24. PerfectEnding&Beginning.

329 27 0
                                    

Thea's POV

Kasalukyan kaming nasa Ministop ni Ellyn. Wala pa kaming ligo. Kasi naman! Hindi talaga kami makaget-over sa nalaman namin kagabi. Si Danna at Amiel na? As in? As in, IN RELATIONSHIP na ang status nila ganun? Napapakamot nalang ako sa ulo kapag nagpa-flash sa utak ko yung nakita at narinig namin kagabi. Hindi naman sa tutol kami kay Amiel, pero kasi they both promise to us na sa "right time"daw mag-iintayan daw sila. But.. but.. engyere?

Hindi ko rin matanggal sa isip ko na kung sila na nga, bakit nagawa iyong itago sa amin ni Danna? Kelan pa yun? Bestfriends kami hindi ba? Nakakalungkot naman.

"Thea tigilan mo nga yang kakabuntong hininga mo dyan. Nakakastress lalo eh." Reklamo ni Ellyn sabay higop sa chillz nya.

"Kasi naman! Ikaw ba hindi ka nagulat dun? Ha?"

"Nagulat ako syempre! Hindi nga ako makapaniwala eh. Ang kaso lang hindi pa natin sure kung sila nga ba talaga as in. Dapat may ibidensya tayo."

"Eh yung narinig at nakita natin? Hindi pa ba sapat na ibidensya yun?"

"Hindi. Dapat may visible na ibidensya tayo. Mamaya sabihin nila gumagawa lang tayo ng kwento eh."

"Sabi ko kasi sayo kagabi sundan na natin sila eh. Edi dapat nakita natin silang dalawa ng maliwanag." Sabi ko kasi sa kanya sundan na namin si Danna at Amiel kagabi, ang loka ayaw nya. Nag-inarte. Yun tuloy..

"Dapat talaga magmake sure muna tayong sila nga before we judge Danna." Sabi nya na nakahawak pa sa baba nya.

"Eh diba sila na nga yun kagabi?rinig at nakita mo naman hindi ba?"

"Paano kung hindi sila yun?"

"Ano ka ba. Sila yun."

"Mag obserba at magstalk nalang muna tayo."

*fastforward*NewYearsEve*fastforward*

DANNA's POV

"Amiel, iabot mo nga sa akin yang mangga dyan." Utos ko kay Amiel na nagbabalat ng patatas. Halos lahat kami ay busy dito sa kusina. Si kuya ang nagluluto kasama ang mga assistant na si Kuya Jem at Nathan. Ako ang bahala sa desserts and sweets at si Amiel naman ang naghahanda ng mga ingredients. Samantalang si Gabby naman ang nag-aalaga kay Sophie.

"Ikaw na, may ginagawa ako dito eh."

"Hindi ko abot eh." Malayo kasi iyon sa akin at ayaw kong tumayo dito sa kinauupuan ko dahil komportable na ako dito.

"Tumayo ka dyan." Sabi nya nang hindi tumitingin sa akin at nagmove on na sa isa pang patatas dahil natapos na nyang balatan yung isa kanina.

"Paabot na kasi. Tinatamad akong tumayo eh."

"Edi bahala ka. Walang mangga yang grahams mo." Napanguso at napasimangot ako na parang munting bata. Nakakainis iaabot lang hindi pa magawa. Tumayo ako at lumapit sa tabi nya kung saan nanduduon yung mga mangga. Pabalik na ako sa pwesto ko nang hindi ko sinasadyang mabangga ang silyang inuupuan nya.

"Ay sorry.." sabi ko saka pinulot yung isang manggang nahulog.

"Hsssst! Aray ko." Pagtingin ko sa hintuturo nya may dugo na iyon.

"Hala ano yan?" Tanong ni kuya.

"Ayan Danna eh. Hindi nag-iingat." Sabi ni Kuya

"Hindi sinadya nya talaga yan kasi ayaw iabot sa kanya ni Amiel yung mangga." Sabi naman ni Nathan.

"Uy hindi no. Hindi ko sinasadya na mabangga ko sya tapos masugatan sya."

"O edi sige. Dun na kayong dalawa sa sala. Kami na bahala dito. Baka mamaya magkaputulan na tayo ng daliri dito eh. Wala pa ngang putukan duguan na tayo." Sabi ni kuya saka kinuha sa akin yung mangga. Tumayo si Amiel at lumabas na nang kusina, tahimik naman akong sumunod sa kanya.

Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon