Nasa isang cafe na si Leeanne, si Danna at pati narin si Titus. Titus is still upset because of what happened. Gusto na nitong madaliin ang kasal. Dahil sa nangyari nasigurado nyang mahal pa ni Amiel si Danna, nag-aalala sya na baka kung ano pa ang gawin nito kaya kailangan na nilang maikasal sa lalong madaling panahon.
"Next week!?" Gulat na wika ni Leeanne.
"Yes. May problema ba doon?" He asked before he sipped his coffee.
"Ahm.. wala naman. Naasikaso ko na kasi lahat habang nasa Isla tayo. Kaso lang mamadaliin iyon lahat, baka magkaroon din ng conflict sa schedule since I said next month pa ang wedding." She explained habang nakatuon na sa laptop, kinokontak ang mga dapat nyang kontakin.
"Wala akong pakialam sa anumang conflict. You're the wedding planner, you have to fix it." Iritableng sagot naman ni Titus dito.
"Hubby, hindi naman kailangang madaliin ng ganun... kasi-"
"The wedding is next week." Maawtoridad na wika ni Titus kaya naman wala nang nagawa si Danna. Naiintindihan nya naman ito. Mayroon ding parte sa kanya na nais nang madaliin ang kasal, malaki kasi ang posibilidad na baka manggulo pa si Amiel.
"How about.. ahm. Let us change location."
"What!? No." pagtanggi naman ni Danna.
"Why? May hindi na magandang nangyari doon at hindi rin naman imposibleng maulit iyon. Bukod doon, I don't want to go back to that damn island."
"Pero perfect na iyon, Titus!" Titus looked at Danna. Alam nyang iritable na ito kapag tinatawag siya niti sa pangalan nya. "Una, gusto mo next week na. Okay sige. Agree ako doon. Pero yung iibahin yung location? No. Leeanne, yun pa rin ang location."
"But.."
"Shut up!"
"Okay. So the wedding is next week at doon pa rin sa private island namin ang location." Wika ni Leeanne ng hindi nakatingim sa kanila. Busy ito sa laptop nito. "Okaaaay.. okay naman ang lahat. Nagkaprob lang sa flowers, and sa mga susuotin..." nagfocus ulit ito sa laptop nito. " pero sabi nila, sila na daw ang bahala doon and four days from now, okay na yung mga clothes." Leeanne sighed. "So ayun. ikakasal kayo next week."
"Good." wika ni Titus.
"It's 3pm, I have to go. Nasa airport na siguro sila mommy."sabi ni Titus. "Danna, sasama ka ba?"
"Nope. I'll stay here. Dito mo nalang sila idiretso, for sure gutom iyon."
"Okay. aalis na muna ako. I love you." HInalikan nito ang ulo ni Danna.
"I love you too, ingat ka."
Nang makaalis si Titus ay hinarap nya si Leeanne.
"Leeanne, kamusta ka naman?"
"Ahm. Okay lang naman."
"Nga pala. Pasensya na talaga doon sa nangyari ha?" Paghingi nya muli ng pasensya.
"No, it's okay.." binigyan sya nito ng tipid na ngiti.
"yung.. si.. si Amiel, kamusta na?"
Tinignan sya ni Leeanne sa mata. "He's not okay..."
"Alam mo ba, Danna hindi ako makapaniwala na ikaw pala yung babaeng kinikwento nya sa'kin. Walang araw na hindi ka nya nabanggit sa'kin. Hindi ko man lang napansin na ikaw pala iyon..."
Wala namang maisip sabihin si Danna. Tumango lang sya.
"He loves you so much and he waited for you to comeback. Pero mapaglaro ang tadhana, nagkita ulit kayo. Ikakasal ka na."

BINABASA MO ANG
Broken Promises
Romansa"Big or small promises are promises. You break it, It'll break you into pieces."-Danna Amiel and Danna fell inlove with each other at the wrong time. They made promises, promises that they can't keep. Promises tore them, broke them and hurt them. Wi...