Physics time pero wala si Ms.Terror! Yehey! Lumalovelife na raw kasi eh. Parang ako, lumalovelife, este kumacrushlife na kay Amiel! >\\\< Dalawang araw na ang nakalipas nung nangyari yung sa park.Hanggang ngayon hindi pa rin ako makagetover. Kinikilig pa rin ako. Yung parang ang sarap magwala ng bonggang bongga sa sobrang kilig!
"Hoy Danna!" Binatukan ako ni Thea. Walanjo naman oh, kitang nagmomoment ako dito. Paepal. Haha chos.
"Aray naman. Ano ba yun?" Inayos ko yung buhok ko, nagulo nung binatukan ako eh.
"Eh kasi para kang nakasinghot jan girl! Nakatunganga ka sa kisame tapos parang ewan yung ngiti mo. Ano bang nakain mo?"
"Eh kasi..hihihi!" Kumuha ako ng kaunting buhok ko at inikot ikot yun sa daliri ko.
"Eh kasi ano? Pabitin ka pa eh." Ellyn
"Wait lang naman to, mahirap magkwento kapag kinikilig ka ng bongga."
Naitakip ko ang palad ko sa mukha ko. Yiiiie.Nakakakilig talaga! Yung niyakap nya ko mula sa likod, tapos he is starting to feel something for me daw!! Waaaaahhhh! Woooh! Oxygen please. Oxygen please! Wah! Walang oxygen? osige patay na ko sa sobrang kilig.
Hahah nekekebelew.
"Kinikilig ka, emergerd! Tungkol ba kay Amiel yan ah? Tae ikwento mo na!" Thea
"Okay, okay. Wooh, Inhale. Exhale! Shocks kasi eh.." Sinimulan ko na ang pagkikwento sa kanila, mas nabwiset sila kay Lyzha. Balak pa ngang resbakan eh, speaking of that girl hindi ko pa sya nakikita at wala akong balak na makita sya! Panira ng araw yung chakadoll na yun. Kwinento ko rin syempre ang dahilan kung bakit ako kinilig. Ang mga bruha kilig na kilig rin!!
"Tapos ayun. Tapos na."
"Ayie! Ayie! Ayie! Humaharot kang babaita ka ah!"
"Hindi ah, crush lang naman."
"Eh basta kinikilig kami!" Sabay hampas sa braso ko. Nagsimula na naman sila. Kaya bago pa ako mabugbog sarado lumabas na ako ng classroom.
Pumunta ako sa favorite kong bahagi nitong school, ang flower garden! Bukod kasi sa napakaraming bulaklak, meron ding mga butterflies. Feeling ko isa akong fairy pagnapapadpad ako dito...owh. Nandito pala ang mga tagaRoyal Section. Dahil nandito ang adviser nila na may itsura din kaso bakla. Agad na gumana ang mata ko at hinanap si Amiel.
Where is that guy???
Scanning... loading... guy not found.
"Nasan yu--" May biglang tumakip sa mga mata ko. Taeng sino to?
"Hulaan mo kung sino ako." I know HIS smell. And his voice.Its him.
"Ikaw yung panget na si Amiel.. boses mo palang panget na eh."
Tinanggal nya yung kamay nya sa mata ko.
"Grabe naman. May ibibigay pa naman sana ako sayo eh. Kaso panget pala ako kaya wag nalang."
"Anu yung ibibigay mo??"Ano kaya yun?? Ano kaya yun? Baka ice cream, tsk. pagkain na naman naiisip ko. Baka kwintas, o kaya hikaw or singsing.. at yayayain na nya ako sa simbahan! Chos! Anu ba yan ang harot ko! Pasensya na.
"Ito sanang.."
"Yung?"
"Ito sanang puso ko."
-\\\\\-
"Ang korni mo. Puso puso ka jan. Ang dami mong nalalaman eh."
"Oo na. Wag ka kasing magblush. Oh ito na oh.."
Inabot nya sa akin ang isang pulang rosas. Kinuha ko yun. Tumingin ako sa dun sa bulaklak at tumingin din ako sa kanya. Eye to eye kami. Sa gulat ko ay bigla syang lumuhod.
BINABASA MO ANG
Broken Promises
Romance"Big or small promises are promises. You break it, It'll break you into pieces."-Danna Amiel and Danna fell inlove with each other at the wrong time. They made promises, promises that they can't keep. Promises tore them, broke them and hurt them. Wi...