"Naku! Bestfriends ko nga kayo, thank you dito sa bagong dress na binili nyo para sa akin. Dito pa sa bagong shoes!! I love you talaga. Bakit nyo nga ba ako binilhan nitong mga ito?" Itinuro ko yung suot ko. Nakakapagtaka kasi na tila ang galante nitong dalawa kong kaibigan ngayon at nilibre ako ng dress at sapatos! Diba? Nakakapagtaka talaga dahil bago iyon! Sila nanlibre? May something talaga."Eh kasi ano---"
"Eh kasi alam mo naman Danna, ginawa namin para kahit saglit,ngumiti ka at malimutan mo muna yung boyfriend mong inaway ka." Sabi ni Ellyn ng walang masabi si Thea."Ganun ba? Basta thank you dito ah. Babawi ako! Promise!"
"Hindi mo na kailangang bumawi, hindi naman namin pera yan." Bulong ni Thea pero malakas parin yun enough para marinig ko.
"Ano yun Thea?"
"Ha? Ano wala, wala. Ellyn ala sais na. Tara na magdinner na tayo hehehe!"
"Aba naman! Mukhang libre nyo din ata dinner ko ah!!! Yung totoo saan galing pera nyo?" Tanong ko sa kanila. Mukhang hindi kami sa mall kakain dahil palabas na kami ngayon ng mall.
"Wag ka ngang assuming, wala na kaming pera para ilibre ka pa ng pagkain mo. Bibili ka na ng sarili mo no haha joke." Sabi ni Ellyn kasabay ng pagpara nya ng jeep.
"Teka, saan ba tayo kakain?" Tanong ko sa kanila. Bakit pa kami sasakay ng jeep, sa malayo pa ba kami kakain? Gutom na kaya ako, pwede bang mag Jollibee nalang?
"Sa magandang restaurant tayo kakain." Sabi naman ni Thea at sumakay na sa jeep. Sumakay silang dalawa kaya sumakay na rin ako.
Habang nagbabyahe ay unti unting naging pamilyar yung daan, at hindi ko malilimutan ang daan na ito, papunta ito sa Rod Palace kung saan ko sinagot si Amiel. Don't tell me..
"Sa Rod Palace ba tayo kakain?" I ask.
"Nice! Galing mo ah! Nahulaan mo!" Ellyn said, sakto yun sa pagtigil ng jeep. Nasa harapan na kami ng lugar kung saan ko sinagot si Amiel.
"Bakit naman dito pa?"
"Wala eh, dito gusto eh." -ellyn
"Dito gusto nino?"
"Nung boyfriend mo.."-Thea
"Nandito si Amiel?" Gulat na tanong ko.
"Yup! Danna, gusto nyang magkaayos na kayo. Gusto din namin ni Ellyn yun. Kaya nakipag partnership na kami sa kanya. Napag-alaman din nya na monthsarry nyo ngayon kaya hindi na sya naglunch, inintindi nya ito, Danna, sana hindi masayang yung effort nya. Makipag-ayos ka na sa kanya. Tigilan nyo na itong away nyo." Paliwanag sa akin ni Thea ng nasa harapan na kami ng mismong restaurant.
"Pero kasi.. paano ko sya haharapin?"
"Edi pumunta ka sa harap nya. Hayaan mo hindi na yun galit. Mag-usap kayo ng maayos ha? Ihahatid ka lang namin sa kanya tapos kakain na kami ng saamin lang." Ganun nga ang nangyari, hinatid nila ako sa taas, dun din sa eksaktong lugar kung saan yung balcony. Kung saan ako naulanan dahil nakatingin ako sa nanghaharanang si Amiel. Nang makalapit ako ay nakita ko sya sa harapan ng grand piano na nasa gilid, ngunit hindi sya ang tumutugtog kundi yung kaibigan nyang si Jake, kumakanta naman sya.
"It's your hair and your eyes today, that just simply takes me and the feeling that I'm falling further inlove makes me shiver but in a good a way." Kanta nya habang magkasalubong ang tingin nami , iniba pa nya ng kaunti yung lyrics ng kanta
"All the times I have sat and stare as you thoughtfully combs through your hair and you purses yout lips, bats your eyes, and you plays with me sitting there slacked jawed and nothing to say," patuloy nyang pagkanta habang papalapit sa akin, nang makalapit sa akin ay kinuha nya ang mga kamay ko at ipinatong yun sa balikat nya, inilagay nya naman sa bewang ko ang kamay nya, and we dance slowly as he continued singing
![](https://img.wattpad.com/cover/18589485-288-k170828.jpg)
BINABASA MO ANG
Broken Promises
Romance"Big or small promises are promises. You break it, It'll break you into pieces."-Danna Amiel and Danna fell inlove with each other at the wrong time. They made promises, promises that they can't keep. Promises tore them, broke them and hurt them. Wi...