AMIEL's POV
"Pst! Amiel! Maligo ka na tapos sundan mo si Danna dun. Umuulan oh, wala yun dalang payong. Hindi pa kasi nagpahatid eh." Sabi sa akin ni Tim. Umalis na ba kaagad si Danna ng ganito kaaga?
"Umalis n ba sya?" Tanong ko.
"Papasundan ko ba sayo yun kung nandito pa sya??" =_= oo nga naman. Inubos ko na agad yung iniinom ko at kinain yung isang buong pandesal saka pumunta sa banyo at dali dali nang naligo.
Matapos maligo at mag-ayos ay sumugod na agad ako sa malakas na ulan para masundan si Danna. Mamaya basang basa na yun, magkasakit pa, Ako pa may kasalanan. Ano bang pumasok sa utak ko at pumayag akong yumakap sa akin si Lyzha?? Tss. Pero kasi umiiyak sya nung oras na yun eh.. ewan. Nag-away tuloy kami ni Danna.
Sa paglalakad ko ay may nakita akong silver sa kalsada malapit sa waiting shed na parang singsing? Nilapitan ko yun at pinulot. Teka, ito yung singsing na binigay ko kay Danna ah! Agad na kinabahan ako. Nasaan na kaya yun? May nangyari kayang masama sa kanya? O itinapon na nya talaga ito? Hindi naman siguro.
Dahil sa pag-aalala ko tinawagan ko na sya. Nagriring pero wala namang sumasagot. Baka hindi nya dala o baka naman nasa school na sya. Inilagay ko sa bulsa ko yung singsing at saka lumakad ng mabilis papuntang school.
"Kuya, dumating na po ba si Danna?" tanong ko sa guard, kilala nya kami ni Danna dahil sa nagtrend kami =_=
"Si Danna? Dadating ganito kaaga? Ay nako, himala iyon. Wala pa sya dito eh."
"Nasaan na kaya iyon?" Napakamot ako ng ulo at naghintay sa waiting shed.
Isang oras na ang nakalipas, late na rin ako pero wala pa ring Danna na dumadating. Inilabas ko yung singsing, nagdasal ako na sana ay ayos lang sya, na safe sya ngayon. Kung may masama mang mangyari sa kanya, ako na ang may kasalanan nun. Pinapaikot-ikot ko sa kamay ko yung singsing, sana pag nakita ko sya makinig na sya sa paliwanag ko.
Napatingin ako sa dumating na nasasakyan, nagpark yun mismo sa tapat ng school. Nang makita ko ang unang taong bumaba mula doon ay umabot ng langit ang tuwa ko. Nang may bumaba ulit doon na lalaki at inakbayan sya,.. ibang usapan na. Nayukom ko ang kabilang kamay ko sa pagpipigil kong lumapit sa kanila. Nang tumayo at naglakad ako ay parang may sariling isip ang mga paa ko at lumakad papunta sa direksyon nila. Buti nalang nanguna pa rin ang utak ko at pumasok na ako sa loob ng school.
All this time nag-aalala ko, pagkatapos kasama lang pala nya yung lalaking yun na nakilala nya nung Christmas ball? Hindi ko nalilimutan ang mukha nung lalaking yun! Sa asar ko, gusto kong ihagis na yung singsing pero hindi ko kaya.
"Amiel!" Tawag nya pero hindi ko sya nilingon. Tumigil lang ako sa paglalakad, ibinulsa ko yung mga kamay ko na nakayukom.
"Amiel ano ba?"
"Anong ano ba?"
DANNA's POV
"Ano bang problema mo?" Tanong ko sa kanya. Ang lamig ng tingin at boses nya. Malaki ang epekto nun sa akin. Parang biglang piniga na naman yung puso ko at nag-iipon na naman ng luha ang mata ko. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pag iyak.
"Tinatanong pa ba?" Malamig ang boses nya. So anong problema nya ako?
"So ano? Ako problema mo?" Tumingin sya sa paligid, may mga istudyanteng nakakalat pa. Bigla akong nahiya lalo na nang makita ko ang grupo ng mga babaeng nakakatutok sa amin ang mga mata. Bigla naman akong hinila ni Amiel at dinala sa lugar kung saan kami nakulong..kung saan sya umamin sa akin.
"Bakit mo ako dinala dito?" Inis na sabi ko kahit ang totoo ay napatanag na ako dahil wala nang mga taong nakatingin sa amin.
"Eh ikaw? Saan ka ba nanggaling?" Inis din na sabi nya.
"Wala ka nang paki dun. Bakit ba galit ka? Ikaw pa nagagalit eh ikaw nga ang nagpasimuno nito?"
"Kung nakinig ka ba sa paliwanag ko sa tingin mo ganito ko ngayon?" galit sya at dahil dun mas lalong umiinit ang ulo ko.
"Ano ba kasing problema mo?"
"Ikaw! Alam mo bang nag-alala ako kung anong nangyari sayo kanina? Yun pala sumama ka lang sa kung sinong lalaki dyan at itinapon mo ito!" Tinataasan na nya ako ng boses pero naagaw ng atensyon ko nang inilabas nya sa bulsa nya ang isang singsing. Yung singsing ko! Paano napunta sa kanya eh nasa wallet ko yun?
*throwback*
....Maya-maya lang ay umambon na, tumakbo ako sa masisilungan bago pa bumuhos ang malakas na ulan at mabasa ako. May mga tao din nagsitakbuhan para sa masisilungan hanggang sa may biglang bumangga sa akin at napatumba ako. Ang walangyang lalaki wala man lang ginawa! Dinaanan lang ako! Wala na talagang gentleman ngayon! Pati wallet ko nalalaglag mula sa bulsa ko dahil sa pagbangga nya! Bago ko pa makuha yung wallet ko, naapakan muna yun. =_= Dahil nanjan na ang malakas na ulan pinulot ko na ang wallet ko at sumilong na.
*end of throwback*"H-hindi ko itinapon yan."
"Huh talaga lang ah? bakit ba ang hilig mo sumama sama sa mga lalaki? Diba ganito din yung nangyari sa RKO? Pinag-alala mo ako tapos may kasama ka lang palang iba. Kung alam ko lang sanang iba ibang lalaki yung gusto mo---" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sinampal ko sya. Kasabay nun ang pagbuhos na ng luha ko. Naglakad na ako palayo ayokong makita nya akong umiiyak! Wala syang karapatang sabihan ako ng ganun! Ang kapal nya! Akala nya naman kilalang kilala nya ako? Sino ba sya para sabihan akong ganun? Ang sakit nung sinabi nya sa akin!!! Ano bang gusto nyang sabihin, na malandi ako ganun? Napakakitid talaga ng pag-iisip nya!!!
Halos hindi pa nga kami nag-iisang buwan.. tumingin ako sa cellphone ko kung anong date nga ba ngayon... Febuary 9.. O_O
Bigla akong natigil sa pagdrama ko dahil narealize kong December 9 last year ko sya sinagot, Febuary ngayon.. Ibig sabihin dalawang buwan na kami? Hindi ko man lang namamalayan! Ni hindi namin naalala na naka-isang buwan na kami nung nakaraang buwan. Ang bilis ng panahon. Nakakadalawang buwan na kami, pero kahit ganun hindi ko pa rin matatanggap yung sinabi nya sa akin kanina lang!!!! Mas nangingibabaw ngayon yung galit na nararamdaman ko sa kanya!
AMIELs POV
Naiwan akong nakanganga. Pinanood ko sya habang mabilis na naglalakad palayo sa akin. Nang mag-sink in sa utak ko kung ano ang nangyari ay tinignan ko yung hawak kong singsing. Tae ano bang ginawa ko? Tinaasan ko sya ng boses at kung ano pang sinabi ko! Nadala ako ng emosyon ko na naghalong pag-aalala, selos at inis. Mas lumala pa tuloy ngayon.
"Argh! Hindi ka nag-iisip Amiel!" Tinadyakan ko yung pader. Bakit ko ba kasi hindi pinagana yung utak ko eh. Mas lalo nang hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Galit na lalo sa akin si Danna nito! Bakit naman kasi--ARGH!!!
---
Pagdating ng lunch time ay tumakbo na ako kaagad sa classroon nila Danna. Nakipagsiksikan ako sa daming studyanteng sabay-sabay nagsisibabaan.
Eksakto naman na nakasalubong ko si sya, tatawagin ko na sana sya pero may lalaking nauna sa akin.
"Danna!" Lumingon ako sa likod at nakita ang tatlong lalaking kasama nya kaninang umaga.
"Uy Hi!" Masiglang bati nya dun sa mga lalaki at nilampasan ako. Wala akong magawa kundi ang mapalingon nalang at panoorin syang sumama sa iba.
"Tsk.tsk. ayan ang napapala ng nang-aaway." Sabi ni Thea na biglang nag-exist sa tabi ko.
"Paano ba yan? Iiwan ka na ata nya?" Sabi naman ni Ellyn na inakbayan pa ako. Sa inis ko ay pagalit kong inalis yun at naglakad na pabalik ng classroom.
Pagbalik ko sa classroom ay nakita ko si Lyzha na nakatayo sa may pintuan. Lalampasan ko lang sana sya kung hindi lang sya nagsalita.
"Monthsarry nyo ngayon ah, bakit iba ata kasama nya?"
"Ano? Monthsarry?"
"Tsk. Wag mo sabihing hindi mo alam na two months na kayo sa araw na ito?"
***
Wooosh! Wooosh! Hello readers! Hinihingi ko ang inyong paumanhin sa panget na ito. Na-stress kasi ako.I hope nagustuhan mo kahit papano.
Bawi ako sa next chapter.❤MimiMargaux (2.9.15)

BINABASA MO ANG
Broken Promises
Romance"Big or small promises are promises. You break it, It'll break you into pieces."-Danna Amiel and Danna fell inlove with each other at the wrong time. They made promises, promises that they can't keep. Promises tore them, broke them and hurt them. Wi...