"Wag ka na ngang kiligin jan. Halika dito, tuturuan nalang kita para naman hindi sayang yung oras."
Hindi ako lumapit sa kanya. Sya ang umurong para magkadikit kami. Hay nako talaga. Grabe na. Ay ewan!!! Kinuha nya yung bag ko at kinuha yung physics book ko.
"Anong tuturo mo sa akin?"
"Tuturuan kita kung paano ma-inlove kay Amiel! HAHAHA! XD"
"May ganun ba?" Sarcastic kong sabi para pagtakpan ang tunay kong nararamdaman! Inis! Kinikilig kaya ako dito. Sigurado rin ako na namumula na naman ang buong mukha ko. Tsk. Siguro kung anime character ako kanina pa ako nag no-nosebleed dito.
"Oo para masaya. Haha biro lang. Ituturo ko sayo yung hindi mo maintindihan. Tutor mo ko diba?" Oo nga pala. Tutor ko nga pala sya.
"Okay.."
Sinimulan na nya ang pagtuturo sa akin. Mas magaling pa syang magturo kesa sa teacher ko. Nakakainis lang kasi kung makalait sya pag di ko nasasagutan wagas! Akala mo naman sobrang talino. Todo ngiti rin sya habang nagtuturo, tuwang tuwa! Samantalang ako, ayoko na. Sumasakit na yung ulo ko, nakakaisang lesson pa lang kami. Pero naiintindihan ko na naman sya , slight lang. Swerte magiging anak nito ni Amiel in the future, libre tutor na sila o kaya tagagawa ng assignments. Hahaha oh baka naman matalino din magiging anak namin mana sa tatay. Wa-ANO!? Chaka naman lumilipad na naman utak ko sa kabilang mundo oh!
"Oh sagutan mo."
"Ha? Ang alin?" Binigyan nya ako ng "bored look" at saka pinitik yung noo ko. Ang sakit! Nakakaasar.
"Para saan yun?"
"Hindi ka nakikinig e."
"Hoy nakikinig ako ah. Saka bakit may sasagutan agad? Hindi ko pa nga 100% na naiintindihan!"
"Paano mo maiintindihan kung nakatingin ka sa akin at hindi dito?" Tinuro nya yung papel. Wow, andami nang sulat ah. Hindi ko man lang namalayan. Kasi naman ee, hoy utak magfocus ka naman!
"Nakikinig ako saka nakatingin ako jan. Daydreaming kang nakatingin ako sayo ah."
"Oh sige nga , ipaliwanag mo sa akin to."
Kinuha ko yung papel, ang daming numbers, may mga square root pa, may mga v over whatever. May letters na nga may numbers pa. Wait paano nga ba to ginawa.
?
?
?
?
?
=_= shrek. Di ko alam. Ni hindi ko alam kung saan ba nagsimula tong mga to.
"Oh ano?"
"Ang dami nito oh, hindi mo sinabi sa akin kung saan ba dito yung ipapaliwanag ko," palusot ko.
"Kita mo na. Sabi ko na nga ba pinagpapantasyahan mo na naman ako."
"In your dreams." I glared at him.
"In your dreams? Hanggang sa panaginip mo, pinagpapantasyahan mo parin ako? Grabe naman. Ganun ka ba ka obsessed sa akin?"
"Hindi ako obsessed sayo. Baliw ka."
"Ah, baliw ka na sa akin."
"Hindi! Ang kapal mo talaga."
"Uy ano yun? Mahal mo ko talaga?"
=_= Sarap kotongan naman ng nilalang na to, pabaliko ang takbo ng utak. Naturingan pa namang nasa royal section di makaintindi. Ang childish pa.
"I hate you."
"Ouch.." hinawakan nya yung dibdib sya at umaktong nahimatay kunwari at parang di makahinga. Ang daming alam. Napakamot nalang ako sa batok.
"Alam mo bang, ang sakit nun? Pero alam ko namang hindi totoo yun eh. Hahaha you hate me? Liars go to hell."
"K."
"Alam mo bang totoo yung the more you hate the more you love? Kasi may nagsabi sa akin na kaya daw sinasabi yung 'I hate you' ay para matakpan yung talagang nararamdaman nila which is yung 'I love you.'"
"Kanino mo naman napulot yan?"
"Kay Lyzha." Lyzha na naman. Nung nakaraan kay Lyzha nya rin nalaman yung special na lugar na yun. Sigurado rin ako na kay Lyzha galing yung libro kanina dahil nabasa ko yung tungkol sa I hate you vs. I love you dun. Close na close talaga sila ni Lyzha. Speaking of that girl. Hindi na nagpaparamdam.
"Oh may shiii! I found them!!!"
O_O
"HEY GUYS! THEY'RE HERE!"
Chakabels. Sino tong babaeng to? Tinatawag ba nya yung mga humahabol sa amin kanina???
"Ano ba yan!" frustrated na sabi ni Amiel. Maya maya pa ang dami nang nakapaligid sa lugar na to.
"HINDI NA KAYO MAKAKATAKAS. NAPAPALIGIRAN NA NAMIN KAYO." OA naman nun! Nakamegaphone pa. Ngayon alam ko na ang feeling ng isang artista. Hahaha
"Tara labas na tayo."
"Huh? Ayoko. Tatakbo tayo ulit? Ayoko hindi ko na keri."
"Ako bahala. Hindi naman siguro nangangagat yang mga yan." Sabi nya habang nililigpit yung gamit ko.
"Ikaw bahala ah." Paninigurado ko.
"Oo. Promise yan!" Inalalayan na nya ako sa pagtayo dahil sa sahig kami nakaupo. Hawak nya yung kamay ko at papalapit kami sa pinto. Pinatadyakan nya yun sa isang lalaki na isa sa mga humabol sa amin kanina.
"Totoo bang kayo?"
"Anong pakiramdam ng trending?"
"Transferee ka dito diba Alejo?"
"Alam nyo bang may fansclub na kayo?"
Fansclub? XD HAHA seryoso?
Sunod-sunod ang mga tanong nila. Hindi ko alam na ganito pala ang pagiging trending. Feeling ko artista na ako. Taon-taon iba iba ang trending. Yung mga yun syempre instant famous. Inilalagay din kasi yun sa schoolpaper. Haaay. Bakit ba ganito dito?
Dahil sunod -sunod ang tanong, sunod sunod din ang sagot ni Amiel, habang ako nasa likod lang nya habang hawak nya ang kamay ko.
"Pwede bang ikwento kung paano kayo nagkakilala?"
Ano akala nyo kay Amiel, story teller?
"Masyadong mahabang storya. Iwawattpad ko nalang siguro. Hahaha!"
"Ms. Villo, hindi pa kayo nitong si Mr. Alejo at nanliligaw palang sya sayo. May pag-asa ba sya sayo?"
^////^ Intregerang palaka naman tong babaeng to! Syempre meron syang pag-asa! XD since nandito na ako sa sitwasyon na to, imbes na iwasan ko, i-enjoy ko nalang! It's my time to shine!
"We'll see." Ef na Ef ko yung pagsagot.
"Sige salamat sa inyo. Babalitaan ko kayo pag kami na."
Malaya na kaming naka-alis. Kinukuhanan parin kami ng picture kahit na nakatalikod kami. Inakbayan naman ako ni Amiel.
"This is going to be a great show. This is great. Hahaha."
× × ×
Thank you for reading! I hope nagustuhan nyo. ^_^
Votes and comments!
Godbless!
♥MimiMargaux (10.29.14)
BINABASA MO ANG
Broken Promises
Romance"Big or small promises are promises. You break it, It'll break you into pieces."-Danna Amiel and Danna fell inlove with each other at the wrong time. They made promises, promises that they can't keep. Promises tore them, broke them and hurt them. Wi...