"Basta Danna, ito ang tandaan mo.. There is a time for everything, and a season for every activity under heaven, He has made everything beautiful in its time and the wise heart knows the proper time and procedure, last goodthings happen to those who wait!"
Yan yung sinabi sa akin ni kuya nung nagtanong ako kung ano bang pinag usapan nila ni Amiel kagabi. Hindi man nya sinabi ng diretso, hindi naman ako super slow para hindi maintindihan yung sinabi nya. Inshort, ang ibig nyang sabihin, bata pa kami. Yun lang yun para sa akin. Tama naman si kuya, kaya yan si Amiel? Kahit gustong gusto ko yan? Hindi ko sasagutin yan pag niligawan ako ngayon. Promise ko yan sa sarili ko.
Ngayon, nandito na ako sa school. Mabagal akong naglalakad papunta sa classroom namin. Inaantok pa nga ako eh. Ang sarap kasi matulog tapos umuulan pa. Diba? Haay, tapos exams na naman hindi pa ako tinuturuan nung Amiel na yun.
"Uy, diba sya yun?"
"Oo nga, anong section ba yan?"
Grabe lang mga ate kung magbulungan? Rinig na rinig ko kaya. -_- Sino bang pinag chichismisan ng mga to, ang aga aga eh. Tumingin ako sa kanila, at umiwas lang sila sa tingin ko. Weh?
Nagpatuloy ako sa paglalakad, lilipad na sana ulit ang utak ko ng may babaeng biglang lumapit sa akin, hindi ko sya kilala. Oo schoolmate ko di ko kilala. Wala naman kasi akong pake sa kanila.
"Hi Ate, diba.. ikaw to, kasama si Kuya Amiel?"
"Huh? Alin?"
Ibinigay nya sa akin yung phone nyang ang laki na touchscreen pa, pero mas maganda phone ko dito haha. She played the video..
O///O Bakit nakaabot to dito?
YouTube.. 11,234 views. 1,786 likes. 56 dislikes.
Paano to nangyari? Sino bang nilalang ang nag- upload ng video na to? Ito rin yung video kagabi.
"Ah, oo. Kami nga yan.. pwede bang malaman kung sino nag-upload nito? ^///^"
"Ah, opo. Yung nag-upload po nito si Ate Misaki, college na po yun, sa Royal Kings University.. sya rin po yung original owner nitong video."
"Ah...." tss. Kung sino man yung Misaki na yun. Kokotongan ko sya kapag nakita ko sya! Nakakainis! Nakakahiya!!!
"Ate pwede po bang------"
"DANNA!" Napalingon kami kay Amiel. Na tumatakbo papalapit dito. At teka, bakit ang daming humahabol sa kanya!?? 0_0?
"Tara Danna.." hinawakan nya agad yung kamay ko. Hingal na hingal pa sya.
"Huh Saan??"
"Basta tara na!" Bigla na nya akong hinila. At nagtatakbo na rin ako kasama sya. Ano ba naman to. Ang gulo na. Bakit ba kami tumatakbo saka bakit ang daming humahabol sa amin!?? Lumingon ako sa likod.. shrek lang! Parang artista pala ang peg namin eh! May mga camera pang dala yung ibang humahabol sa amin..teka mga journalist tong mga to ah! Shrek! Meaning nito trending na trending kami hindi labg dito sa buong school pati na rin sa mga kalapit naming school!!!
"Amiel! Malapit na sila!!!" Mas binilisan namin ang takbo. Hingal na hingal na ako at sa tingin ko kaunti nalang ay mahihimatay na ako. Hindi ako magaling sa takbuhan at mabilis akong mapagod.
"Yel wait lang... wait.. sandali..." tumigil na ako sa pagtakbo pero patuloy pa rin si Amiel. Kaya naman nakaladkad na nya ako >.< tsk! Ang sakit tuloy ng tuhod ko!!!! Buti nalang hindi muka ko nakaladkad!
Nakitakbo nalang ako, maya maya bigla kaming pumasok sa isang room. Nasa liblib na parte sya nitong school. Halos sampung taon na ako dito hindi ko alam na may ganito palang nag eexist dito.

BINABASA MO ANG
Broken Promises
Roman d'amour"Big or small promises are promises. You break it, It'll break you into pieces."-Danna Amiel and Danna fell inlove with each other at the wrong time. They made promises, promises that they can't keep. Promises tore them, broke them and hurt them. Wi...