13. Untitled

353 35 2
                                    

"Hey yow! Its friday, want to watch movie? Libre ko." Bungad ni Thea pagpasok nya. May pera ata sya ngayon at naisipan nyang manlibre ah. Palagi nalang kasing si Ellyn ang nanlilibre sa amin eh. Ako? Isa akong proud kuripot XD chos! Matipid lang. May mga bagay akong pinag iipunan eh.

"Wow naman, rich kid ka ata ngayong araw ah?" Sabi ko.

"Hindi naman, nasasawa na ako sa friday natin eh. Ni hindi man lang tayo gumagala tulad nung iba. Last year na natin to bilang highschool kaya ienjoy naman natin."

Kahit ako nasasawa na eh. Masaya lang naman ang friday dahil weekend at wala ng pasok bukas. But the truth is.. its boring.

"Sige na, tara. Basta libre hindi ako tatanggi. Ano bang movie?" Tanong ni Ellyn.

Silang dalawa na ang nagdiskusyon kung anong movie ba ang panonoorin. Wala naman akong alam na movie na now showing. Ni hindi pa nga ako nakakapanood sa sinehan. Mas gusto ko kasi na bumili nalang ng DVD at manood nalang sa bahay, one to sawa pa ang panonood.

Dumating ang teacher namin at ofcourse, may quiz. At hindi tulad dati, nag-aral na ako ngayon. CHOS! Hindi ko sya magets eh. Kaya hindi ko na masyadong pinag-aralan, sumasakit lang ang ulo ko. Pumapasa naman ako kahit papaano gamit ang 'hula how to solve' technique ko.

Matapos namin mag-quiz ay kinabahan ako matapos akong tawagin ni Ms. Terror. Ano na namang sasabihin nito, bagsak na naman ako. Haaay~ pinasunod nya ako sa teachers quarter. Habang naglalakad ay nahagip ng mata ko si Amiel. PE class nila, sa tingin ko naglalaro sila ng badminton. Si Lyzha kapartner nya.. kung makadikit na naman yung chakadoll na yun oh!

"Ms.Villo!! Ano bang tinitignan mo jan!?"

"Ay sorry mam!" Nagpeace sign pa ako. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob ko na magpeace sign, isa kaya ako sa mga takot dito kay Ms. Terror. Tingin pala nya parang mamatay na ako eh.

Pumasok ako sa loob ng teachers quarter at umupo sa harap ng table nya.

"Ms.Villo.."

"Yes mam?"

Inayos nya ang salamin nya habang nakatingin sa akin. Chaka naman. Kinakabahan ako lalo sa sasabihin ng matandang dalagang to eh. Chos. FYI ah! 28 palang pata tong si mam!

"May gusto ka ba kay Mr. Amiel Alejo?"

O_O "Mam?" Saan nakuha ni mam yung tanong na yun?

"Sabi ko, may gusto ka ba kay Mr. Amiel Alejo?" Seryoso nyang tanong habang seryosong nakatingin sa akin. Seriously, saan naman nya nahagilap yung tanong na yun at paano nya naman nalamang may gusto ako dun sa kay Amiel?

"Ano mam.." napaayos ako ng buhok ko. Hindi ko masabi eh.

"Answer me Ms.Villo, or I'll give you a failing grade."

"Mam.. opo." Tumungo ako. Nakakahiya naman!

"Haha! Sabi ko na nga ba, so its settled then.."

Nagulat ako sa reaksyon ni mam. Bipolar ba tong babaeng to? Kanina lang napakaseryoso nya ngayon parang kengkoy naman sya. Ang gulo.

"Settled ang alin mam?"

"Ms. Villo, kahapon, nagcompute ako ng grades nyo. You got 45. At sa tingin ko, ngayong darating na periodical exam ay madadagdagan lang ng 20 points un, so 65 lang ang grade mo."

"Ano pong pwede kong gawin mam?"

"Alangan, mag-aral ka. Shonga naman mo. Hindi ka kasi nag-aaral eh."

"Eh mam, hindi ko po maintindihan. Itutor nyo po ba ako?"

"Hay nako. For your info hija, lumalove life na ako ngayon..kaya masyado na akong busy. Kaya naman.."

Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon