47. He Let Her Go.

188 11 0
                                    

Lyzhas' POV

Nung nakita kong happy na si Danna nung umalis, sigurado akong may maling nangyari. I mean, why is she smiling? Amiel is freaking devastated! Wala na siyang ginawa kundi pasakitin ang ulo ko nitong mga nakaraang araw.

Anong pag-uusap nagkaroon yung dalawang yun?

Mapuntahan nga si Amiel at matanong kung anong ginawa nya.

Naabutan ko naman siyang nakaupo ulit sa sahig. Favorite spot nya yung kinauupuan niya since sa spot na iyon ay sinagot siya ni Danna. Tss. Hindi talaga makaget over ito.

"Amiel!"

Hindi siya tumingin sa'kin. May something siya na hawak. Hindi ko nakita kung ano. Itinago niya yun sa lagayan ng gitara niya. For sure litrato na naman nila ni Danna yun.

"Anong nangyari sa pag-uusap nyo? Bakit parang ang bilis lang tapos mukhang masaya pa si Danna?"

"Mabuti naman masaya siya. Sapat na sakin na malamang masaya siya."

Nakakapagtaka naman! Napakamot ako ng ulo.

"Ano? Ganun ganun nalang yun? Matapos mong mag-iskandalo at pasakitin ang ulo ko, ganun lang? Ano bang pinag-usapan niyo?"

Seryoso ang mukha niya at mukhang malalim ang iniisip.

"Wala. Pinakawalan ko na siya. Total mukhang wala na rin akong magagawa."

Napa-wow ako. Hindi nga??

"pre!? Gising ka na? Seryoso ka bang pakakawalan mo na siya? Sinagot na ba ng langit ang panalangin ko ang panalangin namin ni Leeanne?"

Wala siyang reaksyon. Nanatili siyang tahimik at nakatingin sa malayo.

"Amiel. kung seryoso ka nga sa sinabi mo. Tama yun. Dahil yun naman talaga ang dapat mong gawin."

"Seryoso ako sa sinasabi ko. Pakakawalan ko na siya." Seryosong seryoso ang pagkakasabi niya.

"O-kay? So, anong balak mong gawin, aalis ka ba ng bansa tulad nung madalas na nababasa at napapanood ko?"

"Literal na aalis na ako.." ngumisi siya at nanlaki naman ang mata ko.

***

Dannas' POV

"Gurl!? Seryoso ba sya? Eh diba nung nakaraan nakwento mo na nagkaayos na kayo sa isla pero anong nangyari, wala diba, nganga! Nagkagulo pa dun sa isla." Pagdada na naman ni Thea. Naniniwala siyang mayroong "something" daw sa biglang pag-iba ng ihip ng hangin.

"Okay na nga kami. This time, I know it's for sure na. I can feel it." Sabi ko habang nakafocus pa rin sa pagdadrive.

"Wala ka bang nakitang mali sa kinilos niya kanina?" Tanong ulit ni Thea. Hindi talaga siya convince na ayos na kami.

"Thea, baka naman seryoso na nga si Amiel. Duh!? Ikakasal na si Danna at next week na iyon. Baka narealize niya na wala na talagang pag-asa. Kaya ayan, he let Danna go. so he let her go~"

Nagpatuloy ang diskusyon nilang dalawa nagfocus naman na ako sa pagmamaneho, basta masaya na ako dahil okay na ang lahat.

---

Leeanne's POV

Nang malaman kong umuwi na si kuya sa bahay ay umuwi na rin ako kaagad.

Pagdating ay siya agad ang nakita ko. Nakaupo siya sa sala, tahimik lang at nakatulala.

"Kuya! Goodness! Buti naman umuwi ka na. Nag-aalala kami sa iyo."

Lumingon siya sa'kin at nakita ko muli ang ngiti niya. Oo, nakangiti siya ngunit hindi naman iyon umabot sa mga mata nya.

Tumabi ako sa kanya. "kamusta naman yung pag-uusap nyo ni Danna?, Nagkausap na ba kayo?"

"Okay lang. Okay na, maayos na ang lahat."

Kumunot ang noo ko. Nalito ako bigla sa sinabi niya.

"I let her go.. for real."

"What?"

"Pinakawalan ko na siya. Tanggap ko na ang lahat, naisip ko nga, Kung hindi rin naman ako para sa kanya ano pang silbi ko dito sa mundo?"

"K-kuya..." I cried.

***

♥MimiMargaux (12.12.15)

Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon