prinsesa naman ako na iniintay ng aking prince charming. Nakatingin kami sa isa't isa habang papalapit ako sa kanya para kaming nasa teleserye, sya ang leading man ako ang leading lady. Para kaming nasa fairytale he's the prince and Im his princess. Haha hart hart!

"Wow.. you look beautiful tonight." Sabi na punong puno ng paghanga! Woo! Ang ganda ko talaga. Haha mas lalo tuloy akong napangiti dahil dun sa sinabi nya. Pinasadahan ko naman ng tingin ang kabuuan nya. He is.. argh! Ang gwapo nya okay? He was wearing a gray suit na bagay na bagay sa kanya.

"Well, you look good too."

"Matagal na akong good looking. Ngayon mo lang napansin?"

"Oo ngayon lang. Mukha kang tao ngayon. Haha tara na nga!" He opens up my door and I get in to his car and he said once again..

"You look beautiful tonight..." and I feel perfectly fine.

Pagdating namin sa school ay marami-rami na ang tao. Maraming bumabati sa amin. Marami rin ang nagsasabing bagay kami. Enebe! Hindi kami bagay! Tao kami!

Nakakalungkot lang ng maihatid na nya ako sa upuan ko, magkakatabi kasi ang magkakasection. Ang layo layo ng pwesto namin sa pwesto nila.

"Dito ka lang ha. Intayin mo sila Thea saka Ellyn."

"Okay po! Eh ikaw? Umayos ka ah. Wag kang didikit dun sa mga kaklase mong talandi." Sabi ko naman. Uso kasi ang higad sa Royal Section.

"Kelan ka pa naging ganyan? Hahaha!"

"Simula nung ginayuma mo ako." Natawa lang naman sya saka ako iniwanan. Pwede naman sana syang magstay dito eh, ang problema lang yung mga teacher. Pinapapunta sa kanya kanyang pwesto yung mga studyante. Mga epal. -_-

Hindi nagtagal ay dumating na rin sila Thea at Ellyn malamang sa akin sila tumabi. Wala naman silang ginawa kundi ang paikutin ang mata nila sa buong lugar para maghanap ng gwapings XD de joke nagpictorial lang kami hanggang sa magsimula na ang...

"CHRISTMAS BALL 2014!!!!!!" Sigaw ni Nicholas Royal Kings ang panganay sa magkakapatid na Royal Kings. Haaay gwapo nya parang hollywood star! Bago ang lahat, nagdasal muna kami bago nagsimula ang "Party! Party!"

Nang magsimula na ang tugtugan ay marami ang nagpunta sa gitna upang sumayaw. Kasama na dun si Thea at Ellyn habang nanatili lang ako sa upuan ko. Hindi kasi ako mahilig sa mga ganyan ganyan, ang hilig ko? Kumain. Kilala na nga ako nung waiter eh! Hahaha

"Hi miss!" Sabi ng lalaking biglang nag-exist sa tabi ko. Hindi ko sya kilala at ngayon ko lang rin sya nakita.

"Hello." Bati ko sa kanya. He looks good and smells good.

Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon