Part Of Past

392 11 0
                                        


Steinhart  Pov

Maaga akong nagising para ihanda ang kakainin kong agahan at makapag-areglo na sa pagpasok sa eskwelahan. Sinangag na kanin, malulutong na bacon strips, at ang amoy ng bagong timplang chocolate ang kumalat sa hangin sa maliit kong kusina ang naging dahilan para lalo akong gutumin. Pagkatapos kong makakain ng agahan ay dumiretso na ako sa banyo para maligo.

Ilang minuto lang ay tapos na ako at nakaharap na sa salamin para ayusin ang pagkakasuot ng school uniform. Isang full length na salamin ang nasa aking kwarto, dahil dito ay nakikita ko ang kabuuang ayos ko. Kinuha ko na ang ID ko at isinuot, pagkatapos ay ang black shoes.

Arch Academy ang school na pinapasukan ko, hindi gaanong malayo kung saan ako tumutuloy. Nilalakad ko lang ito. Ilang kalye at crossroads rin ang madadaanan ko bago makarating doon. Presko ang hangin na umiihip sa paligid. Ang mga nagtataasang mga puno at mga sanga nito ay sumasayaw sa ihip ng hangin, maging ang mga makukulay na bulaklak sa gilid ng daan ay sumasayaw. Matingkad ang mga kulay ng mga halaman dahil na rin sa magandang sikat ng haring araw ngayong umaga, isang pahiwatig na magiging maganda ang pagpasok kong muli sa eskwelahan bilang isang mag-aaral.

Ilang minuto pa ay nasa entrance na ako ng Arch Academy. This was not a private school, but the facilities, the administration, teachers, and staffs were amazing for me. Isa sa pinakamagandang parte ng academy ay ang malawak nitong hardin pagkapasok na pagkapasok mo sa eskwelahan. Tulad ng nasa paligid sa labas ng school ay matatagpuan din sa loob ang iba't ibang uri ng bulaklak. Iba-iba man ang kulay ang mga ito ay napakaganda pa ring tingnan at bumabagay sa buong imprastraktura ng eskwelahan. Lalong dumagdag sa kagandahan ng hardin ay ang mga paruparo na malayang namamasyal sa buong hardin.

These made my day complete. I gazed at the big, silver wall clock above the main building and saw that the time was 7:30.

"It's early," I whispered.

Pumasok ako sa building. Habang naglalakad ako sa hallway, nakita kong nasa classrooms na ang kapwa ko estudyante. Ang iba ay nakikipagkuwentuhan at ang iba ay kumakain malapit sa mga malalaking bintana na may transparent window na nakaharang. Nang makarating na ako sa classroom ko ay ganoon pa rin ang senaryo, nakikipag-usap at kuwentuhan ang mga kaklase ko sa isa't isa. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ang dulo, sa may sulok kung saan tambakan din ng ilang panlinis sa kwarto. Kahit na nasa sulok ako na parte ng kwarto ay rito ang pinakamagandang puwesto kung saan makikita ang buong hardin ng academy. Salamat sa malaking bintana na mayroon ang bawat classroom dito sa academy.

The sun made it more vibrant as its rays illuminated the trees, which made it even more relaxing in my sight. I found myself lost in my own reverie because of it.

"Steinhart!"

Ibinaling ko ang paningin ko sa lalaking tumawag sa akin, nasa tabi ko agad ito at siya namang pagtayo ko.

"Hey!" I said.

"I can't believe we're classmates," he said in a cheerful tone.

Nimrod Saavedra, my childhood friend. We parted ways when he studied abroad last year. Maraming nagbago sa kaniya, lalo na sa physical. Puberty strikes, eh?

"Ano 'yan?" Itinuro ko ang hawak nitong papel. Nginitian niya ako at sabay abot niyon sa akin.

"Ah! This is an application form. Gusto kong sumali sa Paranormal Club. Gusto mo rin bang sumali?" tanong nito.

I shook my head and replied, "Pasensya ka na, hindi ako interesado."

May gusto pa sana itong sabihin, ngunit tumunog na ang bell na nangangahulugang magsisimula na ang klase. Tumingin ako sa kaniya at sinabing ituloy na lang namin mamaya ang usapan. Tumango ito at naupo na sa sariling upuan. Our class started. As usual, we needed to introduce ourselves to each other first.

When it was Nimrod's turn, the girls shrieked and their eyes turned into hearts as if he was a Greek god.

