02.Friends

1.1K 44 2
                                        

Enjoy reading~

***

"You see her when you close your eyes

Maybe one day you'll understand why

Everything you touch surely dies... yun yung next na lyrics."

Nagulat ako at bigla akong napalingon sa likod. Si Amiel pala. Kakahiya, narinig nya akong kumakanta dito na parang eng eng!

"Nandito ka pala? Hello.." ngumiti ako ng medyo pilit.

Nakakahiya kasi talaga. Feel na feel ko pa naman yung pagkanta. Ito naman kasing Amiel na to, nandito pala hindi man lang nagparamdam agad. Nangugulat pa.

"Oy, bakit namumula ka? Nagulat ka ba kita? Galit ka? Sorry."

Aish! nagtraydor pa tong muka ko! namula siguro dahil sa hiya. Napakamot nalang ako sa batok.

"Ah, hindi. Kasi ano... wala lang. hehe."

"Ang ganda ng boses mo. Ituloy mo yung pagkanta."

"Thank you, kaso ayoko na kumanta. Nakakahiya na eh."

"Nahiya ka pa. Dapat nga ako yung mahiya sayo kasi nakikituloy ako dito sa inyo."

"Hindi,Okay lang yun."

Katahimikan na ang namagitan sa amin pagkatapos. Nagsi-cellphone sya samantalang pinitas ko naman yung mga bulalak na nandito(kahit bawal pitasin). Walang nang magawa. Gusto ko nang pumasok kaso nag iingay parin sila doon. Baka mabadtrip na naman ako at ipakain ko sa kanila yung instruments nila.

"Lumabas ka kasi ang ingay sa loob no?"

Napatingin ako sa kanya nung nagsalita sya. Buti nalang nagsalita sya kundi mapapanis na ang laway ko at mauubos na yung bulalak dito kapipitas ko. Naalala ko lang nung pinakilala silang apat sakin ni kuya, "the no one" ang pagpapakilala nya dito kay Amiel. Bakit naman kaya?

Curiosity attacks!

"Oo tama. Nakakarindi na nga eh. Grabe sila kung makarock and roll sa loob. Akala mo nasa concert!" I rolled my eyes heavenwards.

"Pareho tayo, naririndi narin ako sa kanila kaya ako lumabas."

Ngumiti sya, and that made me comfortable. Unti unti nang nawawala yung inis at yung hiya ko. Bago ko pa maubos yung mga bulaklak, umupo na ako sa tabi nya.

Oy wait,Wag ADVANCE yung mga utak nyo ah. Iisa lang naman ang upuan dito sa likod, kaya no choice ako kundi ang tumabi sa kanya.

"Amiel pangalan mo diba?" I ask him

"Oo, bakit?"

"Pwede magtanong? Bakit "the no one" ang pakilala sayo ni kuya kahapon?"

"Ah, wala yun.. gusto ko kasing sumali sa banda nila. Kaso wala naman akong kayang tutugin na music instrument."

Kawawa naman pala tong Amiel na to.Sasali sa banda walang alam tigtugin na music instrument. Turuan ko kaya siya? Para po kasi sa mga hindi nakakaalam... I know how to play piano at meron nun sa kwarto ko. Pang palipas oras ko yun o kaya pang pa-emote pag umuulan. :D ya'know, raining mode=senti-slash-emote mode.

"Gusto mo turuan kita mag piano? Marunong ako."

"Wag na. Nakakahiya."

Naku yang "hiya" talaga na yan.. yan din ang problema ko=_=. Tama nga si Thea, dapat hindi laging mahihiya kasi walang mararating. Aaralin ko na talagang bawasan ang pagiging mahiyain ko para malayo ang marating ko!

"Alam mo, sabi nung bestfren ko kung puro hiya ang papairalin wala kang mararating. Hanggang dito ka nalang sa kinatatayuan mo, tatanda kang binata and you'll be forever alone!"

Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon