Hating gabi na ngunit gising na gising pa rin si Danna. Nakakatitig sa puting kisame at namamaga pa rin nyang mata dahil sa maghapong kaiiyak. Wala na syang communication kay Amiel simula pa kahapon. Kinuha ng kanyang ama ang lahat ng gadgets na meron sya mula nang mahuli sya nitong nakikipag-usap kay Amiel. Ilang beses nyang sinubukang tumakas ngunit palagi syang nahuhuli ng mga ito. Kaya naman simula pa nung isang araw ay nakakulong lang sya sa kwarto at bantay sarado ng mga alalay na kinuha ng mga magulang nya.
Wala na rin sa bahay nila sila Jem, Nathan at Gabby, umalis na ang mga ito dahil ayaw nilang madawit sa gulo. Sila pa naman sana ang hihingan ni Danna ng tulong.
Mag-iisang linggo na ng huli nyang makita si Amiel, miss na miss na nya ito. Nalaman nya na bumalik na rin ang mga magulang nito mula US kagabi. Tulad nya ay pinagbawalan din itong makipagkita sa kanya. Pareho silang dalawa na sinusubukang tumakas mula sa magulang.
Napatingin si Danna sa orasan, ala una na ngunit hindi pa rin sya dinadalaw ng antok, masyado kasing marami ang iniisip nya. Tulad ng paano sya makakalayas sa bahay nila. Nasasaktan din sya dahil galit ang mga magulang nya sa kanya at isinama na rin ang kuya nya na hindi na nya nakausap simula ng dumating ang mga magulang nya. Wala naman syang magawa kundi ang magalit din sa mga ito dahil sa pagiging malaking sagabal nila sa relasyon nilang dalawa ni Amiel. Dumako ang mata nya sa nakasampay na toga sa pinto ng aparador nya. Graduation na nila bukas dapat ay maging masaya sya pero hindi. Masyadong nakakalungkot ang mga pangyayari para maging masaya pa sya. Siguro kung makikita nyang muli si Amiel ay sisilay muli ang ngiti sa mga labi nya.
Maya maya pa ay naisipan nyang uminom ng gatas para makatulong sa pagtulog nya. Dahan dahan ang paglabas nya ng kwarto upang hindi magising ang dalawang alalay nya na himbing na himbing. Habang pababa ng hagdan ay mayroon syang narinig na tunog ng babasaging baso na ipinatong sa babasagin nilang mesa sa kusina. Dahan dahan syang naglakad papunta sa kusina at nagtago sa gilid upang hindi sya makita ng kung sino man ang nasa kusina. Mabuti nalang at ilaw lang sa kusina ang bukas, dahil kung hindi ay hindi sya makakapagtago.
"Are you sure? Mahalaga yun para sa kanya." Sabi ng mama nya. Anong mahalaga yun? At sino ang pinag-uusapan nila? Tanong nya sa isip.
"Yes, Im one hundred percent sure." Sinilip nya ang papa nya na umiinom ng wine.
"Mahalaga ang graduation, ipa-re-sched nalang natin ang flight." Graduation? Kung hindi si kuya ang pinag-uusapan nila, malamang ako yun! Bukod kasi sa kanya at gagraduate din ang kanyang kuya. Umaga ang graduation nya at sa hapon naman ang kay Tim.
"No, mas mahalaga sila at hindi ang graduation." Giit ng papa nya.
"Paano kung ayaw naman nila, Kinausap mo na ba si Tim? What if ayaw nya? Especially Danna.."
"Wether they like it or not, sasama na sila sa atin sa US and we'll stay there for good."
"Okay, kung yun ang gusto mo. Now, darling, matulog na tayo dahil may seven am flight tayo tomorrow, with Tim, Danna and Sophie. Tara na, tama na yan." Tila nanigas si Danna sa kinatatayuan nya. Tama ba ang narinig nya na sasama na sila pabalik ng US, BUKAS NG UMAGA At hindi na rin sila dadalo sa graduation? Yun pa naman ang tanging paraan upang magkita sila ni Amiel! Narinig nyang nagliligpit ang mama nya, dahan dahan ngunit mabilis syang nakaakyat sa kwarto ni Sophie at kinuha ang tablet nito. Kailangang may gawin sya bago sya tuluyang madala ng mga magulang nya sa pesteng US na sana ay hindi nalang nag-exist!!
"Sana naka-online pa sya." Bulong nga habang binubuksan ang kanyang facebook account. Nang makita nyang naglo-loading na ay humiling sya sa hangin na sana ay naka-online pa si Amiel kahit ala una na ng madaling araw.
Laking tuwa nya ng makitang naka-online pa ito. She clicked his name and start writing a message.
[AMIEL!!! I'm sorry kung hindi ako nakakapagreplay sa message mo. Kinuha ni papa phone ko. Tomorrow hindi kami aattend ng graduation, may 7am flight papuntang US bukas at isasama na nila ako. Anong gagawin ko? Ano gagawin natin???]

BINABASA MO ANG
Broken Promises
Romance"Big or small promises are promises. You break it, It'll break you into pieces."-Danna Amiel and Danna fell inlove with each other at the wrong time. They made promises, promises that they can't keep. Promises tore them, broke them and hurt them. Wi...