36. Letter&Tears

222 14 3
                                    


"Sino ba yun?" Tanong ni Amiel kay Lyzha. Kinusot nya ang mata nya at bumangon mula sa pagkakahiga sa sofa bed ng hotel na tinuluyan nila. Kagabi nang matanggap nya ang message kay Danna ay tumawag sya kay Jake, Itatakas ang nobya at hindi pwedeng maglalakad o magcocommute lang sila kaya naman pansamantala nyang hihiramin sana ang kotse ng kaibigan. Ngunit hindi raw pwede.  Nag-isip sya kung saan sila pupunta ni Danna kung magtatanan sila. Sa kalagitnaan ng pag-iisip ay mayroong tumawag sa kanya, si Lyzha.

(Balita ko kailangan mo daw ng sasakyan? Sabi ni Jake.) Napakamot sya sa ulo. Si Lyzha na naman ang tutulong sa kanya. Baka magalit na naman si Danna.

"Hmm. Oo, kailangan ko nga." Sagot nya. Iniisip nya na may posibilidad na magalit si Danna pero mas mahalaga ang makasama nya muna ito, para makasama nya ito ay kailangan nya ng sasakyan.

(Para saan?) Lyzha asked. Maingay ang background noise na naririnig ni Amiel. Sinabi nya kay Lyzha kung bakit nangangailangan sya ng sasakyan.  Laking tuwa nya ng pumayag itong pahiramin sya, ngunit sa isang kondisyon...

(Pumunta ka dito sa bar, Northen Route. Kasama ko yung kotse at nasa akin yung susi. Para makuha mo yung susi kailangan mo munang makipag inuman sa akin kahit sandali lang. Ano, game ka dun?)

"Sige." Padalos dalos nyang sabi. Agad syang umalis ng bahay at dumiretso sa bar kung nasaan si Lyzha.

Ang natatandaan nya kagabi ay parehas na silang lasing ni Lyzha. Bagsak na nga ang dalaga. Naisip nyang ihatid ito sa kanila ngunit alam nya sa sarili nyang hindi na nya kayang magmaneho, first time nya ang mag-inom at malasing. Kaya naman wala na syang nagawa kundi ang magcheck in sa hotel. Binuhat nya si Lyzha papunta sa kwarto at nahiga naman sya sa sofa bed sa sala.

"Susunduin ko si Danna ng 4am" ang natatandaan nyang huling sinabi nya.

"Maybe, isa lang iyon sa mga taong walang magawa." Sabi ni Lyzha saka iniabot kay Amiel ang cellphone nito.

"Baka nga. Nasa'yo pala itong phone ko?" Inilapag ni Amiel sa center table ang cellphone at humiga na ulit. Masakit ang ulo nya at tila umiikot ang buong paligid nya.

"Nakita ko lang yan doon sa side table sa kwarto. Bakit mo nga ulit kailangan ng sasakyan?" Tanong ni Lyzha at tumabi kay Amiel. Hinihilot ni Amiel ang ulo nya na tila inihampas sa pader sa sobrang sakit.

"Danna and I will run away.—— wait, what time is it?"

"It's.." kinuha nito ang cellphone ni Amiel at tinignan ang oras." 4:15 , ang aga pa pala. We better go back to sleep. Masakit ang ulo ko at sa tingin ko ganun ka din. Matulog nalang ulit tayo."

4:15am Naglahong bigla ang hang-over nya. Nataranta na sya, malamang ay nag-iintay na si Danna sa kanya.

"No. I need to go now. Susunduin ko pa si Danna. Baka si Danna yung tumawag. Aalis na ako. Pahiram nalang ako ng kotse mo." Kinuha nya ang cellphone kay Lyzha and walks toward the door.

"Amiel wait, I have something to tell—"  hindi na nya naituloy ang sinasabi nya dahil umalis na si Amiel. Habang nasa elevator pababa ay binasa nya ang text message na galing kay Danna.

(Amiel, nasaan ka na? Nasa park ako. Madilim dito, natatakot ako. Bilisan mo na!) Napakamot sya ng ulo nya. Kailangan na nya talagang magmadali. Baka kung ano pa ang mangyari kay Danna sa madilim na park at walang dapat sisihin doon kundi sya lang.

halos isang oras  ang byahe mula sa hotel hanggang sa subdivision nila Danna. Makakarating sya doon ng 5:48. Ang tagal na mag-iintay ni Danna. Tinawagan nya ang number na ginamit pantext ni Danna para alamin kung ayos lang ba ito.

Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon