Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead,or actual events is purely coincidental.
Note: Warning: This story is R18, every so often consists of sturdy language and some violence which can also be unsuitable for children.
*
[Continuation...]
Gaya ng pag-iyak ng dalaga ay wala na silang magagawa pa para pigilan ang pag-ambon na ilang sandali lang ay tuluyan nang magbubuhos ng malamig na ulan.
Akmang hahawakan na ni Steinhart ang palad nito nang biglang may malakas na humampas ng matigas na bagay sa likuran niya dahilan para mapaluhod siya sa sahig. Sumunod ang pagsigaw ni Shamaehiah at kaagad siyang inalalayan. Gusto mang magsalita ng binata ay malapot na dugo ang lumabas sa bibig niya at nandidilim na ang kaniyang paningin.
"Papa! Tumigil na po kayo! Tama na po!" Halos pumiyok na si Shamaehiah sa pagsigaw.
Pilit na tumatayo si Steinhart para pigilan ang matandang lalaki na nakasuot ng itim na jacket at sumbrero.
"Napakawalang hiya mo! Sa ibang tao mo pa ibinibigay 'yang pera mo! Akin na ang mga 'yan!" Akmang hahampasin ng lalaki ang dalaga, ngunit kaagad na kumilos si Steinhart para iharang ang sarili niya.
Ngunit makalipas ang ilang segundo ay may narinig silang pagkalabog. Sumunod ang pagsigaw ng isang boses na pamilyar kay Steinhart. Naagaw ang atensyon ng matandang lalaki sa dumating. Kumilos si Steinhart para hablutin ang tabla sa kamay ng matanda at itapon ito palayo sa kanila.
"T-Tama na po, Tatang," mariing sabi ni Steinhart kahit na naghahari na ang pagkirot sa kanuyang katawan yari ng paghampas nito kanina sa kaniyang likod.
Lumapit si Officer Dianelo at sumunod si Inspector Galvin. Mabilis nilang hinawakan si Mr. Garcia na sinubukan pang tumakbo upang hindi mahuli at posasan. Naramdaman ni Steinhart ang paghawak ni Shamaehiah sa braso nito upang alalayang makatayo nang maayos.
"H-Humihingi ako ng tawad sa nagawa ng papa ko, sorry," umiiyak na sabi kaniya ng dalaga. Ang natitirang lakas na mayroon ang katawan ni Steinhart ay ibinuhos na niya sa pagyakap sa dalaga.
Hanggang ngayon ay pinili pa rin nitong protektahan ang mga magulang. Humingi pa ng tawad sa kasalanan ng iba na pilit niyang inaako.
"Please . . . stop blaming yourself. You're not pathetic, you are brave enough."
***
Umabot na sa isang oras ang paghihintay nina Nimrod, Neiza, at Malorie sa pulisya. Maging si Daryl ay hindi na mapakali dahil sa kaba na nagsisimulang mamuo sa sistema niya.
"Puntahan n'yo na siya. Napakaimposible na hindi man lang siya sumasagot sa mga tawag ninyo."
Makailang beses na rin nilang sinubukan na tawagan ang kaibigan, ngunit ni isang tuldok ma mensahe ay wala silang natanggap. Nagpalitan ng makahulugang tingin ang magkakaibigan. Humihiling na sana ay walang nangyaring masama kay Steinhart.
Sakay ng kotse ni Inspector Galvin ay sumama na rin sa eskwelahan si Officer Dianelo upang mabilis nilang mahanap si Steinhart. Nang malaman nilang hindi pa lumalabas ang binata sa university ayon sa gwardya ay lalong nadagdagan ang tensyon ng magkakaibigan. Naghiwalay na sila para pumunta sa mga posibleng lugar na puntahan ni Steinhart. Lumipas ang labinlimang minuto ay may narinig silang pagsigaw sa rooftop. Mabilis silang kumilos para makarating sa itaas. Hindi na nila kayang maproseso ang mga nasaksihan nila. Napaluhod sa sahig si Malorie sa pagkagulat. Napakuyom ang magkabilang kamay si Neiza sa nakita, at si Nimrod naman ay natuod sa kinatatayuan dahil hindi na sila makapaniwala.
BINABASA MO ANG
Searching Student X [ COMPLETED ]
Mystery / Thriller"Do you know that feeling when you feel like you're in danger because someone is following you? But then you remember ... You're the danger." "Be careful what you tell people. A friend today could be your enemy tomorrow." Note: Warning: This story...
![Searching Student X [ COMPLETED ]](https://img.wattpad.com/cover/262275431-64-k496232.jpg)