12. Perfect Boyfriend List

387 34 4
                                    

BER months na!

× × ×

Is this for real? Nasa reality pa ba ako? Special ako sa kanya? Boom Panes! Special someone ako? XD Special in what way naman kaya, baka naman special friend lang. Tsk. Tsk. Wag tayong mag assume baka magmukatayong eng-eng sa huli.

"Anong special ka jan? Ewan ko sayo. Kainin mo nalang yang siopao mo."

"Special ka nga sa akin."

"Nababaliw ka na hahaha!"

"Tsk. Ayaw mo maniwala?"

"Nakasinghot ka ata kasi eh. May tropa ka ba sa underpass ha?"

"Hindi ako nagbibiro, special ka talaga sa akin."

"You know what?" Nilagay ko sa balikat nya yung kamay ko at hinarap sya. "You're also special to me friend HAHAHA!"

Pinagpatuloy ko ang peke kong pagtawa at inubos na yung siopao ko. Chakaness naman kasi eh. Kinikilig ako!! Yan tuloy na 'ewan zoned', 'baliw zoned' , "addict zoned' at 'friendzoned' ko sya. Haha ano ba yan. Nag-iimagine na naman ako na "nangfriend zoned" ako, mamaya special friend lang din naman ako sa kanya.

"Haha oo, special friend nga hahaha!" Sabi nya. Diba sabi sa inyo eh. Hanggat hindi nya sinasabi yung three magical words. Hanggang friend-friend lang tayo. Ok? Para iwas nganga.

"Uy, akin nalang yang siopao mo. Gutom pa ako eh, kulang pa sa akin yung isa."

"Ayoko nga, ang takaw mo. Malaki na nga yung binigay ko sayo eh."

"Damot~"

YES! Naiba ko yung topic! Ayoko munag alalahin yang special special na yan. Naaalala ko din yung sa park eh. Triple kilig na ako. Baka bigla nalang akong magheadbang dito sa sobrang kilig. Tamang kontrol muna sa sarili. Mamaya na ako magwawala kapag ako nalang mag isa sa kwarto ko :D yung itatakip ko yung unan sa muka ko sabay tili!

"Joke lang. Oh .." inaabot nya sa akin yung siopao. Sa totoo lang gusto ko pa talaga. Ayoko lang tanggapin baka kasi tumaba ako. Haha

"Ayoko na, sayo na yan." Akala ko pipilitin nya akong kainin yung binibigay nya yun pala kakainin lang din nya.

"Kauhaw, hanap tayo ng mabibilhan ng tubig." Sabi nya matapos nyang lamunin yung siopao at umuubo ubo pa. Sinubo ba naman nya lahat eh, kung di pa sya mabilaukan bilib na ako sa kanya. Daig pa ang babaeng depress sa kilos ng pagkain.

Sa paglalakad namin ay may nakasalubong kaming grupo ng mga lalaki. Sa tingin ko mga dancer sila base na rin sa porma nila. SWEG! XD chos. Ang cool ng porma nila eh. Ang cute din nila.. pero gwapo naman tong kasama ko kaya dito nalang ako. :D

"Ang cute nung dumaan.." mahina kong sabi kay Amiel habang nakalingon dun sa mga cuties na dumaan.

"Cute ba mga gusto mo?"

"Huh? Di naman, ang cute lang nila.."

"Ano bang gusto mo sa isang lalaki???" Napaisip ako, ano nga ba ang gusto ko sa isang lalaki?? Naalala ko tuloy yung kaibigan ko nung bata pa ako na si Yel, ganun din yung tinanong nya sa akin nun eh haha siguro crush ako nun.

"Alam mo may nagtanong na sa akin nyan dati eh, yung kaibigan kong si Yel, saan na kaya yung mokong na yun? Na-miss ko sya bigla."

"Ah.. haha. Ganun ba? So ano nga?"

"Well, meron akong tinatawag na 'perfect boyfriend list', nakuha ko sya sa google nung bata pa ako, pero dinagdagan ko sya ng isa."

"Oh, ano yung mga yun?" Mukang interesado sya dun sa Perfect bF list ko ah. Sa tingin ko, tamang tamang sya dun! Pwede na syang mag-apply tanggap ko na agad sya, chos!

