AMIEL's POV
"Ano na bro? Na-amin mo na ba?" Bungad na tanong sa akin ni kuya Jem ng makapasok ako sa kwarto naming apat. Kadarating lang namin ni Danna galing sa RKO.
"Hindi pa na parang oo."
"Ano daw hindi na oo? Ang gulo naman." Sabi naman ni Nathan na kumakain ng chocolate.
"Tsk. Ang torpe mo naman eh! Pang ilang attempt mo na ba yan?" Humiga ako sa kama ko at tumitig sa kisame.
"Pang-ilan na ng ba?"
---#1(Chapter 4)
"Weh, sabihin mo, kinikilig ka talaga. Kaya nagdaydream ka na. Kaya hindi mo narinig yung talagang sinabi ko."
"Eh ano ba yung huling sinabi mo?"
"Ang sabi ko. . . I love you... JOKE lang! Wag kang kiligin."---
"Kaya nga ako umepal nun at sinabing, nagkakamabutihan na kayo eh. Kaso anong sabi nya? 'Hindi ah, friends lang.' "-Kuya Jem
"Aray, friendzoned."-Gabby
"Manahimik ka jan Gabby ah."
"Nafrienzoned? Kawawa! huhuhu nafriendzoned aketch ang sakit sa heart." Binato ko ng unan si Nathan at sapul sya sa mukha, nang-aasar pa kasi eh, nakakabadtrip na nga.
"Aray ko bhe :'("- Nathan na nakahawak pa sa pisngi nya akala mo naman masakit.
Tinawan sya nung dalawa,Hindi ko naman pinansin.
"Oh ano, yun lang ba yun, wala na?"-Kuya Jem
"Wait lang meron pa."
---#2(Chapter 6)
Inutusan ako ni Kuya Tim na gisingin si Danna dahil kakain na.When I entered her room, I saw her sleeping peacefully. I sat beside her, run my fingers through her hair and said "Danna... I love you." Sana kaya kong sabihin yun kapag gising ka.---
---#3(Chapter 7)
"Eh anong pinaglalaban mo ngayon?" Ang pikon talaga ng babaeng to kahit kailan.
"Ha? Pinaglalaban ko? Itong pag-ibig ko sayo. JOKE."---
"Tsk. Puro ka kasi "joke" eh, di nalang aminin agad. Palagi naman kayo magkasama. tsk. Meron pa ba?" -Nathan, palibhasa lahat ng babae, sinasabihan nya ng "I love you" eh.
"Wag mo kasi akong igaya sayo. Lahat ng babae ina"I love you" han mo."
"Yan, ganyan nga yan si Nathan!" Kuya Jem
"Ang dami nyong alam eh, ano ng next?" Gabby
"Weh, crush mo lang si Abby eh! Hahaha" sabay na sabi ni Kuya Jem at Nathan, naghighfive silang dalawa at napailing si Gabby habang nakangiti. =_=
---#4(Chapter 9)
"Ano bang problema mo?" medyo inis na tanong nya sa akin.
"Ikaw, ikaw yung problema ko."
"Ay? Pasensya na ha? Hindi ko naman intensyong maging problema mo. Sorry kung hinahanap mo ako sa buong RKO, sorry kung sumama ako sa taong nalaglag mula sa puno,..."
Galit at sarcastic na pagsasalita nya, hindi ko na napigilan. Hinila ko sya palapit sa akin at niyakap sya mula sa likod.
"Danna, ikaw ang problema ko dahil.." Mahal na kita noon pa pero hanggang ngayon hindi ko masabi.
"Dahil?" Kalma nyang sabi.
"Im starting to feel something...for you." I love you. Lumakad na ako palayo. Nasabunutan ko ang sarili ko. Bakit ba hindi ko masabi sabi?---
"Ayt? Yun na eh. Malapit na. muntik mo ng aminin eh. Bakit umalis ka pa?"
"Hindi kasi yun ganun kadali."
"Oo nga Nathan. Kung sincere ka talaga ang hirap sabihin, lalo na kung aamin ka sa taong gusto mo. Diba Gab kay Abby?"
"Hindi, kasi matagal na yan eh, Ilang taon na sya ngayon, 17 na, si Danna 16. 6 years ago pa yan, hanggang ngayon wala pa ring progress."
Yeah, 6 years ago. Nagkaroon ng reunion nang mga magkakaibigang magulang namin. Maingay noon dahil sa malakas na tugtog, ayoko sa ingay kaya nagpunta ako sa likod ng bahay. Doon ko sya unang nakita. Hawak nya ang isang pulang rosas at kumakanta sya. Nakapikit sya habang kumakanta. Umupo ako sa tabi nya at tinitigan sya, hindi nya namalayan na nandito ako. Napakaganda ng boses nya at napakaganda rin nya. Sa pagtitig ko sa kanya ay naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. NaLove at first sight ako, korni man pero yun talaga yun eh.
Para ngang naulit ang pang-yayaring iyon nung unang araw namin dito. Hindi ba? Kumakanta rin sya nun sa likod bahay.
Ang kinaibihan lang nung unang pagkikita namin ay natapos nya ang kanta. Pagmulat ng mata nya ay nagulat sya sa presensya ko at naihampas nya sa akin yung bulaklak na hawak nya. Natamaan nga ako sa kaliwang mata noon dahilan para mamula at maluha iyon.
Hindi ko makakalimutan yung araw na yun dahil sa pag-aakala nyang umiiyak ako ay niyakap nya ako at hinalikan sa noo.
Nagpakilala kami sa isat-isa at naglaro, matapos yun at palagi ko na akong sumasama sa trabaho ni mama dahil nanduon din sya. Masaya ako pag nakikita ko sya, sya ang energizer ko!
Nung 11th birthday nya niregaluhan ko sya ng kwintas na hugis puso. Nabubuksan yung puso na yun. Sa loob nun ay isang love letter. Hindi ako ang nagsulat si Kuya Jem, pangit kasi ng sulat ko eh.
Hindi ko alam kung nabasa nya ba yun o hindi dahil kinabukasan pagkatapos nung birthday nya ay umalis kami at nagpuntang ibang bansa dahil doon na ang trabaho nila mama. Kasama ko nun sila Kuya Jem, Nathan at Gabby, dun na rin kasi ang trabaho ng magulang nila. Kahit naman magulang nila Danna ay doon na rin nagtrabaho, malungkot lang dahil hindi sila sinama. Mayroon naman daw kasi silang katulong.
Nung nakaraang taon ay sabay sabay kaming apat na bumalik dito. Sa church, nakita namin si Kuya Tim, yung kuya ni Danna, akala ko nga anak nya si Sophie kapatid pala. Nagkamustahan kami hanggang sa naging musician na yung tatlo kaya naman napagdesisyunan na dito nalang kami tumira sa mga Villo. Aaminin ko, ako ang unang u-moo.
Masaya ako nung nakita ko ulit sya. Kaso hindi na nya kami kilala.Matagal na nga rin kasi eh. =_= badtrip eh nu?
× × ×
Hehehehe! Nagpalit ako ng username ^_^ haha oo na wala na kayong pake. So Thank you for reading! Sana naman ngugustuhan nyo. Vote and comment naman jan oh.
♥MimiMargaux(08.25.14)
![](https://img.wattpad.com/cover/18589485-288-k170828.jpg)
BINABASA MO ANG
Broken Promises
Romance"Big or small promises are promises. You break it, It'll break you into pieces."-Danna Amiel and Danna fell inlove with each other at the wrong time. They made promises, promises that they can't keep. Promises tore them, broke them and hurt them. Wi...