"DANNAAA!" tawag ng isang pamilyar na boses kay Danna na inaantok pa na naglalakad sa gitna ng mataong airport.Lumingon lingon sya upang hanapin ang pamilyar na boses at laking gulat nya ng mayroong dalawang babae na biglang sumugod sa kanya at niyakap sya.
"Danna, we missed you so much!"
"Akala namin hindi ka na babalik dito sa Pilipinas eh."
Nagpumilit naman kumawala si Danna sa napakahigpit na yakap ng mga kaibigan nya. Its been seven long years at ngayon na lamang sya muling bumalik sa Pilipinas.
Hindi rin naman sya masisisi kung bakit hindi nya naisipan ang umuwi sa sariling bansa, naging maganda ang buhay nya sa America. Nakapagtapos sya ng pag-aaral at nagsisimula na rin ng sariling negosyo doon.
Mas masaya, iyon ang buhay na nagkaroon sya matapos nyang tuluyang ibasura ang bulok na nakaraan. Pero aaminin nya sa sarili nya, mayroon syang natutunan sa nagawa nyang pagkakamali.
"easy girls. Alam kong namiss nyo ako pero huwag nyo naman akong patayin sa yakap."
"Hahaha sorry. Pitong taon kang nawala kaya hindi mo kami masisisi!" wika ni Ellyn. Yup, its Ellyn. Nagkaayos sila nito sa tulong ni Titus.
Nagkamustahan sila at dumiretso na sa hotel na tutuluyan nya. Doon nili sinimulan ang mahabang kwentuhan.
"So, ano namang happenings doon sa America?" tanong ni Thea sa kanya.
"Ayun, succesful ang buhay. Masaya. Nakagraduate ako, may negosyo na kami ni hubby.."
"Wait! nalito ako bigla. Diba, si 'babe' yan? bakit naging 'hubby' na ngayon?" tanong naman ni Ellyn na halatang nalito.
Ngumiti naman sya sa mga ito. Saka nya ipinakita dito ang kanyang surpresa, ang kanyang mamahaling engagement ring.
"Oh my gosh!" napatakip ng bibig si Thea. Halata sa mukha nito ang pagkagulat at pagkasurpresa.
"Gurl!? totoo ba? Engage ka na? Ikakasal ka na?" hindi naman makapaniwalang tanong ni Ellyn sa kanya. Tumango lang sya sa mga ito, hindi maalis ang matamis na ngiti sa labi nya.
"We are happy for youuu!" Niyakap sya ni Thea na maluha luha na.
"Nasurprise mo kami ha." Niyakap din sya ni Ellyn.
"Nakakainggit yang engagement ring mo. Congrats!" wika ni Thea na halatang masaya para sa kanya.
"I'm so happy, Thea, Ellyn. He took me by surprised. I didn't see it coming. It was super romantic! That was the most romantic proposal ever!" she said. Remembering how he proposed to her.
"Noong una, ayoko talaga, kasi after akong maloko nahirapan na ako. Syempre, ayokong maulit ulit yung nangyari noon. Sakit kaya, hirap magmoved on! Akala ko nga hindi ako makakamoved on, akala ko forever na akong iiyak. After two years! two years mga friend! Finally! Nakamoved on ako at muling nainlove ako. hahaha ayiie!"
Tinukso naman sya ng mga kaibigan nya. Kinikilig naman sya. Sigurado sya na namumula na ang mga forever traydor nyang mga pisngi.
"He's perfect for me. Ramdam na ramdam kong mahal nya ako. He helped me mend the wounds. And the good news, wala nang tutol kasi legal na! hahaha engage na nga eh!" natawa pa sya.
"asus, walang forever!" Wika ni Ellyn.
"Panira ka naman Ellyn, isusumbong kita dun sa lovelife mo!" nagtawanan naman sila. Pareho na ring happy ang buhay pag-ibig ng mga kaibigan nya. They're all happy now.
In some way, she wanted to thank Amiel for hurting her. If not for him, hindi sya magiging masaya.
"I want to thank Amiel, he made me stronger.."
BINABASA MO ANG
Broken Promises
Любовные романы"Big or small promises are promises. You break it, It'll break you into pieces."-Danna Amiel and Danna fell inlove with each other at the wrong time. They made promises, promises that they can't keep. Promises tore them, broke them and hurt them. Wi...