"Number 1! Dapat kilala si God, mahal si God at may takot kay God. Kung wala yun, nganga friend! Find another hindi ka para sa akin."

Tumingin ako sa reaksyon nya. Nakatingin lang sya sa malayo at nakikinig lang sa akin.

" Taller than me. Kahit ka-height mo lang. Haha, gusto ko ng mr. Nice guy, yung nakakatawa sya. Ayoko ng seloso, baka masipa ko lang sya. Has a nice voice...respectful, caring, sweet, and I want a guy who would love me forever."

Akalain mong tanda ko pa yung Perfect Boyfriend List ko na yun? Hahaha 6 years ago ko pa ata kinabisado yun para may maisagot ako kay Yel. Nakaka-amaze, memorize ko pa rin!

"Ang dami mo namang gusto sa lalaki,"

"Syempre! Bakit ikaw ba? Ano bang gusto mo sa babae?" Pasimple kong tanong.

"Simple lang naman ang gusto ko, parang ikaw, yung mga katulad mo."

>\\\< Alam na this! May chance kami! May Chance kami!.. bukod sa kinilig ako sa sagot nya, naalala ko talaga si Yel sa kanya. 6 years ago, Yel ask me the same question and I ask him too, ang sagot nya, eksakto sa sagot ni Amiel ngayon. Hindi kaya si Yel at Amiel iisa??

Yel.. Amiel.. Yel.. AmYEL!? O.O

"May naalala ako sa sagot mo. Si Yel."

"May naalala din ako, si Ms. Penelope."

Napatigil ako. Kilala nya si Ms. Penelope, yung bear na regalo sa akin ni Yel noon na may malaking kwintas na hugis heart. Hindi kaya si Yel nga tong nasa harapan ko ngayon?? Pls! Tell me!! ( Eh kung tinatanong mo kaya sya?) Sabi ko nga diba, eto na tatanungin na.

"Sabihin mo nga, ikaw ba yan Yel???"

Please say yes, o kaya kahit tumango ka lang! Pag sya si Yel kokotongan ko sya! XD

"Akala ko.. binaon mo na si Ms. Penelope at ako sa limot eh. Yup, ako si Yel."

Chaka!!! Si Yel na ba talaga tong nasa harapan ko?WEH!

"Ikaw ba talaga si Yel? Baka naman nililinlang mo lang ako."

"Ayaw mo talaga maniwala. Edi sige, ito proweba. Reunion party. Backyard. Youre singing at hinampas mo ako nungbulaklak na hawak mo."

Si Yel nga tong nasa harapan ko. I missed him so much! Pagkatapos nung birthday ko nun, kinabukasan wala na sila. Sabi sa akin ni mama umalis na daw at nagpunta na ng ibang bansa. Naiyak ako nun, wala pa kasi akong kaibigan nun, nakakasama ko na noon pa man si Thea, kaso hindi kami ganun kaclose. At si Yel, sya yung unang bestfriend ko. After hundred years! Nandito na sya sa harap ko! Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na sya.

"Yel! I missed you so much!!!" Hinigpitan ko yung yakap ko sa kanya. I really missed this guy!

"I missed you more." He hugged me back. Nagsimula na namang magwala ang dibdib ko kaya naman inalis ko na ang pagkakayakap sa kanya.

"Bakit hindi kayo agad nagpakilala sa akin, kayo nila Kuya Nathan, kuya Jem tapos si Gabby??"

"Eh akala namin kilala mo pa kami eh. Hindi nga kami makapaniwala nung hindi mo na kami makilala."

"Sorry naman noh. Makakalimutin kasi ako eh! Basta ngayon alam ko na! Magbonding naman tayo.. You know, tulad nung maliliit pa tayo.  Palagi tayong gumagala kasama sila mama :)"

"Sure, magthrowback tayo."

× × ×

Hello!!! Hooo! Nakapag UD rin. HaHa :D

Sana lang nagustuhan nyo. :*

VOMMENT naman jan!

GODBLESS AND ENJOY YOUR WEEKEND!

♥MimiMargaux(09.05.14)

Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon