14. Are You Dating!?

353 33 2
                                    

"Aray~ ang sakit sakit talaga ng balikat ko. Ang bigat naman kasi ng ulo mo eh." Reklamo ni Amiel habang nasa escalator kami at pauwi na. Halos dalawang oras din akong tulog at nakaunan sa balikat nya. Ang sarap nga ng tulog ko. Pagkagising ko nakakumot na yung coat nya sa akin. Sweet na sana eh, kung hindi lang nya ako binibwiset ngayon dahil sa kakareklamo.

"Sorry na nga eh diba? Hindi ko naman namalayang nakaunan na pala ako jan sa balikat mo."

"Pasama-sama ka pa kasi sa sine na yan, tutulugan mo lang pala. Kung nagdate nalang sana tayo edi masaya pa."

Tama ba yung narinig ko? Date daw?

"Hoy anong sabi mo?"

"Sabi ko dapat umuwi nalang tayo para natutor na kita."

"Eh bakit parang may narinig akong date?"

"Date? Wala akong sinasabi ah. Ikaw ah, gusto mo akong i-date.." Ngumiti sya ng malapad. Yung nakakaloko.

Loko pala tong lalaking to ah. Ako pa niloko nya, rinig na rinig ko yung sinabi nya. Hindi pa naman ako bingi para hindi marinig yun. Naisip ko tuloy, paano kaya kung nagdate nalang kami? >\\\\< eeee! Ang harot na naman ng pag iisip ko.

"Uy! Chicks oh.." itinuro nya yung chicks kuno na nakita nya, nung nakita ko WALA, walang binatbat sa akin yung mga yun. Muka silang paa ng manok!

"Tss. Ganyan mga gusto mo? Tignan mo nga kung manamit yun, nahiya naman yung short nya sa panty nya no. Akala ko ba simple lang mga gusto mo, ha Yel?" Akala ko ba yung mga tulad ko yung gusto mo? Kotongan kita eh! Akin ka lang! CHOS!

"May sinabi pa akong gusto ko yun ha? Selos ka na naman jan.."

Ang kapal naman. Ako nagseselos, ha-ha funneeh!

"Sino naman may sabing selos ako, yung mga mukang yun pagseselosan ko? Eeww. Wala namang binatbat yun sakin." Sabi ko sabay flip ng mabango kong hair.

"Ang dami mong sinasabi, aminin mo na kasi. Halata naman."

"Hindi nga ako nagseselos, mas maganda naman ako dun. Kaya anong ikaseselos ko?"

"Oo maganda ka na, wag ka na magselos jan." Inakbayan na naman nya ako. Tinanggal ko yung akbay na yun at lumakad na nang mabilis para mahabol ko yung dalawang bruha na halatang iniiwan na kami ni Amiel. Ayoko nga dun sa monggoloid na yun.

"Hoy, intayin mo ako!"

"Bahala ka jan, dun ka sa chicks na yun oh!" Mas binilisan ko ang paglakad.

Nakakainis. Sinabing hindi nga ako nagseselos eh! Wala naman akong pake sa kanya. Isaksak ko pa sya sa baga nung babaeng mukang ewan na yun. Ano ba sa hindi ako nagseselos ang hindi nya maintindihan?

"Oww, LOOK PEOPLE, NAGSESELOS NA NAMAN YUNG GIRLFRIEND KO! Ayun sya oh, nakaRKA uniform."

O.o

What the fudgeebar! Ano bang, ano-wa-bak-ah? Anong ginagawa nya!? Wait, isinigaw ba nyang "girlfriend"? Nakatulog lang ako sa balikat nya pagkagising ko girlfriend na nya ako? >\\\\

Nilingon ko lang sya, hindi na ako tumigil at pinagpatukoy lang ang paglalalad. Wala na yung si Ellyn at Thea, hindi ko na makita.

"Iiwan mo talaga ako, eh paano naman itong bag mo!?!?"

Napatigil ako. Chakaness. Nasa kanya pa pala yung bag ko. Wala akong choice, naglakad ako pabalik sa kanya. Nasa bag ko kasi ang wallet ko. Hinablot ko sa kanya yung bag ko pero hindi nya yun binitawan. Ramdam ko yung tingin ng mga tao sa amin. Nakakahiya, center of attraction na kami ngayon!

"Hahaha why are you blushing?" Nakangiting pambwiset na sabi ni Amiel. Haaay, kelan ko kaya maiintindihan ang takbo ng utak ng nilalang na to.

"Akin na tong bag, uuwi na ko."

"Aminin mo munang nagseselos ka."

=_=" Hindi naman makaintindi oh.

