"Hindi ako makapaniwala.."
Ikadalampung ulit na nyang sinasabi yan. Hindi daw sya makapaniwala na 'kami na'. Oo kami na. Kahit ako nga hindi ako makapaniwala eh. Magkahawak kami ng kamay ngayong dalawa habang naglalakad na pauwi, basang basa kami lalo na ang suot namin.
"Tae, hindi talaga ako makapaniwala. Kanina lang pinagbabawalan mo akong akbayan ka kasi hindi mo naman ako boyfriend. Ngayon free na free na akong hawakan itong kamay mo at yakapin ka ng ganitooo!" Niyakap nya ako ng sobrang higpit at saka ako biglang binuhat!
"Amiel! Ibaba mo ako! Isa... sige ka babawiin ko yung sinabi ko kanina." Agad naman nya akong ibinababa saka ako muling niyakap.
Ramdam ko sa yakap nya at kita ko sa mukha nya na sobrang masaya sya. Masaya din naman ako eh,atlast napakawalan ko na talaga yung totoong damdamin ko! Wala na akong itinatago at hindi ko na kailangang magdeny pa.
"Sobrang saya ko ngayon."
"Halata naman eh. Ako ba naman ang girlfriend mo."
"Oo nga naman. Eh ikaw ba masaya ka? Ang tahimik mo eh."
Sino ba naman ang hindi tatahimik. Oo masaya ako, kaso napapatungan ang kasiyahang iyon ng KABA na nararamdaman ko.
"Masaya ako noh! Masayang masaya din ako. Kaso lang..."
"Kaso??"
Itinaas ko ang hinliliit ko. Oo si kuya. Hindi ako ready sa magiging reaksyon nya. Ayokong saktan si kuya, pero ayoko ko rin namang layuan si Amiel, lalo na ngayon na sinagot ko na sya. Ni hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin kay kuya. Naghahalo-halo ang iba't ibang kaisipan sa utak ko. Paano kung ilayo nya sa akin si Amiel??
"Yung pangako nyo ba ng kuya mo?"
Tumango ako."Amiel siguro nabigla lang ako kanina sor---"
"Hindi Danna, wala nang bawian yung sinabi mo kanina. Nakaka-tatlong oras palang tayo break na agad?" Hinawakan nya ng mahigpit yung kamay ko. "Wag nalang nating ipaalam sa kuya mo."
"Pero kasi..."
"Danna." Nakikiusap yung mata nya. Sabi ng utak ko sundin yung tama pero iba naman ang gusto ng puso ko. Haaay, bugso kasi ng puso kaya ko sinagot itong si Amiel eh. Kasalanan ko bang mahal ko na rin syang talaga? Maybe, falling inlove is following your heart and losing your mind.
"Sige na nga. Eh paano kung malaman ito ni kuya?"
"Hindi naman nya malalaman kung walang magsasabi hindi ba?"
Tumango tango nalang ako. Ngumiti naman sya abot hanggang mata.
"I love you Danna."
"I love you too."
"Grabe! Hindi talaga ako makapaniwala."
- - -
"Okay! Goodbye class!" Agad kong kinuha ang bag ko at nagtatakbo na sa labas. Nagmamadali ako? Oo. Magkikita kasi ni Amiel eh, may date daw kami! :"> Kaya ako nagmamadali kasi sila Ellyn at Thea, sabay sabay daw kami umuwi ngayon, kaso nga hindi pwede diba? Hindi ko rin naman sila pwedeng isama sa amin ni Amiel, baka mabuking kami kaagad.
Habang nagtatatakbo pababa ng hagdan, muntikan na akong madulas at pa-slide na dumiretso sa baba ng tawagin ako ni Thea.
"Dannnaaaaaaguurrrrrrlllll! Where ya'going? Nagmamadali ka ah."
"Ha? Ah. Hahaha!"
Inintay ko na silang makalapit sa akin. Dahil baka mas lalo lang akong mahalata kapag nagpatuloy ako sa pagtakbo.
![](https://img.wattpad.com/cover/18589485-288-k170828.jpg)
BINABASA MO ANG
Broken Promises
Romance"Big or small promises are promises. You break it, It'll break you into pieces."-Danna Amiel and Danna fell inlove with each other at the wrong time. They made promises, promises that they can't keep. Promises tore them, broke them and hurt them. Wi...