Heres another update! Baka kasi nextweek na ulit eh. Sulitin na.
Enjoy Reading!!!
× × ×
Pagdating namin sa bahay, sinugod ko agad si Amiel sa kwarto nya. Napag-alaman ko kasi na umuwi sya agad dahil masakit daw ang ulo. Kawawang bata. Hingal na hingal na ko ng makarating sa tapat ng kwarto nya. Tinakbo ko ba naman mula sa labas hanggang dito sa taas.
I just knock three times and open the door. Excited na akong sabihin sa kanya na "Amiel! Nagawa ko na yung challenge mo! Ilibre mo ako ng cupcakes ngayon din!" Haha joke lang yung tungkol sa cupcakes. Medyo gutom lang.
"Ami----0///0!----ay Sorry!"
Lumabas ako at sinarado yung pinto. Napasandal ako sa pader. Nakakahiya. Mas lalo pa atang bumilis yung heart rate ko.
>//< Bakit ba kasi masyado akong excited eh. Nakita ko tuloy si Amiel na...na..naka-underwear lang. Aish! Nakakahiya! Kasi naman kasi oh. Napakamot nalang ako ng ulo at sinabunutan ang sarili ko.
"Oh ate, bakit ka namumula dyan?" Tanong sa akin ni Sophie, little sister ko.
"Ano, wala lang yan. Napagod lang ako sa pagtakbo hehe."
Sana naman wag na sya magtanong. Tss. Sino ba niloloko ko? knowing this kid? Marami syang tanong and she is curious about everything. Ultimong ulam namin minsan tinitignan nya dun sa microscope nya. May pagkamatalino din kasi sya gaya ni kuya. Napagtanto ko tuloy na ako lang pala ang ang hindi katalinuhan sa aming magkakapatid.
"Kaya pala pawis ka din ate? Nakabukas naman yung aircon ah? Naiinitan ka pa din? Saka bakit butil butil yang pawis mo sa noo?"
Haayyssst! Minsan ayaw ko talaga sa matatalino. Masyado kasi silang maraming tanong at marami din silang napapansin! Hindi ba uso sa kanila ang sagot na "K." para tapos na agad ang usapan?
Pinunasan ko yung noo ko sabay ayos ng buhok bago ko sya sinagot.
"Kasi nga tumakbo nga ako. Just go to your room and do your assignments."
Sana masatisfied ka na sa sagot ko!! Kasi NAKAKAHIYA TALAGA!!!
Kinabahan ako nang grabe na yung tingin nya sa mata ko. Parang binabasa nya. Nako naman! Maya-maya ngumiti sya... a lopsided smile. Dont tell me..nababasa nya nasa utak ko ngayon.
"Haha! Tignan mo mukha mo ate. Para kang natatae! Haha Wala kayang assignment kasi bawal magpa-assignment tuwing friday! Haha XD Para kang napoposses dyan! Umayos ka nga."
=_= kinabahan pa ako. Sayang effort.
Tawang tawa syang pumunta sa kwarto nya. Yung batang yun. Pinagtripan pa ako!
Ano na nga bang ganap dito? Nakalimutan ko tuloy.
.
.
.
>0< Nakakahiya talaga kay Amiel! Ano bang gagawin? Makapunta nga muna sa kwarto.
--
To: Thea +639000000000
Thea! Help! Anong dapat gawin pag may nakakahiya kang nagawa?
(send)
*toot*
From: Thea +639000000000
Tago sa ref??? Haha magtago ka. Pero kung wala kang pagtataguan. Edi wag kang magtago WAHAHA EKSDI!
--
Hindi na ako nagreply.
=_= Wala man lang magandang naisuggest. Bahala na nga.

BINABASA MO ANG
Broken Promises
Roman d'amour"Big or small promises are promises. You break it, It'll break you into pieces."-Danna Amiel and Danna fell inlove with each other at the wrong time. They made promises, promises that they can't keep. Promises tore them, broke them and hurt them. Wi...