"Magandang umaga sa lahat! My name is Nimrod Saadvera, seventeen years of age. I studied abroad last year. My hobbies are doing paranormal activities."

Ilang minuto pa ay tumayo na rin ako upang magpakilala sa klase.

"Good morning, classmates. My name is Steinhart Sevilla. Seventeen years of age." I stopped for a while when I felt that no one was interested in a nobody like me. Then I walked back to my seat. The thing was, it was not a big deal for me.

Pagkalipas ng tatlong oras na klase ay narinig muli namin ang bell, that was the sign for break time. Kasama ko si Nimrod lumabas ng classroom. Hindi kami susunod sa mga kaklase namin na ang punta ay sa cafeteria para kumain. Nasa fifth floor kami ng building at ang punta namin ay sa ground floor kung saan ang washroom. After that, we decided to go to the rooftop—a peaceful place for me where I could breathe some fresh air.

Habang naglalakad ay sinasalubong namin ang ilang estudyante na papunta sa school cafeteria, salungat sa daan papunta sa rooftop kung kaya't natagalan kami sa paglalakad. Kaliwa't kanan din ang mga boses na naririnig ko. Hindi ko makayanan ang ingay sa paligid mula sa mga tao na may iba't ibang pinag-uusapan. Sinusubukan kong hindi iyon bigyan ng pansin, ngunit nagpupumilit ang mga ito na pumasok sa mga tainga ko.

Isinuot ko ang kanang palad ko sa kanang bulsa na aking itim na pantalon. Nang makapa ko ang earphones ko ay kinuha ko kaagad iyon at isinuot naman sa aking magkabilang tainga. Nang iko-connect ko na ito sa cellphone ko ay may bumangga sa akin.

"Sorry! I just—" she said and bowed her head.

My heart skipped a beat when I looked at her. She was quite attractive. She had a heart-shaped face with beautiful ocean eyes, thin eyebrows, a small, pointed nose, pink, kissable lips and her slightly curly hair was falling above her shoulder.

Mukha siyang anghel na bumaba mula sa langit. Luma mang pakinggan, ngunit iyon na iyon ang aking nararamdaman, hindi ako makapaniwala.

My thoughts were ruined when a finger snapped in front of my face. I blushed when I realized that I already spaced out thinking about her.

"Ayos ka lang?" tanong nito.

"Ayos lang. Ikaw? Ayos ka lang?" Nagkunwari akong normal lang ang lahat, pero sa loob-loob ko ay gusto ko na lang maglaho sa harapan nilang lahat.

"I'm alright. Again, sorry and I need to go. I'm in a hurry," she said and ran away.

I was lost for words to even say goodbye. I found myself looking at her back, pushing herself through the crowd.

Ang sunod kong klase ngayong hapon ay Physical Science. Kailangan naming lumipat sa laboratory room. It took five minutes before we reached the laboratory room upstairs.

As expected, may iba't ibang litrato ng mga kilalang scientist na nakadikit sa malawak na pader ng kwarto, isang nakalulula na 3D painting ng solar system sa kisame, at iba't ibang astronomical objects.

Sa isang corner ay ang mga naglalakihang cabinet na gawa sa salamin. Naglalaman ito ng mga set of chemical at mga equipment na ginagamit para sa experimental activities. Lumipas ang isang oras sa pag-i-introduce ng sarili para makilala ng aming bagong guro ang buong klase. Itinanong din nito kung ano ang ine-expect namin sa klase niya. Ngayon ay naghihintay na lang kami na i-dismiss niya kami.

I turned to the window and saw the yellow orange color of the horizon. "Sunset is beautiful," ang tanging nasabi ko sa sarili ko.

Nagsitayuan na ang ilang kaklase ko matapos marinig ang pag-dismiss ng aming teacher habang ako ay nanatiling nakatingin sa paglubog ng araw.

"Steinhart! I have to go!" my childhood friend Nimrod said.

"Sige, ako na ang bahala rito," I answered and bid him a goodbye.

Ako na lang ang natira sa loob ng room. Bago ako umalis ay naglinis muna ako sandali. Isinara ko na rin ang mga bintana. Hinanap ko ang switch ng ilaw para patayin ang mga ito. Ilang sandali pa ay naghari na ang dilim sa paligid. Ang tanging nagbibigay ng kaunting liwanag sa kwarto ay ang palubog na araw. Akmang lalabas na ako ng kwarto nang maramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko na tila biniyak ito sa dalawa.

Then a blurred memory suddenly flashed back.

#

Searching Student X [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon