note: Play nyo yung video. Instrumental ng last kiss ni Taylor Swift. Naiyak ako dyan eh. Habang ginagawa ko ito. XD tapos iimagine nyo super dami luha ni Danna. Baha na. HAHAHA.
Ge, enjoy reading! Lalo na dun sa dalawa na nangungulet!
◆◆
Umuulan at malungkot ang paligid. Walang kasama sa bahay si Danna kundi ang katulong. Sumilip sya sa bintana ng kanyang kwarto at pinagmasdan ang pagbuhos ng ulan. She remembered ng tinuruan nyang magpiano si Amiel, umuulan din nun.
"Kelan ka natutong tumugtog?" He sat beside me at tinignan yung piano.
"When I was three years old."
"Sabi nga ng kuya mo saamin magaling ka daw."
"Hindi naman. Tama lang. You want me to teach you?"
"Haha yun na nga iniintay kong sabihin mo eh."
.
.
.
"Ang galing mo naman pala eh."
"Hindi, yung piano teacher ko yung magaling."
Naalala nya, walong oras silang nasa harapan ng piano nun. Halos hindi man lang sila nakaramdam ng gutom. Maybe because parehas nilang ayaw matapos ang moment na iyon. Naalala din nya ang panaghinip nya noon. Akala nya talaga totoong hinalikan sya ni Amiel. She absentmindedly touched her lips, she can still feel his lips against hers. She remembered when he said he'll never kiss her..
"What? Haha! Asa ka, hindi kita hinalikan. Haha Diba mga sabi ko mamatay nalang akong virgin? Asa kang halikan kita no. In your dreams! sabi ko na nga ba pinagnanasaan mo na ako eh. tsk tsk!"
She smiled bitterly. Mukhang ang saya saya ni Amiel nung mga oras na yun. Itinatago nya na kinikilig talaga sya nun. Siguro may gusto na sya dito ng mga panahung yun.
Naisipan ni Danna na tumugtog ng piano, bumaba sya sa sala kung saan nandoon ang piano. Umupo sya at sinimulan ang tumugtog. As she played, flashbacks played in her mind too.
She missed Amiels korni pero nakakakilig na biro.
"Anong pinaglalaban mo ngayon?"
"Ha? Pinaglalaban ko? Itong pag-ibig ko sayo. JOKE!"
Naalala nya noong nagpunta sila sa Royal Kings Orphanage. Kung saan nya nakilala ang kontrabida sa buhay nya na si Lyzha. Hindi nya naenjoy doon dahil puro selos at inis ang naramdaman nya dahil sa ginawang paglandi ni Lyzha kay Amiel. Kaya naman lumayo sya noon at nagliwaliw. Nagalala noon si Amiel sa kanya. Natuwa sya ng malaman nyang nag-alala sa kanya si Amiel. Galit pa ito ng sunduin sya, tinanong nya ito kung ano bang problema..
"Danna, ikaw ang problema ko, dahil..."
"dahil?"
"Im starting to feel something....for you."
She was confused that time. But she's secretly wishing that he feels the same way too. She closed her eyes. Naramdaman nya na naiipon na naman ang luha nya.
She remembered when he gave her rose. Nasa kanya pa rin ang rosas na iyon. Ginawa nya iyong bookmark.. Tuwing bubuksan nya ang diary nya yung rosas na iyon ang makikita nya.
"Grabe naman. May ibibigay pa naman sana ako sayo eh. Kaso panget pala ako kaya wag nalang."
"Anu yung ibibigay mo??"Ano kaya yun?? Ano kaya yun? Baka ice cream, tsk. pagkain na naman naiisip ko. Baka kwintas, o kaya hikaw or singsing.. at yayayain na nya ako sa simbahan! Chos! Anu ba yan ang harot ko! Pasensya na.
"Ito sanang.."
"Yung?"
"Ito sanang puso ko."
BINABASA MO ANG
Broken Promises
Romance"Big or small promises are promises. You break it, It'll break you into pieces."-Danna Amiel and Danna fell inlove with each other at the wrong time. They made promises, promises that they can't keep. Promises tore them, broke them and hurt them. Wi...
