40. Small World

177 13 2
                                    


"Grabe, bigtime pala talaga mga nagiging kliyente mo." komento ni Danna habang tinitignan ang photo album ng mga naging kliyente ni Leeanne. Mula Politicians, Celebrities at mga kilalang negosyante ay naging kliyente nito. Ngayon sigurado na syang magiging maganda ang kalalabasan ng kasal niya.

"Well, alam mo na. Kapag bigtime, mas bongga ang wedding, mas malaki ang bayad." natawa silang pareho sa biro nito.

Kasalukuyan syang nasa opisina ni Leeanne. Nakarating na sa bansa ang groom noong nakaraan kaya naman sisimulan na nila ang pagpaplano ng kasal. Excited na syang planuhin ang magiging kasal nya kasama si Leeanne. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nya maipaliwanag kung bakit magaan ang loob nya rito.

"Haay, Happy endings..." wika nya bago nya isara ang photo album at ilapag iyon sa mesa ni Leeanne.

"So, ano nga palang pangalan ng groom?" Leeanne asked.

"Titus, Titus Lee." she answered. Ngumiti sya, nakangiti din naman si Leeanne sa kanya na parang sinasabi nitong "ayyiiee si Titus pala ha. Ayyiiee. Hart hart!"

"Ano ba yang ngiti nayan Leeanne?" natatawang tanong nya dito.

"Wala lang. Halata kasing kinikilig ka paglasabi mo nung pangalan nya. Ayiiiee, Titus." tumawa ito. "Surname nya, Lee? Ano ito, Lee-Anne?" tumawang uli ito at nahawa sya. Kung si Thea ito o si Ellyn malamang binatukan na nya ito.

"Joker ka din no?" sabi nya habang natatawa.

"Hindi ako joker, wedding planner ako!" tumawa na naman ito kaya naman natawa na rin sya.

"Hay, tama na nga." sabi nito saka inaayos ng kaunti ang sarili. "Anyway, alam mo ba may kakilala ako, hate na hate nya ang 'Titus'? Tinatapon nya yung mga gamit ko na Titus ang tatak. Diba, yung ballpen and notebook na Titus?"

"Oh? bakit naman daw?" kabaligtaran sya ng taong kakilala ni Leeanne, puro Titus ang ballpen nya.

"Malay ko nga dun. Si Titus ba na ito, first love mo ba, pang ilan sya?"

"No. Hindi ko sya first love. Gusto ko sana kung sino na yung first sya na din yung last. Kaso hindi maganda ang naging pangyayari."

Tila naging interesado naman si Leeanne. "Ano bang nangyari?"

Hindi naman sya nag-alinlangang magkwento. "Sa promise kasi yan nagsimula. Highschool lang kasi kami nun. Nagpromise kami na mag-iintayan hanggang sa maging tama na panahon, yung edad namin. Nangako din ako sa kuya ko at ganoon din ang pinangako ko."

"And then, napako mo pangako mo?"

"Nakuha mo. Hindi na kami nakapag-intay. Naging kami na, pero sikreto lang. Yung sikreto namin nalaman ni kuya hanggang sa nakarating na sa parents ko."

"Ano namang sabi ng parents mo?"

"Ayun, tutol sila. Bata pa daw ganyan, saka kasi itong si lalaki may sikreto kasing malupit. Ayun pinaglaban ko sya, ganito ganyan. Tapos niloloko nya lang pala ako. The End." nakangiti nyang sabi. Noong huli nyang kwinento iyon ay iyak sya ng iyak. Ngayon, hindi man lang sya naluha. Patunay lang na nagkamoved on na sya, pitong taon na rin naman ang nakalipas.

"The end, yun na yun?" hindi makapaniwalang sabi ni Leeanne. Para itong isang mambabasang hindi naging satisfied sa ending ng binabasang kwento. Yung parang gusto pa ng book 2. "Grabe, pinaglaban mo sya tapos ikaw niloloko ka na pala nya. Kinagwapo nya yun." the wedding planner rolled her eyes heavenwards.

"Okay lang yun. Kung hindi dahil doon hindi ko naman makikilala si Titus." sabi nya dito.

"Oo tama. Sa ganda mong yan. Niloko ka nya. Hindi nya alam ang sinayang nya."

"Hahaha, sinayang nya ang isang Danna, tsk.tsk." tumawa sya. Napaisip sya, paano kaya kung hindi kaya tumutol ang mga magulang nya? Kung naging okay lang ang lahat, nasaan kaya sya ngayon? Malamang baka nagpapaka eng-eng parin ako.

Mayamaya ay mayrong kumatok sa pinto ng opisina ni Leeanne. Ito na ang tumayo at nagbukas ng pinto.

"Baka si Titus na iyan." At hindi naman sya nagkamali. Nakatayo si Titus sa tapat ng pinto. Pagkakita dito ay agad syang lumapit dito. They kissed and hugged each other.

"Eherm.." panawag pansin ni Leeanne. Natawa naman silang dalawa ni Titus.

"Grabe ang sweet nyo ha. Medyo na-out of place ako, out of place sa sarili kong place." pabirong sabi nito habang may kinukuhang papel.

"Dahil andito na ang groom, simulan na natin. Anong pangalan ng bride?"

"Danna Vil-"

" cause I love her with all that I am and my voice shakes along with my hands.."

"oops! Excuse me. Sagutin ko lang itong tumatawag." kinuha nito ang phone at sinagot ang kung sino man na tumatawag.

"Hello... oh, kuya. Ano yun?...cookies na naman? baka naman naglilihi na yang si ate ah.... oo sige lang. Nasa office ako may kliyente ako ngayon... oo nga. Sige na...babye." itinago na nito ang telepono nito. "Pasensya na ha, yung kuya ko yun, papunta daw sila dito nung girlfriend nya may dala daw cookies. Name mo ulit?" tinuro sya nito.

"Danna Villo.."

"Okay and yung groom ay si Titus Lee." matapos nitong isulat ang mga pangalan nila ay tumingin ito sa kanya. Katulad iyon ng ngiti na ginawa nito kanina matapos nyang banggitin ang pangalan ni Titus.

"Titus, my name is Leeanne. Your future wife is so inlove with you."

"I know that. I'm so blessed to have her.." inakbayan sya ni Titus.

"Okay, tama na yang akbayan ipagpatuloy na natin ito."

"Kailan ang date ng kasal?"

"As soon as possible." Titus said.

"Okay.. anong theme? Church wedding ba or somewhere else? Beach wedding?"

Maya maya ay natapos na sila. Ofcourse beach wedding ang napili nila. Next week ay pupunta sila sa isang private Island na pag-aari ni Leeanne. Beach wedding din daw kasi ang nais nito, at dahil first time na may pumili ng beach wedding isinuggest nito sa private Island nalang na pag-aari nito. Iche-check nila ang lugar next week.

"Hindi kayo magsisi doon. Promise. Maganda doon."

"Okay. Vacation ang peg natin doon next week." nakatayo na sila sa may pinto at papaalis na. Danna was about to open the door ng may nagbukas na niyon.

Nanlaki ang mga mata nya ng makita kung sino ang taong nagbukas ng pinto. Hindi sya pwedeng magkamali. The man standing in front of them is Amiel. He was more handsome now. Ngunit malamig ang tingin nito hindi lang sa kanya kundi maging kay Titus na rin.

"Oh, sakto ang dating mo kuya." kuya? wika ni Danna sa isipan nya.

"Danna, Titus, meet Amiel, sya yung kuya ko na tumawag kanina."

What a small world.

***

Hello! Thank you for reading! :)
★Vote if you liked it.
Comment ka na din or ..
✉ Send me a message. Magchikahan tayo.

GODBLESS!

♡MimiMargaux (6.20.15)

Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon