08.Jealousy

468 36 0
                                        


7:30 na ng makarating kami dito sa RKO (Royal Kings Orphanage) may kalayuan pala ito. Maganda ang buong lugar, parang isang hacienda sa laki, parang isang subdivision rin, may swimming pool, may chapel, may park, may playground at auditorium ata. Patunay lang yun na napakaRich nang "Royal Kings" Magkakapatid sila. Sila yung may-ari nang school namin. Royal kings Academy at Royal Kings University. Well, sa magandang bagay naman pala napupunta yung aming napakamahal na tution fee.

Kung ano ang ikinaganda nitong lugar ay sya namang ikinapangit ng mood at siguro ay ng itsura ko na rin ngayon. Nahagip kasi nang mata ko si Amiel na kasama si Lyzha na parang nakamagnet na kay Amiel. Muka namang gustong gusto nung isa. Lecheplan de shrek!

Nag iinit talaga ang dugo ko dyan sa Lyzha na yan! Ang arte arte pa ng pagbigkas nya sa pangalan ni Amiel. Eymiyiel ang pagkabigkas nya pwede namang Amyel o Eymyel nalang! Daming arte eh!

Oh tignan mo may pakurot kurot pa nang pisngi si Amiel oh! Aish nakakairitaaaaaaaaaa! Dapat hindi nalang ako sumama dito. Asar, sabi nya enjoy daw dito. Yung kalahati naman ng utak ko nagustuhan yung ideya na sumama dahil makakasama ko si Amiel, pero ayun sya lumalande! pestecide!!!!

"Uy Ate!" Napatingin ako sa isang cute na batang babae kaso walang ngipin! Bungal! :D Astigin to ah, wala na ngang ngipin ang lakas parin nang confidence na ngumiti.

"Hello." Bati ko din sa kanya. Medyo naa-awkward na ako sa todong pagngiti nya na abot sa mata.

"Ate, pangalan ko Lala." wakopakels. Di ko tinatanong. Ay joke lang. Medyo badmood lang kase. Sarreh!

"Ah..okay."

"Ikaw ate, may pangalan ka? Ano yun? Pwede po sabihin saken?"

"Ako? Danna."

"Ahh, ate Danna. Hello po!"

Ang sigla naman nang batang to. Ngumiti lang ako sa kanya. Umupo sya sa tabi ko. Ang liit nya! :3

"Ate, diba volunteer ka dito galing dun academy?"

"Oo, bakit?"

"Dapat niaalaga mo mga bata."

"Ah, oo."

Tsk! Aish! Bumabackhug pa si Lyzha! Ang sarap batuhin nang paso!!!

"Eh bakit nititingin ka lang kay Kuya Ameyl?"

Natauhan ako dun sa sinabi nung bata. Shrek! Bakit nga ba ako tumitingin dun sa lokong yun? Lalabo lang lalo mata ko. Wala naman akong pakealam sa kanya, kahit magpakasal pa sila ni Lyzha ngayon! mga lecheplan!

Tapos, buti pa tong batang ito, pinapansin ako. Yung isa dun iniwan ako kaya loner much na me!

"Huh? Walang magawa eh." Kung pwede ko lang sanang sipain si talandeng Lyzha papunta sa moon ginawa ko na.

"Tsk. Tsk. Ikaw nagkacrush ka ah. Tara nga. Ligo mo nalang ako."

"Okay, tara." Pagpayag ko, para naman wala sa isip ko yung dalawang ipis. Kailangan kong maglibang, pagpaganda tapos hahanap ako nang boylet. Kala nila ah!

HINDI ko alam, kung nananadya ba si Amiel eh! Pagdating namin ni Lala sa paliguan nandun na rin sya at may dalang bata, buti naman at hindi nya kasama yung babaeng magnet.

"Hi Dans!"

Nagdirediretso ako at hindi sya pinansin. Bahala sya. Hanapin nya yung babaeng magnet at dun sya mag-hi!

"Hala, hindi namamansin. Galit??"

"Bakit hindi mo kasama mo girlfriend mo?" tanong ko nang hindi tumitingin sa kanya. Baka lagyan ko sya nang sabon sa mata, nakakabadtrip.

Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon