34. His Secret

297 13 3
                                        

"Pst. Gising na."

*kiss*

"Wake up my princess.."

*kiss*

Tinakpan ko ng unan ang mukha ko. Oo inaantok pa ako.. at kinikilig at the same time dahil sa pag-gising sa akin ni Amiel.. pero mas nangingibabaw ang antok ko kaya tumalikod ako sa kanya na kanina pa ako ginigising at hinahalikan sa pisngi.

"Tsk. Bangon na sige na." He said with authority, kaya bumangon na ako. Habang humihikab ako ay bigla syang nagtakip ng ilong.

"Hoy ang kapal mo. Hindi ako bad breath no."

"Bad breath ka man o hindi, brush your teeth. Baka hindi maglast forever yang ngipin mo eh. Haha!" Inabutan nya ko ng hindi pa gamit na toothbrush.

"Ewan sayo." Inipitan ko ang buhok ko, ofcourse, messy bun para hot. CHOS!

"Pagkatapos mo, kain na tayo. Bumili ako ng lugaw sa baba." Sabi nya at iniabot sa akin ang kulay blue na face towel.

Nakasurvive naman ako dito sa bahay nya. Syempre hindi kami nagtabi no. Tinadyakan ko sya papunta sa sala at sa sofa sya natulog. Sana lang nakatulog sya ng maayos. Bilang pantulog ko kagabi isinuot ko ang pajama at malaking t-shirt nya, komportable palang pantulog ang mga oversized! Hahaha

Pagkatapos ng moment ko sa CR ay lumabas na ako ng kwarto para mag-almusal na.

"Kamusta naman? Nakatulog ka ba ng maayos?" Tanong nya sa akin habang hinahalu-halo ko yung mainit na lugaw.

"Oo, sarap suotin nitong damit mo. Haha akin nalang ito. Ikaw kamusta ang tulog mo sa sofa?" Nako, malamang puro reklamo itong isang ito. Literal na natadyakan ko kasi sya kagabi nung pilit syang nakikisiksik sa kwarto. Syempre hindi kami pwedeng magtabi no at hindi rin naman pwede na ako ang matulog sa sofa, ayoko dun. Narinig ko pang sinabi nya kagabi, "ako yung may kwarto, ako pa nawalan." Tinawanan ko lang sya.

"Edi ayun, ang sakit ng batok ko. Habang mahimbing kang natutulog, pagising-gising naman ako dahil hindi ako komportable sa higaan ko. Ang sakit pa ng tagiliran ko sa pagtadyak mo sa akin."

"Sorry, kulit mo kasi kagabi."

"Basta umuwi ka na sa inyo ah. Para komportable na akong makakatulog mamaya."

"Sus, pinapalayas mo na ako. Oo na po. Aalis na ako pagkatapos nito."

"Sige ihahatid kita, pero hanggang dun lang sa main road nyo, baka habulin ako ng kuya mo eh."  He laughed. Hindi ko alam kung naduduwag ba sya kay kuya o ano eh. O talagang nirerespeto pa rin talaga nya si kuya, kasi nga afterall kuya ko pa rin yung badtrip na yun. Actually naiisip ko nga kung bakit ganun nalang ka-big deal sa kanya yung mga promises.

"Nabanggit mo kagabi na uuwi parents mo dito sa Pilipinas. Alam mo ba kung kailan?" Tanong ko. Alam ko kasi na baka ilayo na sya ng parents nya sa akin, tutol rin kasi sila sa amin. Mas mahihirapan kami nun.

"Hindi ko alam. Sinabi lang nila na uuwi sila. Siguro bago ang graduation natin."

"Oo nga pala no? Graduation na pala next week. " nawala sa isip ko yun ah. Masyadong nao-occupied ang utak ko ng mga hindi kanais-nais na pangyayari. Ni hindi pa nga ako nag-eentrance exam para sa college. Hindi ko alam kung anong course nga ba ang kukunin ko at kung saan ako mag-aaral. Nako bahala na.

Pagkatapos naming kumain ay inutusan ako ni Amiel. Oo inutusan nya ako, ako ang pinaghugas nya nung pinagkainan namin. Pinanuod nya naman ako habang naghuhugas.

Matapos yun ay inihatid na nya ako. Mabagal kaming naglalakad dahil parehas naming gusto pang makasama ang isa't-isa, saka kinakabahan na rin ako sa pag-uwi ko. Baka kung ano ang pwedeng gawin sa akin ni kuya. Malamang galit yun.
Kahit mabagal na ang paglalakad namin, ang bilis naman nung jeep na sinakyan namin, maya maya lang ay nasa may main road na kami.

Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon