MIMIMARGAUX: AJUJUJU! XD may kaunting pagbabago lang no? Third Persons POV muna tayo. Sawa na kasi ako sa karaniwang POV eh. Haha yun lang! :* Enjoy reading~~
**
"Kuya, aalis muna ako. Pupunta ako sa bahay ng kaklase ko kasi hindi pa tapos yung ginagawa naming group project eh. Baka gabihin ulit ako.." pagsisinungaling ni Danna sa kuya nya.
"Magtext ka sa akin kung uuwi ka na para masundo kita." Pag-aalok naman ni Tim. Palagi na kasing ginagabi sa pag-uwi ang kapatid nya at concern sya sa seguridad nito.
"Hindi na kuya, kaya ko na ito. Besides marami naman akong classmates na kasabay so.. you don't have to worry. I'll be safe. Bye!" Tuluyan na syang nagpaalam dito. Nagmamadali sya sa paglalakad dahil nag-iintay sa kabilang kanto si Amiel. Oo si Amiel lang ang kasama nya at walang group project na nagaganap.
Simula nang magbati sila ay palagi na sila nitong magkasama at nagdidate. Nagrereklamo na nga sila Thea at Ellyn sa kanya dahil sa wala na daw syang oras sa mga ito. Pero matatanggihan ba nya ang boyfriend nya? Bukod doon ay lagi nyang kasama si Amiel para maiwasan ang umaaligid na si Titus, alam nya kasing magseselos na naman ang boyfriend kapag nakitang kasama nya si Titus.
Ganito na palagi ang set up nilang dalawa. Sasabihin ni Danna na may pupuntahan itong may kinalaman sa pag-aaral pero ang totoo ay magkasama lang talaga sila ni Amiel. Madalas pa nga ay ginagabi sila dahil ayaw pa nilang umuwi.
Nagpicnic date, nanood ng movie, nanood ng musical play, tumambay sa park, nangisda, nagstargazing yun na ang mga nagawa nila sa mga dates nila. At so far hindi pa naman nakakahalata doon ang kuya nya ang problema lang nya ay ang mga kaibigan nyang nagrereklamo.
"So saan tayo ngayon at bakit medyo hapon na ata?" Tanong nya kay Amiel, nasa park nila at may iniintay na kaibigan daw ni Amiel.
"Manonood tayo ng gig nila Jake.."
"Jake? May banda ba yun?"
"Yup! Kaya nung niyaya nya akong manood hindi na ako tumanggi. Total tinutulungan nya rin naman ako."
*
*
*
"Oops. It's 7oclock, tutugtog na kami. Maiwan na muna namin kayo dyan ah." Paalam ni Jake at ng mga kasama nito kay kila Danna.
Sa totoo lang ay hindi maganda ang kutob nya sa gabing iyon, bukod sa gabi na daw kasi sila makakauwi, nasa bar pa sila. Kapag nalaman ito ng kuya malamang ay patay silang dalawa.
"Oh, bumuntong hininga ka na naman dyan." Sabi ni Amiel ngunit hindi gaanong narinig ni Danna dahil sa lakas ng ingay na mula sa mga tumutugtog pati na rin sa mga hiyawan ng mga babaeng kinikilig.
"Ano!?"
"Wala." Naramdaman ni Amiel ang hindi magandang mood ni Danna kaya naman nanatili na lamang syang tahimik. Alam nyang hindi sanay sa ganitong lugar ang nobya, ganun din sya ngunit hindi naman nya matanggihan si Jake na palaging nandyan sa t'wing kailangan nya ng tulong.
Matapos ang isang oras at kalahati ay natapos na sa pagtugtog ang banda ni Jake at nakiupo na ulit ito sa kanila. Hindi talaga gusto ni Danna kung nasaan sya, napapalibutan sya ng anim na lalaki. Kahit gusto na syang umuwi dahil sa hindi magandang pakiramdam nya ay hinayaan nya nalang dahil ayaw nya maging KJ.
"Amiel, isa lang bilis.." nagkatinginan silang dalawa. Inaalok ng isang shot ni Jake si Amiel.
Nanahimik lang si Danna, kapag kinuha nya iyon at ininom thats the sign, may hindi magandang mangyayari kailangan na naming umuwi. Sabi nya sa sarili.
BINABASA MO ANG
Broken Promises
Romans"Big or small promises are promises. You break it, It'll break you into pieces."-Danna Amiel and Danna fell inlove with each other at the wrong time. They made promises, promises that they can't keep. Promises tore them, broke them and hurt them. Wi...
