03.Pray,Smile and Be Nice!

806 42 8
                                    

Sorry natagalan ang update ^^ Nagkaproblem lang.

× × ×

"Grabe na ito Danna! Tignan mo nandito na tayo sa harap ng church namin! Excited na talaga akong ipakilala ka. Wag kang mahihiya ah. Promise hindi ka ma-o-OP!"

Kung ano ang ikinaexcited nitong babaeng nasa harap ko (na siniguradong makakapunta talaga ako dito) ay sya namang ikinakabog ng dibdib ko. Kinakabahan akong pumasok sa loob. Nahihiya rin ako! Hindi ko yata kaya. Pwede bang magback-out?

"Thea, back out na pala me. Walang tao sa bahay eh."

"Danna!? Alam kong walang tao sa bahay nyo okay? Hindi mo alam? Si Kuya Tim at si Sophie nandito everysunday. Minsan saturday. Hindi ko ba nasabi sayo? Keyboardist namin si Kuya Tim dito."

Nagulat ako sa sinabi nya. All along akala ko nag gagala yung dalawa at hindi ako isinasama yun naman pala dito sila nagpupunta. Bakit hindi man lang nila sinabi sa akin? Hindi rin sinabi nitong baliw na to. Sabagay, Hindi ko rin naman tinanong.

"Haaay nako Danna. iClear mo yang mind mo ngayon. Ang gawin mo lang magpray, smile, be nice at promise! cross my heart. Uuwi ka with new friends."

"Promise yan ah?"

"Yup! Promise!" Itinaas pa nya yung kanang kamay nya na parang nagpapanatang makabayan. "Smile ha? Wag kang mahihiya. Just smile at them. Pero te, ngiting pang-anghel ah, baka naman ngiting pangkriminal yang ngiti mo. Matatakot sila sayo. haha tara na nga."

Hinila na nya ako papunta sa loob. Katulad ng sinabi nya, ngumiti lang ako.. Lahat sila ngumiti rin sa akin. Hanggang sa makarating kami sa napiling pwesto ni Thea.

"~You wake within me, wake within me, You're in my heart forever, You wake within me, Youre in my heart forever,~"

Pagkatapos nung kantahan nagdasal kami then pinatayo yung mga bisita. Isa na ako dun. They prayed for us. Maraming lumapit sakin after, they welcomed me with a sweet smile, may nakipagshakehands at meron pa ngang isa na niyakap ako. Tama si Thea. Hindi ako ma-o-OP dito. Winelcome din ako nung mga kapatid kong dito pala ang punta kapag linggo.

"Hi! My name is Ellyn, you are?" Tanong sa akin nitong si 'Ellyn' daw. I think magkaedad lang kami. Bet ko din yung outfit nya ah.

"Hello, Im---"

"Ay grabe! Ellyn! Ito si Danna, Ito si Danna!" singit ni Thea na tinuturo pa ako.

"Uy wow. Ikaw pala si Danna. Nice to meet you." Niyakap nya ako at bumalik na sa upuan nya, Wait sino ba yung Ellyn na yun?

"Sino yun?"

"Sino? Si Ellyn? Sya yung bestfriend ko dito. Magkakasundo kayo nun."

Tumango at umupo nalang ako pagkatapos nun. Nagsisimula na rin kasi.

× × ×

"Amen!" Nagsimula na ulit ang tugtugan. And guess what? Yung mga housemates (Gabbie, Nathan, Jem) together with kuya yung mga tumutugtog. So meaning, kung nandito si kuya with our housemates, maybe Amiel mah friend is here too. Asan sya?

Palingon lingon ako habang hila hila na ako nitong si Thea palabas.

"Pst. Sinong hinahanap mo ah??" Sabi ni Ellyn na bigla nalang sumulpot sa harapan ko.

"Ah ano, Si Amiel. Kilala mo?"

"Yes. Kaso hindi ko parin sya nakikita." Lumingon lingon sya at hinanap din si Amiel.

"Kilala mo si kuya Amiel?" Parang gulat na gulat na tanong ni Thea.

"Yes, sila nung mga yun (tinuro si guitarist,bassist at drummer)yung sinabi ko sayong housemate namin nung friday."

Tumango tango naman silang dalawa.

PAGKATAPOS naming kumain nagyayang magpicture taking si Ellyn kasama yung ibang mga peoplets. I consider them all as my friends now. Lahat na ata ng pwedeng pose ginawa na namin. Nakasmile. Nakapout. Nakawacky.look up.Jumpshot.Pastolen shot .. basta marami. Marami ring tunay na stolen shot kaya laughtrip kaming lahat HAHAHA ang saya dito. Ngayon lang ako tumawa ng ganito hindi dahil kay Thea sya lang ang kaibigan ko.. well NOON kasi , Marami na akong friends NGAYON. Lahat sila makukulit! Some of them baliw din.

"Oy Danna, tama diba sabi ko sayo. Basta ngiti ka lang, tignan mo friends mo na sila." Sabi saakin ni Thea habang tinitignan yung mga picture sa tablet ni Ellyn.

Tama talaga si Thea ng bonggang bongga, just smile. Ang saya ko talaga. Natapos ko na rin agad yung challenge sa akin ni Amiel natupad ko na rin yung isang mission ko. Kaunting push nalang, bagong Danna na ako.

To sum it all up :PRAISE THE LORD THIS IS SUCH A GREAT DAY!

Ang tanong where is Amiel? Hindi ko man lang sya nakita dito. Gusto ko pa namang ipakita sa kanya na nagawa ko yung challenge nya sakin.

× × ×

Okay!Okay! Sa mga hindi po friendly dyan ah?? "Pray, smile and be nice" lang. Promise effective sya! :D wag ding snob.

:D I hope you enjoyed reading!

Vote if you like this chapter. Comment if may gusto kang sabihin ok?

♥ImJustMargarret(07.20.14)

Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon