44. That Should Be Me

216 12 0
                                        

"Pwede bang magtanong?" Danna asked Amiel. Nasa terrace sila. Masaya si Danna dahil maayos na ang lahat sa pagitan nila. Nagkwentuhan sila ngunit wala nino man sa kanila ang nagbanggit tungkol sa nakaraan. Naikwento ni Amiel na isa na itong photographer. Nagkwento rin sya at sa kung anong buhay ang meron sya sa U.S.

"Sige lang. Ano yun?" Napangiti si Danna. Wala na talagang awkwardness between them. Parang walang nangyari 7 years ago.

"7 years ago.. ahm." Napatigil sya. Hindi nya masabi ang gusto nyang sabihin. Hindi nya maitanong ang gusto nyang itanong, tungkol iyon sa nangyari 7 years ago.

"7 years ago???" Tanong ni Amiel. Danna nodded. "So, anong gusto mong itanong?"

"Ahm.. I'm just.. ah kasi... why?" Why!? Why can't I put it into words!? Wika ni Danna sa isip nya.

"Why??"

"Yes," she nodded. "I just wan't to know, why?"

"Why, what?"

"Bakit.. mo ako niloko?" That question. Yun ang matagal nang gustong mabigyan ni Danna ng sagot. Bakit nga ba? Gusto nya ng paliwanag kahit na hindi na iyon importante sa ngayon.

"Hindi kita niloko." Sagot ni Amiel.

"Ano? Tsk. Niloko mo ako. Okay?"

"Hindi. Si Lyzha ang may kasalan. Pero hindi kita niloko. Mahal kita kaya bakit kita lolokohin?" Hindi alam ni Danna ngunit biglang bumilis ang tibok ng puso nya nang marinig nya ang salitang "mahal kita" mula dito. He was looking straight into her eyes when those words came out of his mouth.

"Lyzha?"

"Yes, kung matatandaan mo pa. Plano natin noon na tumakas diba?" Tumango si Danna. "Kailangan ko ng sasakyan noon para masundo ka. Kay Lyzha ako nanghiram ngunit sa isang kondisyon. Yun ay ang makipag inuman sa kanya. Nalasing kaming dalawa, hindi ko na kayang magdrive kaya nagcheck in kami sa hotel. Tumawag ka sa'kin , sya ang nakasagot. Pero maniwala ka sa'kin. Walang nangyari sa amin at hindi kita niloko."

"Ah, ganun pala ang nangyari. Sobrang nasaktan ako nun. Pero thankful na rin ako dun. Kung hindi nangyari yun, hindi ko naman mapapansin si Titus."

"Kung hindi nangyari yun, tayo sanang dalawa ang magpapakasal." Bulong ni Amiel. Rinig na rinig ni Danna ang sinabi nyang iyon pero pinili na lamang nyang magbingi bingihan. Mas lalong bumibilis ang tibok ng puso nya.

"Ha? May sinasabi ka ba?"

"Wala.. sabi ko, kung gusto mo, magphotoshoot na tayo para sa kasal nyo bukas. Dala ko naman yung mga camera at mga ibang kailangan. Ako rin naman ang photographer ni Leeanne."

"Magandang idea yan. Kaso, paano naman yung suot ko? Sabi ni Leeanne, kailangang nakawedding gown ako."

"No worries. Si Leeanne na ang bahala dun."

"Ah, speaking of Leeanne. Hindi ako makapaniwalang sya pala ang kapatid mo. Nagulat ako ng makita kita doon sa office nya."

Ngumiti lang si Amiel. "Please, wag mo munang sabihin sa kanya ang tungkol sa'tin.." pagmamakaawa nito sa kanya.

"Oka-"

"Babe?" Narinig ni Danna ang boses ng papalapit nang si Titus. Tumayo si Danna at lumapit sa "hubby" nya.

"Yes, hubby?"

"Saan ka nagpunta. Akala ko nawala ka na.."

"Hahaha hindi. Hindi lang ako makatulog. Kaya uminom muna ako ng gatas." Itinaas nya ang wala nang lamang baso. Pruweba na uminom nga sya ng gatas.

"Okay. Si Amiel ba yung kausap mo?" Tumingin si Danna sa nakaupong si Amiel.

"Oo. Si Amiel nga." Tumingin si Titus kay Amiel.

Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon