31.Tim Villo

260 12 4
                                    

"Tim! Nakita ko yung kapatid mo ah?" Bungad na sabi ng kaklase ni Tim sa kanya pagkapasok nya ng classroom. Nasa huling klase na sila at pagkatapos ay makakauwi na.

"Huh? Malamang makikita mo yun. May mata ka hindi ba?" Sabi nya dito at nireview ang mga pinag-aralan nila nung mga nakaraang araw, baka kasi magbigay na naman ng surprise quiz ang professor nila.

"Hindi, nakita ko sya, nung nakaraang gabi ba yun? Oo, nung nakaraang gabi nga." Tumabi pa ito sa kanya.

"Galing sya nun sa kaklase sya, gumawa sila ng group project."

"Group project? HAHAHA! Tim bantayan mo maigi yang kapatid mo. Pinaglololoko ka na ata eh.."

Napatingin sya sa kaklase. Medyo naguluhan kasi sya sa pinagsasabi nito. Pinaglololoko???

"Bakit, ano bang alam mo sa kapatid ko?"

"Tim, nung nakaraamg araw este gabi, sigurado akong walang ginawang group project yung kapatid mo. Kasi dun ko sya sa bar nakita.." naging masama ang tingin nya rito. Wala itong karapatang akusahan ang kapatid nya.

"Alam mo dapat sinisigurado mo muna yang sinasabi mo. Kilala kita puro kalokohan ang alam mo, idadamay mo pa yung kapatid ko." Pinilit nyang ituon na muli ang atensyon sa notebook na hawak.

"Hindi eh, hindi ako pwede magkamali, anim na lalaki pa nga yung kasama nya. Saka huhulaan ko ah, nakapeach na dress sya nun diba?"

Tama ito. Nakapeach na dress nga si Danna nang umalis ito sa bahay dalawang araw na ang nakararaan.

"Sigurado ka bang kapatid ko yun? Hindi lang naman sya yung may kulay Peach na dress."

"Hindi pre! Sigurado talaga ako kapatid mo yun. Kasama nya yung, ano-- ano nga yun?" Ipinitik pitik nito sa hangin ang kamay nito habang pilit na inaalala ang salitang sasabihin.. "Yung trending!!! Ayown! Naalala ko din, si Amiel? Yung nalilink dun sa kapatid mo? Yun yung kasama nya nung gabing yun. Saka may lima pang lalaki na hindi pamilyar sa akin. Feeling ko magsyota na yung kapatid mo saka yung Amiel na yun, Tim."

Biglang nagsiganahan ang ugat sa utak ni Tim. Kung totoo nga ang sinasabi ng kaklase nya, mukhang masyado na syang maluwag at masyado na syang nagtiwala. Bigla nyang naisip na baka nga kaya palaging late na kung umuwi ang kapatid nya ay dahil nakikipagdate ito.. madalas ay kasama pa nito si Amiel. Nag iinit ang ulo nya sa kaisipang iyon.

.

.

.

"Hi kuya Tim! Ngayon nalang ulit kita nakita ah. Bakit mo nga ba ako ahm.. inimbitahan para magcoffee?" Bati ni Thea, tumayo naman si Tim at nagyakap sila. Halos kapatid na rin kasi ang turing nya dito at pati na rin kay Ellyn.

"Buti nakarating ka Thea. May mga itatanong lang ako sa inyo. Intayin pa muna natin si Ellyn ha?"

"Ah, haha ganun po ba? Hehe.." maarteng hinawi ni Thea ang buhok nya at inipit ang mga iyon sa tainga nya. "Akala ko, nakita na ni Kuya Tim sa wakas ang kagandahan ko, yun pala wala pa rin akong pag-asa sa kanya. HAHAHA!" Sabi ng malanding isip nya. Matagal na kasi nyang crush si Tim.

"So kuya, kamusta ka naman?" Pangangamusta ni Thea.

"Ayun, ayos naman. Mukhang may sakit sa ulo lang ako na on the way na. Hahaha" Masiglang sagot ni Tim.

"Ah, si Ellyn ba yun? On the way na daw po kasi sya eh. Hahaha!"

"Uy hindi ah, basta yun na yun. Tungkol nga dun yung itatanong ko sa inyo." Nakangiting sabi nya kahit sa totoo lang ay medyo naiinis na sya sa tagal dumating ni Ellyn, marami pa syang bagay na gagawin. Kaya nya inimbitahan ang mga ito ay para tanungin ng tungkol kay Danna at Amiel, ayaw na nya munang kausapin ang dalawa (Danna and Amiel) dahil baka 'maloko' sya ng mga ito. Mas lalong nag-iinit ang ulo nya, ngunit ipinagdarasal naman nya na walang namamagitan sa kapatid nya at kay Amiel.

Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon