19. The Answer is...?

342 31 0
                                    


Authors Note : pagpasensyahan ang chapter na ito. Lutang kasi ang utak ko at hindi makagawa ng matinong chapter. Palit-palitan din ng POV's itong chapter na ito. Enjoy reading! (Kahit hindi ito kaenjoy-enjoy.)

AMIEL's POV

Nasa theater/MAPEH club room ako at nakaupo sa harap ng piano katabi si Jake, kaibigan ko sya at magaling syang magpiano, pinakiusapan ko syang tumugtog para sa amin ni Danna. Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding, 6:28... ilang oras na kaming nag-iintay dito. Mukang hindi na ata dadating si Danna. Haay, sayang lang ang preparation ko. Naghanda kasi ako ng meryenda para sa amin dito, sa tabi ng piano ay mayroong isang lamesa na may kulay pink na tablecloth, may cake dun na ako mismo ang nagbake, nakisingit ako sa baking class nung kabilang section. Nakaayos yung mga platito at utensils na parang nasa sosyaling restaurant, nilagyan ko na din ng bulaklak sa gitna. Kaso, mukang ililigpit ko din ito at ipauuwi nalang kay Jake yung cake, sayang.. next time nalang siguro. Simula kasi kahapon, habang naglalakad pauwi at pagdating sa bahay ay hindi ako pinansin ni Danna, hindi rin sya nagpatutor sa akin at nakita ko syang nag-aaral mag-isa. Naging awkward na ang pagitan namin.. akala ko kanina, papansinin na nya ako pero mukang iiwasan nya talaga ako. Sabi ko na nga ba, hindi maganda ang kalalabasan ng pag-amin ko eh!

Ang plano ko sana kaya ko sya pinapunta dito ay para mawala ang awkwardness na yun, at para din sabihin sa kanyang totoo yung nararamdaman ko. Narinig ko kasi silang nag-uusap ni Kuya Tim kagabi, at sabi nyang trip trip lang daw lahat ito dahil sa nasabi kong "great show.." hindi ko nga alam kung bakit ko nasasabi yun!

"Pre, ano na? 6:32 na, wala parin sya, may gagawin pa ako sa bahay."

"Ah ganun ba? Sige, pwedeng pakiligpit nalang nito, tapos iuwi mo nalang yung cake?" Malungkot na sabi ko.

"Sige ako na bahala."

"Sige salamat." Napabuntong hininga nalang ako habang papunta sa pinto.

×××

DANNA's POV

Papunta na akong Theater club. 3 hrs na ang nakalipas nang matapos ang klase namin. Ilan ilang tao nalang ang napapadaan. Malamang nag-siuwian na. Pinag-isipan ko pa muna kung pupunta ba ako o hindi. Hindi ko nga kasi alam kung anong ikikilos ko sa harap niya NIYA, hindi ako komportable. Sa huli pinili ko pa ring pumunta, gusto ko rin kasi syang makita. Buti nga at hindi na nagpumilit na magtanong sa akin si Thea at Elyn kung bakit ayaw ko pang umuwi.

Rinig na rinig ko ang bawat yapak ko papuntang Theater Club, napakatahimik na ng hallway, palubog na rin ang araw. Hanggang sa nakarating na ako sa Theater Club. Nakatitig lang ako sa pinto, tumingin ako sa orasan ko.. 6:35. Nandito pa kaya si Amiel? Matagal-tagal na rin ang inintay nya.

Mukang wala nang tao dahil napakatahimik na. Hinawakan ko ang doorknob at kahit hindi ko pa pinihit iyon upang buksan ay nagbukas na ang pinto at nakita ko si Amiel, sya ang nasa kabilang side ng pinto. Mukang pauwi na sya.

"Hello! Sorry kung natagalan ako hehe." Pinilit kong hindi maging awkward ang tono ng pananalita ko, gumuhit ang ngiti sa mga labi nya at sinabayan iyon ng pagkinang ng mata nya.

"Ah, ganun ba? Hahanapin na sana kita eh. Akala ko hindi mo alam itong Theater Club."  Nakangiti sya, kaya napangiti rin ako.

"Simula bata, dito na ako nag-aaral. Kaya alam ko na ang lahat ng pasikot sikot dito, may mga lugar nga lang na hindi ko napupuntahan, tulad nalang nung room kahapon..." kung saan ka umamin..

"I fell inlove with you.. I don't know why.. I don't know how. I just did." >\\\\\

Nag-echo na naman, paepal.

Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon