33. They Promised Forever

225 13 0
                                    


"Hindi ko talaga matanggap, sa lahat lahat ng pwedeng magsabi nun kay kuya sila pa? Sila pa na mga kaibigan ko? Na pinagkatiwalaan ko?" Umiiyak na sabi ko kay Amiel. Nandito pa rin kami sa park at hindi pa rin matigil ang pag iyak ko dahil sa halong galit at pagkadismaya.

"Look at me.. look at me." Hinawakan nya ang maglabilang pisngi ko. Tumingin ako sa kanya.

"Wag ka nang malungkot at umiyak okay? Ayaw kong nakikita kang ganyan. Hayaan mo na sila. Hindi naman nila kayang paghiwalayin tayo hindi ba?" Hinawi nya ang ibang buhok na nasa mukha ko at iniipit iyon sa likod ng tainga ko.

"Smile, ngumiti ka na. Kahit magsumbong pa silang lahat jan. Malaman man ng buong mundo na tayong dalawa na, wala na silang magagawa. Ang mahalaga, mahal natin ang isat-isa.." this time napangiti na ako. Ang swerte ko talaga sa lalaking ito.

"Oh ayan, ngingiti ka rin naman pala eh.." niyakap ko nalang sya. Hindi na ako nagsalita. Niyakap nya rin ako saka hinalikan ang ulo ko.

"I love you.." he said.

"I love you more." Sabi ko naman. Kahit iwan at traydurin ako ng buong mundo, wala na akong pakialam. Basta magkasama kaming dalawa ni Amiel, tapos!

"Teka nga.. hindi ba sabi ko huwag ka nang lalabas? Tsk tsk tsk." Sabi nya saka pinitik ang noo ko.

"Aray naman. Sorry na. Si Ellyn at Thea kasi ang nagpapunta sa akin dito. Kaya pinuntahan ko na."

"Ah basta, next time kapag lalabas ka ng ganitong oras tatawagan mo ako para sasamahan na kita. Para hindi na maulit yung ganito."

"Oo na, eh ikaw naman? Saan ka pupunta at bakit todo porma ka pa, may bitbit ka pang gitara manliligaw ka ba sa iba?" Namewang ako na parang nanay na pinagagalitan ang anak nya. Samantalang natawa naman sya saka ako inakbayan.

"May gig ako. Sumama na ako kay kila Jake, para may pambayad ako sa upa. DOon ako nakatira sa paupahan nila Jake . Sila mommy kasi sapat nalang ang ipinadala sa akin kasi nalaman na rin nila yung tungkol sa atin. Kaya kailangan ko ng sideline para may pangdate tayo. Hindi ako manliligaw sa kung sino. Ginayuma mo na ako eh, maakit pa ba ako sa iba?" Natawa pa sya sa sinabi nya. Ang kapal din nito oh, ako ginayuma ko sya? May nabasa na ba kayong ginayuma ko sya? Wala naman diba. Imagination din nito ni Amiel eh.

"Oo na sige na.. mag gig ka na. Siguraduhin mo lang na gig yan ah, dahil kapag nalaman ko na kalandian yan, hahampasin kita ng grand piano! HAhaha!" Natawa kaming dalawa. Kinurot naman nya yung pisngi ko.

"Hahaha loko loko ka din eh! Gusto mo bang sumama sa akin para makita mong hindi kalandian 'to? Nagdududa ka pa dyan akala mo naman ipagpapalit kita?"

Tinignan ko kung maayos ba ang suot kong damit. Nakasimpleng blouse ako at pantalon saka naka flats. Well gig naman ang pupuntahan ko at hindi fashion show eh..

"Tara."

.
.
.

Halos mag-aalas onse na ng matapos ang gig nila Amiel. Sinabi nya na ihahatid nya na daw ako dahil gabi na at for sure naglipana na ang mga masamang ispirito sa tabi-tabi. Tumanggi ako sa alok nya at sinabing doon nalang muna ako sa tinutuluyan nya magpapalipas ng gabi.

"Ano? Hindi ka pwede dun. Ihahatid nalang kita. Lalong magagalit sa atin at lalo na sa akin yung kuya mo kapag doon ka magpapalipas ng gabi." Papara na dapat sya ng jeep pero pinigilan ko sya.

"Kahit umuwi ako ngayon, magagalit pa rin naman yun. Kaya tara na, hayaan mo syang magalit. Sige na~" pamimilit ko. Galit naman na si kuya sagarin ko na. HAHAHA

"Basta hindi pwede. Uuwi ka."

"Amiel, sige na kasi. Ngayon lang naman." Napacute at nagpaawa na ako para mapapayag sya. Mga ilang segundo kaming nagtitigan..

Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon