"Danna, ang ganda ganda mo!" pagcompliment sa'kin ni Ellyn na syang nag-ayos ng buhok. Ikinakabit na niya sakin ang belo. "Parang real life fairytale ang kwento ng love story mo."
"Pero sigurado ka bang okay na kay Amiel?" Ngumiti lang ako kay Thea at buong tiwalang sinabing, " Oo naman, okay na okay na kami. di'ba kinwento ko naman sa inyo kung ano nangyari sa pag-uusap namin.."
May sasabihin pa sana si Thea ngunit mayroong kumatok.
"Pasok." Pumasok naman si Thalia, kapatid ni Titus na bridesmaid.
"Ate Danna, magsisimula na daw po yung wedding, ikaw nalang po yung iniintay." Nakangiting sabi niya.
"Ganun ba? Susunod na ako." umalis na si Thalia. Tumayo na ako at tinignan ang sarili ko sa salamin.
"Handa ka na ba?" Tanong sa'kin ni Ellyn.
"Matagal na."
"I love you, Danna." He uttered after he hugged me.
"Am-"
"May mahal ka nang iba?"
Tumango nalang ako.
"Oo, alam ko na iyon. Tanggap ko na."
"T-tanggap mo na?" Pagtataka ko. Iba ang ngiti nya. Hindi ko maipaliwanag. Mukha namang ayos lang sya hindi tulad ng sinabi ni Leeanne at Lyzha.
"Oo tanggap ko na.. na may mahal kanang iba. Na hindi tayong dalawa. Si Leeanne ba ang nagpapunta sa iyo dito? Pasensya na sa abala."
"Oo, si Leeanne ang nagpapunta sa'kin dito kasi—"
"I was devastated. Sabi nga ni Lyzha, wala na daw ako sa sarili, pero ngayon tanggap ko na."
"So,.."
"I'm not okay right now. Mawawala din ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Mawawala din lahat ng nararamdaman ko ngayon. I know you Danna. Siguro nagiguilty ka. Don't worry, I'll be fine." Napaiyak ako sa sinabi nya. Parang nabunot ang malaking tinik sa dibdib ko.
Biglang bumukas ang pintuan at sumilip si mom at dad,"Oras na,Danna",sabay nilang sabi at abot ng braso ng dad ko sakin.
Inabot ko to at napahalik sa pisngi ng dad ko,"Salamat po",bulong ko at yakap kay mom,"Ayaw kong umiyak dahil sayang ang postura ko. Hindi ka na ang baby girl namin,Danna". Wala na ko nasabi at napangiti na lang. Oras na talaga.
Pagbaba namin sa altar ay bumungad ang nakangiting mukha ni Titus, kulang na lang ay siya na mismo ang lumapit sa akin at abutin na ang kamay ko. Napapaligiran ako ng sobrang tuwa. Ilan ay maluluha na lalo ang matalik kong mga kaibigan na tumitingin sa taas,mapigilan lang ang pag-iyak. Habang naglalakad ako pababa ng altar. Ramdam ko na ang magiging pagbabago sa buhay ko, buhay may asawa, buhay bilang isang misis, buhay bilang isang ina... nakakaexcite! Parang fairytale nga naman ang kasal namin ni Titus. Natupad na ang dream wedding ko, I can feel the sand, cold breeze at sunset. Sa pagbitiw ng magulang ko hindi ko inaasahan ang gaan ng aking pakiramdam. Malapit na ako sa altar ng nakita ko ang kislap sa mata ni Titus,"Mahal kita", binulong niya habang papalapit ako. Ng abot kamay na ako ay inalok niya ang braso niya . Niyapos ko to at napatingin sa mga mata niya.
" Mahal na mahal kita, Danna",sinabi niya sa akin habang naglalakad kami.
"Mahal din kita, alam mo yan",balik ko sa kanya at naramdaman ko ang higpit ng hawak niya sa akin at nakikita ko na ang kinabukasan namin. "Walang magbabago kahit kailan",napabugtong hininga ako at pag apak namin sa altar, ang ang papalubog na araw ay parang katulad nang sa mga napapanood namin. Wala na akong masasabi pa kundi, perfect.
Humarap kami parehas sa pari ay ngumiti ito samin,"Narito tayo ngayong lahat upang...", habang pinakinggan namin ang pari ay humigpit ang hawak ko kay Titus,"Ikaw lalake. Tinatanggap mo ba si Danna bilang iyong kabiyak sa hirap o ginhawa?"
"I do",malambot niyang sabi at tumingin sakin, ngumiti ako at hinintay ang tinig ng pari,"Ikaw babae, tinatanggap mo ba si Titus, bilang iyong kabiyak sa hirap at ginhawa?""I do" kasabay ng pagsabi ko ng mga salitang iyon, nagsigawan ang lahat dahil sa dalawang magkasunod na putok.
Napatulo na lamang ang aking luha. Hindi ko ito akalain..
***
Next update later tonight. Or Tomo night Or on Friday night. :) basta it's coming your way very quickly! HAHAHA
GODBLESS!
♡MimiMargaux (12.16.2015)

BINABASA MO ANG
Broken Promises
Romance"Big or small promises are promises. You break it, It'll break you into pieces."-Danna Amiel and Danna fell inlove with each other at the wrong time. They made promises, promises that they can't keep. Promises tore them, broke them and hurt them. Wi...