"Danna, ano? Baliw ka na ba? Are you crazy?" Natatarantang tanong sa akin ni Ellyn at Thea. Matapos nilang makita yung.. shocks! Yung new year kiss ni Amiel agad agad na nila akong hinila at kinulong dito sa kwarto ko.
"Sorry kung hindi ko kaagad sinabi sa inyo kasi.." hindi na ako pinatapos sa pagsasalita ni Thea.
"Bestfriend mo kami Danna. Ang unfair naman nung ginawa mo. Diba sinabi sabi natin wala tayong itatago sa isa't isa? Saka yung kay Amiel, suportado ka naman namin dun eh. Pero bakit ngayon na sya agad agad. Bakit kayo na? Naiwan mo ba yung utak mo kung saan?" Walang hingahang sabi ni Thea kaya naman nahingal sya.
"Saka paano yung mga promises nyo? Mga pangako nyo, nga-nga nalang ba iyon? Napako na ganun? Saka yung kuya mo Danna, akala ko ba ayaw mo syang masaktan? Kami, hindi mo ba alam na ang sakit sa pakiramdam namin na itinago mo sa amin yung tungkol sa inyo ni Amiel? Parang wala kang tiwala sa amin. Nakakainis naman. Kung hindi pa namin nakita di pa namin malalaman." Napakamot nalang sya sa ulo. Hindi ko alam kung saang panig ba ako sa mga pakiramdam ko ngayon. Lutang ako dahil sa ginawa ni Amiel, that was perfect.. at the same time kinakabahan, natatakot, nalulungkot at nakokonsensya din ako.
Kinakabahan ako na baka sabihin nila itong dalawa kay kuya. Natatakot akong ilayo ni kuya sa akin si Amiel. Nalulungkot ako dahil pakiramdam ako napakawala kong kwentang kaibigan kay Ellyn at Thea. Nakokonsensya na ako sa mga bagay na ginagawa ko.. partikular sa relasyon namin ni Amiel.
"I'm sorry." Yun nalang ang nasabi ko. Mukhang dissapointed sa akin ang mga bestfriend ko. Sa part ko masakit rin yun syempre dahilan para mabuo na ang luha sa mata ko.
"Oh bakit ka iiyak dyan?" Seryoso ngunit basag na rin ang boses na tanong ni Ellyn.
"Sorry sa inyong dalawa. Kasi ayaw namin ni Amiel na may ibang makaalam eh. Kaya sinikreto namin. Sorry kung naging unfair ako at nagsikreto sa inyo. Mahal ko ang pagkakaibigan natin, please wag kayong magalit sa akin." Sabi ko habang sunod sunod ang pagpatak ng luha sa mata ko. Basa na rin ang mga pisngi ko. Pati sila umiiyak na rin. Nagkatinginan kami ni Thea, hindi namin napigilan nagyakap na kami sumali naman si Ellyn sa amin at saka kami nag-group hug.
"Sorry.."
Hindi na sila nagsalita. Umiiyak nalang kami. Maya maya lang humiwalay na sa amin si Ellyn.
"Tama na nga ang drama! Nagpaparty sila sa baba oh!" Masiglang wika ni Ellyn habag nag-aayos na ng itsura sa harap ng salamin.
"Oo nga. Bagong taon. Dapat masaya tayo." Sabi naman ni Thea na pinunasan na ang luha sa magkabilang pisngi nya. Ngumiti naman ako pero may luha parin sa tumulo mula sa mata ko. Pinunasan naman iyon ni Thea.
"Tigilan mo na yang pag-iyak mo. Kotongan kita dyan eh. Hindi kami galit ni Ellyn. Kung saan ka naman masaya dun din kami. Except nalang kung nakakasama na sayo. Suportahan ka nalang namin."
"Oo nga. Wag ka nalang saktan nyan ni Amiel. Nako hahampasin ko talaga yan ng takong ng sapatos ko." Itinaas nya yung sapatos nya.
"Tama! Pero you're still crazy dahil sa ginawa mo.." nagcrossed arms si Thea sa harapan ko.
I laughed softly and said, "I'm not crazy, I'm just inlove.."
"Crazily inlove?" -Ellyn. Nakangiting tumango ako.
"But next time Thea ah. Follow your heart but please, bring your brain with you. Para hindi na tayo nagdadrama. Sa ngayon papalampasin muna namin ni Ellyn ang tungkol sa inyo ni Amiel. Secret na din namin iyon."
"Natakpan kasi ng nararamdaman ko yung matinong pag-iisip ko eh. Saka mahal ko sya, ano pa bang magagawa ko?" Napapatitig muna sa akin silang dalawa. "Mahal daw Ellyn? Yuck!" Saka sila umacting na tila nasusuka.
BINABASA MO ANG
Broken Promises
Romance"Big or small promises are promises. You break it, It'll break you into pieces."-Danna Amiel and Danna fell inlove with each other at the wrong time. They made promises, promises that they can't keep. Promises tore them, broke them and hurt them. Wi...