"Tuesday morning rain is falling..." kanta ko habang sinasalo ko yung droplets ng ulan. Mas Maaga akong pumasok ngayon, ayaw ko kasing makasabay pumasok si Amiel na hindi pa rin natitigil ang pangungulit sa akin, pero ang ending, sumunod din sya kaagad sa akin kaya naman sya ang kasama ko ngayon.
"Sana, tumigil na yung ulan.." sabi nya habang nakatingin sa makulimlim na langit.
"Bakit naman?"
"Basta... ahm kailan ba magiging yes ang sagot mo?"
"Hindi ko alam." Kung alam mo lang! Kung alam mo lang! Gusto ko nang sumagot ng "Yes!" but I keep holding back, kasi kuya and I made a promise. Napatingin ako sa pinky finger ko.
"Baka putulin ng kuya mo yang pinky finger mo?"
"No. Its because, ayokong masaktan kaming dalawa ni kuya." Seryoso kong sabi at tumingin sa malayo sabay napabuntong hininga.
"Ah yeah."
"Diba, nangako ka din kay kuya, so bakit ganito? Akala ko ba mag-iintay ka?" This time nakatingin na ako sa kanya pero hindi sya nakatingin sa akin, nakatanaw lang sya sa kawalan.
"Oo, nangako ako. Pero hindi ko alam. I really dont know. It's difficult to wait."
"Akala ko ba, when God works its always worth the wait?"
"Ewan ko, hindi ko alam. Ang alam ko nagising nalang ako isang umaga na ayoko nang mag-intay. Baka kasi may magustuhan kang iba.. hindi naman malayong mangyari yun eh."
"Pag nagkagusto ba ako sa iba, hahayaan mo ako? Diba never give up on something you really want. It is difficult to wait but worse to regret.."
"Ipagpipilitan ko pa ba ang sarili ko sayo kung ayaw mo naman sa akin? Kung gusto mo sa iba hahayaan kita, sino ba naman ako para hindi ka hayaang maging masaya?" Nakatingin sya ng diretso sa mga mata ko. Nangungusap ang mga mata nya na parang nagmamakaawa. Dapat sana tinatawanan ko na ang ganitong sitwatsyon pero hindi ko magawa.
"Ahm , change topic please?" I smiled awkwardly.
"Haha okay. Anyway, I love you." Nginitian ko ulit lang sya.
"Kelan kaya ang I love you too?" He ask.
"Marunong ka nang tumugtog ng gitara diba?" Tanong ko sa kanya para tuluyan nang maiba ang topic.
"Oo, nagsikap akong matuto para sayo. Para pag haharanahin kita.."
Bigla akong nagblush nung marinig kong haharanahin nya ako. Pangarap ko yun eh. Yung tipong nasa balcony ako tapos nandoon sya sa baba at kinakantahan ako.
"Sigurado kang haharanahin ko mo ako?" Medyo natatawang tanong ko sa kanya.
"Oo naman!"
"Hindi ka mahihiya?"
Umiling sya. "Bakit ako mahihiya kung para naman yun sayo? Mapa-proud pa ako."
"Sige haranahin mo ako!"
"Pag ginawa ko ba yun you'll say yes?"
May sasabihin pa sana ako kaso nagring na yung bell. Its time to say bye muna. Sabi nga ni Thea na muntikan nang malate "Mamaya na ulit ang harot, tayo na't mag-aral muna." Kaya naman nagpaalam na ako kay Amiel at pumasok na ng classroom.
Pinagawa kami ng teacher ko ng activity kahit alam nyang sabog pa ang utak namin dahil katatapos lang ng exam. Wala naman kaming nagawa dahil wala kaming laban sa kanya. Ofcourse pagkatapos magsagot,
"Exchange book with your seatmate."
Andy and I exchange books, dahil sya ang seatmate ko, nalayo kasi ako kay Thea at Ellyn. :(
BINABASA MO ANG
Broken Promises
Romance"Big or small promises are promises. You break it, It'll break you into pieces."-Danna Amiel and Danna fell inlove with each other at the wrong time. They made promises, promises that they can't keep. Promises tore them, broke them and hurt them. Wi...