"Ano ba sa 'hindi ako nagseselos' ang hindi mo maintindihan? At hoy, hindi mo ako girlfriend."

"Hindi kita girlfriend? Are you breaking up with me?" Nawala yung ngiti nya at nalungkot ang muka nya. Wow, such a great actor! -_-

"Tigilan mo nga tong kalokohan na to, nababadtrip na ako. Umuwi na tayo."

"Uuwi na tayo sa bahay natin?" His eyes light up kasabay ng muling pag ngiti nya. Napakamot ako sa batok dahil sa kahihiyan at dahil na rin sa katotohanang nababadtrip na ako dahil may part sa akin na kinilig.

"Akin na nga tong bag ko, isa.. dalawa.."

"Tatlo, apat, lima. Haaay tara na nga, umuwi na tayo sa bahay natin. Wag ka na magalit.."

Hinawi nya yung buhok ko, nakatingin ako sa mata nga. Feeling ko unti-unting hinihigop ng mata nya yung katinuan ko..

":*" Hinalikan nya yung noo ko.Hindi nya binigay sa akin yung bag ko, nakasakbit pa rin yun sa balikat nya. Kinuha nya yung kaliwang kamay ko at hinila na ako paalis.

@_@ Ano na bang nangyayari? Nagwawala na naman yung puso ko. Leshe!!

Paglabas namin ng mall ay saka muling bumalik ang katinuan ko. Nag iintay na kami ng masasakyang jeep. Nakahawak pa rin sya sa kamay ko kaya tinanggal ko yun.

"Hoy ano ba yung ginawa mo ha."

"I kissed your forehead." Pacool na sabi nya sabay lagay ng kamay nya sa bulsa.

"Bakit mo ginawa yun!?" Pagalit kong tanong. May mga tao na namang napapatingin sa amin kaya bigla akong napatungo.

"Para maganda yung sa video nila.."

Ano daw? Video. Anong connect nun? Parang ang layo naman ata ng sagot nya sa akin.

"Video??"

"Hahaha! Hindi mo ba alam na bini -videohan tayo nung dalawang babae dun kanina?.. Kaya yun, para hindi sayang yung pag-video nila, I kissed you. Well, I think we made a great show.."

Haay nako. Bahala na nga sya. Sumasakit yung ulo ko sa pakikipag- usap sa taong baliko ang utak. Nakakaloka. Bakit ba ako nagkagusto sa taong to.

Pagdating namin sa bahay ay wala sila sa sala tulad ng karaniwan.

"Asan sila?"

"Ewan, tara tignan natin sa taas.." suggest ni Amiel. Sabay kaming umakyat sa taas, sa kwarto ni Sophie kami pumunta, dahil narinig ko dun ang boses ni kuya.

"Hi guys! We're home..." I said pagbukas ko ng pinto.

Tumingin silang lahat sa amin. Si kuya masama ang tingin kay Amiel.

"Ah kuya? Hello May nangyari ba?"

"Tapatin nyo nga akong dalawa." Oh my shocks! Ang seryoso ng boses ni kuya. Galit ata, natatakot ako. T^T Lumunok ako bago magsalita.

"Bakit po kuya?"

"ARE YOU DATING? HA? TELL ME! AMIEL! ARE YOU DATING MY SISTER!?"

Lalapit na dapat si kuya kay Amiel, buti nalang pinigilan sya nung tatlo at sinabihang kumalma. Kumalma naman si kuya at humarap sa amin ng maayos.

"Nag didate ba kayong dalawa?" He ask.

"Hindi ah." -Amiel

"Eh ano to?"

Hinagis sa akin ni kuya yung phone nya. Muntik pa akong tamaan sa muka. Buti nalang nasalo ko. Inopen ko yung phone.. nasa facebook sya at nakatag kay kuya, ano ba to 'Cute Couple'? Pinindot ko yung play button..

O.O Shocks! Ito ba yung sinasabi sa akin ni Amiel na nagvideo sa amin kanina? Oh my gulay. Oh my gulay. Cant take this anymore! Muka talaga kaming couple dito na LQ lalo na dun sa huling part, when Amiel kissed me....... >O<

Pagkatapos nung video ay ibinalik ko na kay kuya yung phone nya. Niyaya ni Kuya si Amiel sa labas, mag uusap daw sila. Susunod na dapat ako kaso pinigalan naman ako numg tatlo.. gusto ko sanang mag eavesdrop eh.

Inantok na akot lahat, hindi pa tapos yung pag uusap nila kuya.. tsk. Ano kaya pinag uusapan nun?

× × ×

Yes! Nakaupdate din! Haha ang busy kasi eh.

I hope you enjoyed reading! Vote and comment! :*

♥MimiMargaux(09.27.14)

Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon