Complicated Confessions II

22 5 0
                                        

WARNING: TYPOGRAPHICAL, GRAMMATICAL ERRORS AHEAD.

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead,or actual events is purely coincidental.

Note: Warning: This story is R18, every so often consists of sturdy language and some violence which can also be unsuitable for children.



[Continuation...]


"Hoy, Sura!"

Hindi na niya inisip ang ingay na nagawa ng lumipad na dustpan matamaan lang ang lalaking stalker na target nila. Tila isang mandirigma na lumulusob sa giyera si Steinhart at matapang na sinugod ang lalaki habang hawak-hawak ang lumang walis tambo.

Huli na para makatayo nang maayos at makatakbong muli ang lalaki matapos siyang tamaan ng dustpan sa likuran. Namimilipit pa rin ito sa sakit dala ng pagkakabato ni Steinhart.

"Tatakas ka pa!" singhal ni Steinhart na hinihingal pa sa pagtakbo. Napahawak siya sa magkabilang tuhod para kumuha ng lakas at hindi tuluyang matumba. Hindi talaga para sa kaniya ang pagtakbo, pakiramdam niya ay malalagutan siya ng hininga sa sobrang pagod at ang pagtibok nang mabilis ng kaniyang puso ay hindi niya kayang kontrolin dahilan para mahilo ito, mawalan ng pandama at pandinig.

"Subukan mo pang kumilos at ihahampas ko sa 'yo 'tong walis tambo!" Hinila ni Steinhart ang hood ng lalaki paalis at suot na facemask. Nanlaki ang mata niya nang makilala kung sino ang nasa likod hood at facemask.

Nasa loob sila ng convenience store. Abala si Malorie sa pag-apply ng ointment sa pasa sa likod ng binata dahil sa pagbato ni Steinhart ng dustpan na gawa sa plastic. Doon lang napansin na may sugat din sa gilid ng noo ang binata, napansin din ni Malorie ang dugo sa gilid ng mukha nito at ang ilang dugo na pumapatak ay dumidikit sa hood ng lalaki.

"Steinhart? Hindi na makatarungan ang ginagawa mo. Nag-usap na tayo noon na huwag mananakit—"

"Hindi si Steinhart ang may gawa nito, Malorie," sabad ng binata.

Inilapag ni Steinhart ang isang yogurt drink sa tapat ni Charles. Biglang nagliwanag ang mukha ng binata nang makita ito. Nagtaka bigla si Malorie sa nakitang reaksyon ng lalaking stalker.

"Walang straw," dagdag ng binata.

"Demanding." Kumuha agad ng straw si Steinhart sa counter at inabot kay Charles.

Nagpatuloy na lang sa paggagamot si Malorie. Nagkaharap naman ang dalawang lalaki na nagbabatuhan ng seryoso at makahulugang mga tingin.

"Bakit kailangan mo pang itago sa code ang feelings mo? Look at you now, wala kang natatanggap na response," sabi ni Steinhart at ngumuso para ituro ang storage room kung saan ang natutulog na dalaga.

"Hindi ko rin alam. I assume na magiging curious siya at made-decode niya rin?" Hindi rin siguradong tugon ng ni Charles.

"At lumipas ang dalawang buwan, wala parin. Ano 'to? Torpe in the 21st century?" tanong ni Steinhart at kumain ng french fries na isinawsaw sa mayonnaise.

"Naghihintay lang ako ng tamang panahon. Abalang tao rin si Ainslee, baka hindi rin siya ready for relationship," pag-amin ng binata. Mababakas din sa mga mata nito ang pagkaseryoso sa sinabi.

Hindi na napigilan ni Malorie na sumingit sa usapan nila ni Steinhart. "Excuse me? Kung may pagtingin ka pala kay Ainslee, bakit nag-i-spray ka ng kemikal na pampatulog sa kaniya? Hindi ka ba natatakot na baka may makahuli sa 'yo?" puno ng pag-aalalang tanong ni Malorie.

Searching Student X [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon