Nakahiga lang ako ngayon sa kwarto at nagpapahinga. Parang napakahaba at napakaraming nangyari sa araw na ito at pagod na pagod ako. Bigla ring bumibilis ang tibok ng puso ko kapag naaalala kong umamin na sa akin si Amiel, pero sa kabilang banda, may parte sa akin na ayaw syang paniwalaan dahil sa sinabi nyang "great show." He said that two times! Kaya hindi ko alam kung totoo bang umamin na sya sa akin o para lang yun sa isang "great show?" Yakap ko ngayon si Ms. Penelope, ito yung regalo sa akin ni Amiel nung mga bata pa kami. May malaking kwintas yun na hugis puso, sa loob nun ay may papel na may nakasulat...
"Danna + Amiel = DanIeL
I love you Danna!
-Amiel"
Ang pangit pa ng sulat at halatang matagal na panahon nang sinulat ito. Ito yung bagay na pinipilit akong paniwalaan yung sinabi ni Amiel na 'inlove' daw sya sa akin.
"HAIST! Nakakabaliw naman ito!" At my age dapat hindi ganito ang pinoproblema ko eh! I'm 16 years young at dapat school problems ang meron ako. Ang harot ko naman kasi e!
*knock!*knock*
"Danna?"
"Ha? KUYA! Wait lang po." Agad kong itinago yung papel na may nakasulat na I love you Danna chubachuchu. Pag nakita yun ni kuya, deads ako. Matapos kong itago yung papel ay pinagbuksan ko ng pinto si kuya.
"Anong ginawa mo?"
"Wala po, hehe nakahiga po kasi ako saka naiidlip na."
"Ah ganun.." Pumasok sya sa loob ng kwarto ko at umupo sa higaan ko.
"Ano ba yun kuya?"
"Balita ko "trending" daw kayo ah?" Sabi nya na sinabayan ng hand gestures.
"Ah! Oo nga po. Dahil po yun dun sa video na nakuhaan sa mall, yung Amiel kasi na yun eh. Ang lakas ng trip. Trip trip lang yun kuya, it's all for a great show.."
"Sigurado ka?" Humiga na sya sa kama ko at hinilot hilot ang sintido nya. Halatang pagod si kuya at kailangan na nya ng pahinga. Bukod kasi sa pagiging 'mother/father' nya dito sa bahay ay sya rin ang president ng Royal Kings University. College pa sya! Kaya stressed talaga.
"Opo naman kuya. Ako pa, saka si Amiel na rin nagsabi ng great show na yun!"
"Osige ganito nalang... nakikita ko kasing hindi malabo na magkagusto karin kay Amiel, pero diba nasabi ko na sayo nung nakaraan na, There is a time for everything, and a season for every activity under heaven, He has made everything beautiful in its time and the wise heart knows the proper time and procedure, last goodthings happen to those who wait! Diba nasabi ko na sayo yun?"
"Opo.."
"Hindi ka naman slow para hindi mo ako maintindihan hindi ba?"
Tumango tango ako. He is getting serious now. And when he is serious I have to be serious.
"Ok. So gusto kong mangako ka sa akin. Na hinding hindi ka muna makikipagrelasyon hanggat hindi ka nakakagraduate. Okay? Gusto ko makatapos ka muna."
"Opo."
"So.. promise?" Inilahad nya sa akin ang pinky finger nya.
"Promise!" We made a pinky promise.
"Alam mo bang may gusto sayo si Amiel? Sinabi nya sa akin yun nung nag-usap kami, alam mo rin bang nalove at first sight sya sayo? Kung hindi, now you know. Sinabihan ko sya na, hanggang gusto lang muna. Noong una, parang hindi daw nya kaya, pero sa huli napilit ko rin sya, we made a promise also." Tinignan nya yung hinliit nya.
"Sinabi ko rin sa kanyang, I hate broken promises, you know that right? And I know you hate broken promises too. Hahaha naalala ko nga yung sinabi nya nung gabing yun.. He will wait daw no matter how long it takes, beacause when God works, its always worth the wait. May point diba?"
BINABASA MO ANG
Broken Promises
Romansa"Big or small promises are promises. You break it, It'll break you into pieces."-Danna Amiel and Danna fell inlove with each other at the wrong time. They made promises, promises that they can't keep. Promises tore them, broke them and hurt them. Wi...