Bago ang lahat.. HI TO BIANCA FERRANCULLO!❤
***
Napakahirap imulat ng mata ko. Pero kailangan kong pumasok. Ang bigat ng mata ko, umiyak pa kasi ako kagabi bago matulog. Pagtingin ko sa oras, maaga pa pala 4:08 palang. Kahit maaga pa bumangon na ako at nagready na para pumasok sa school. Habang inaayos ko ang sarili ko sa harap ng salamin, bukod sa mata kong medyo namamaga ay napansin ko yung singsing na binigay sa akin ni Amiel. Hindi ko ito napapansin ah. Simula nung araw na binigay nya sa akin ito, hindi ko sya sinuot sa takot ko na baka mahalata kami ni kuya. Kinuha ko yung singsing.
"I ♡ Amiel..." napabuntong hininga nalang ako at kahit labag sa loob ko ay inilagay ko sa wallet ko yung singsing as keychain at pumasok na. Nakita ko pa sila kuya na nagkakape sa labas, sinabi ko nalang na may kailangan pa akong gawin sa school dapat nga ay ihahatid nila ako pero tumanggi ako. Kaya ko naman ang sarili ko eh.
"Ang lamig" sabi ko sa sarili ko habang naglalakad. Niyakap ko ang sarili ko. Makulimlim ang panahon, nakikisabay pa ata sa emosyon ko.
Maya-maya lang ay umambon na, tumakbo ako sa masisilungan bago pa bumuhos ang malakas na ulan at mabasa ako. May mga tao din nagsitakbuhan para sa masisilungan hanggang sa may biglang bumangga sa akin at napatumba ako. Ang walangyang lalaki wala man lang ginawa! Dinaanan lang ako! Wala na talagang gentleman ngayon! Pati wallet ko nalalaglag mula sa bulsa ko dahil sa pagbangga nya! Bago ko pa makuha yung wallet ko, naapakan muna yun. =_= Dahil nanjan na ang malakas na ulan pinulot ko na ang wallet ko at sumilong na.
"Paepal na ulan naman. Sabi na nga ba dapat nagpahatid nalang ako kila kuya eh! Eng-eng ko talaga kahit kailan!" Sabi ko sa sarili ko habang hinahanap ko yung panyo ko sa bag ko. Napansin ko yung lalaking nasa gilid, sya yung lalaking nakabangga ko na hindi man lang nagsorry! Hmp!
Pinagpatuloy ko ang pagkalkal ko sa bag ko para mahanap yung panyo kong narapture na ata! Halos iluwa na ng bag ko lahat ng gamit ko sa loob wala akong nakitang panyo. Naiwan ko pa yata! =_= Basa pa man din ako. Dahil wala namang panyo nagpunas ako gamit kamay. Eeww. Feeling ko ang dugyot!
Habang maarte kong pinupunasan yung sarili ko naramdaman kong may matang nakatingin sa akin, napatingin naman ako kaagad sa lalaking nakabangga ko..AHA! HULI SYA! Nakatingin nga sya sa ganda ko. Well hanggang tingin nalang sya dahil pagmamay-ari na ni..yun na yon. Badtrip pa rin ako at ayaw kong banggitin ang pangalan nya.
"Rain rain go away." Sabay na sabi namin nung nilalang na nakabangga sa akin. Parehas kaming napatingin sa isa't isa, nagtama ang mga mata namin, I looked away.
*phone rings* Akala ko sa akin yun, pero yun pala dun sa lalaking nakabangga kanina, saka wala pala akong dalang phone ngayon. Pagtingin ko sa kanya ay nagkatinginan na naman kami. =_=
"Hello bro? Where"s my car?"
My car? Aba rich kid. Halata naman eh, from head to toe halatang rich kid tong isang ito. Englishero pa!
"Pick me up here.. front of GraviTEA... yeah, yeah... It's like starbucks... Okay. I'll wait here, just get here fast okay? And take care of my car. It's more important than your life."
Sama naman. Mas mahalaga pa yung kotse kesa sa buhay nung mga kaibigan nya.. o kapatid nya? Bro daw eh. Pag nakatalikod sya para syang si ANO.. wait! Inaral ko yung mukha nya at dun narealize na kahawig sya ni ANO! Sya na ba ang ipapalit ko sa lokong yun? Chos. Hindi ko pagpapalit yun. Pwera nalang kung ipagpalit rin nya ako! HAHAHA
Nang marealize kong nakatitig na pala ako sa kanya, nahiya ako! Shocks. Hindi kona naman namamalayan yung mga ginagawa ko. Buti nalang hindi nya napansin. Hehehe
5:52 am . Malapit na mag-6 pero hindi pa rin tumitigil yung pesteng ulan. Napapasenti mode na tuloy ako. Yung ibang nakasilong nakaalis na, sumakay sa tricycle na dumadaan. Apat nalang kaming nandito, si kuyang bumangga sa akin, ako at yung dalawang magkaibigang babae na college students na. Matapos ang tatlong minuto may sosyaling sasakyan na pumarada sa harap mismo ng waiting shed. Ang taray! Ford ang tatak.

BINABASA MO ANG
Broken Promises
Romance"Big or small promises are promises. You break it, It'll break you into pieces."-Danna Amiel and Danna fell inlove with each other at the wrong time. They made promises, promises that they can't keep. Promises tore them, broke them and hurt them. Wi...