09. Feelings

428 35 3
                                    

***

DANNA's POV

"Ah, ang tragic naman pala ng life mo." Sabi ko sa lalaking si Briant, syempre hindi nyo sya kilala. Kaya ito ang para sa inyo..

-Flashback-

"Sino nadyan??"

Tumayo ako at lumingon-lingon.

"Amiel ikaw ba yan?"

Puro kaluskos parin hanggang sa may bumagsak  sa likuran ko, sa gulat ko napasigaw, napatalon at napakuha ako ng malaking kahoy at handa nang manghampas.

"Araay~" Sabi nung lalaking biglang nalaglag sa puno. Nakadapa nya sya at subsob ang muka nya sa lupa. Well,  muka naman syang harmless kaya ibinababa ko na yung hawak kong kahoy at nilapitan sya.

"Okay ka lang?"

"Do I look like "okay" to you?"

=_= Ang sungit. Imbes na tulungan syang makatayo, hinayaan ko syang tumayo mag-isa. Well nakaya nya naman kaya Im sure na okay lang sya and nothing to worry.

"Hi miss. Ako si Briant.Gusto mo magcoffee?? Libre ko."

Napatingin ako sa kanya. Nung una hindi ako pumayag, pero pumayag rin kalaunan (libre daw eh, pero wag nyo akong gagayahin ah!Wag sumama kung kanikanino lang, batukan ko kayo!) Nasa puno daw sya dahil may pinagtataguan sya. Kaso wala namang talent sa pag-akyat sa puno kaya yun, hinalikan nya ang lupa. We talk and talk, magaan ang loob ko sa kanya at pansamantalang kinalimutan si Amiel.

-The End-

So nandito ako sa park with Briant.

"Sinabi mo pa." -Briant, sa totoo lang, hindi ako interesado sa mga pinagkikwento nya eh, nakatingin ako sa kanya at nakikinig pero lumilipad ang isip ko papunta kay Amiel. Ano bang meron sa taong yun at nakaya nyang sakupin ang isip at.. at.. puso ko? XD Choosss!

Marami pa kaming napag usapan..or mas tamang sabihin na marami pa syang naikwento sa akin. Para ngang ang tagal ng oras.Gusto ko ng umuwi pero parang ang rude ko naman kung bigla kong iwan si Briant,nilibre pa naman nya ako. Bigla kong naalala yung phone ko, 10 missed calls and 15 messages from Amiel??? Bakit naman kaya ? Napadako ang tingin ko sa oras, alas otso na pala!

*phone rings*

Sinagot ko naman agad.

(Finally! You answered! Where are you? Kanina pa ako naghahanap sayo pero hindi kita mahagilap. Gabi na oh, ayos ka lang ba? Bakit hindi ka nagrereply sa mga text ko? Ive been worrying about you. Nasaan ka ba, may kasama ka?)

"Ah, Amiel sorry ah. Hindi ko kasi namalayan yung oras. Nandito ako sa park na malapit sa RKO kasama ko si Briant."

(Sinong Briant yan?)

"Nakilala ko lang dito-----"

(Hay nako, papunta na ako jan. Magstay ka lang kung nasaan ka.)

-call ended-

Napatulala ako, nag-aalala ba sya sa akin?? Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko parang gusto na namang kumawala sa ribcage ko! Huu! Kinikilig ako, please give me oxygen I cant breathe.

Tinanong ako ni Briant kung sino yung tumawag sabi ko kaibigan ko. Napansin nyang namumula na naman ang pisngi ko.

"May gusto ka sa kanya no?"

"Huh? Ano ah, .. oo meron." Mahina kong sabi.

"DANNA!" Napalingon ako sa pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko. Si Amiel, ang pag-aalala ay bakas sa mukha nya, at galit sa mata nya na nakatingin kay Briant.

"Tara na Danna." Sabi nya ng makalapit sa amin at agad hinila ang kamay ko. He's holding my hands! Emerged, I can die now. Joke lang wag muna ngayon. Gusto ko pa ng maraming moments with him.

"Wait lang, *humarap kay Briant* uy, bye na ah! ;) salamat sa pag eksena dito sa story ko."

"Haha welcome!"

"Halika na!" At tuluyan ng hinila ni Amiel ang kamay ko. Nagpahila ako syempre!

"Amiel, pwede naman sigudong bagalan yung paglakad no." Nakakahingal kaya dahil lakad takbo yung ginagawa namin, wala namang humahabol sa amin.

Binagalan nya naman yung paglakad.Masunurin naman pala sya eh.

"Kanina pa ako nag-aalala sayo. Hindi mo pa sinasagot yung tawag ko, yun pala busy ka lang dun sa , Briant na yun." malamig at may tampo nyang sabi.. wait lang. Nagseselos ba sya?

"Nasa bag ko yung phone, kaya hindi ko alam na tumatawag ka, nakasilent din yun."

"Eh bakit ba kasama mo yun, kakilala mo ba yung siraulo na yun?"

"Grabe makasiraulo ah, hindi mo nga kilala yung tao."

"Bakit mo sya pinapagtanggol?"

"Hindi ko naman sya pinagtatanggol eh, sinasabi ko lang na wag mo syang ijudge."

"So kinakampihan mo sya??"

Andami namang nasadabi nito, nag iinit na ulo ko ah. -_- ayoko pa naman ng mahaba at wala naman kwentang diskusyon.

"Ano bang problema mo?"

Natigilan sya dahil sa sinabi ko. Katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Halo halo na naman ang emosyon na makikita sa mukha nya. Maya maya ay nagsalita rin naman sya.

"Ikaw, ikaw yung problema ko."

Ako? Ako pa yung problema nya. Ha-ha.

"Ay pasensya na ha? Hindi ko naman intensyong maging problema mo. Sorry kung hinanap mo ako sa buong RKO, sorry kung sumama ako sa taong nalaglag mula sa puno, sorry dahil hindi ko nasagot yung text at tawag mo, pasensya na kung----"

Bigla nya akong hinila at niyakap mula sa likod.

Nagsimula na namang magwala yung puso ko. Amiel, bakit mo ginagawa sa akin to? hindi mo ba alam na nahihirapan na akong pigilin tong nararamdaman ko sayo.

"Danna, ikaw ang problema ko, dahil..."

"dahil?"

"Im starting to feel something....for you."

0///0 He walked away and Im left dumbfounded.

***

Hello! Pagpasensyahan na itong chapter na to, Lutang pa utak ko eh. Nanood kasi ng TBYD *_*

kung may errors man, nevermind nyo nalang!

Vote and Comment!

Thank you Godbless!

♥ImJustMargarret(08.23.14)

Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon