Cheaters II

12 1 0
                                        


Kinabukasan, pangatlong araw na ng examination day sa university. Sa araw na ito ay sisimulan na rin ng grupo ang plano. Tila sumasabay ang panahon sa mangyayari dahil makulimlim ang buong kalangitan, nagkalat ang itim at makakapal na ulap sa himpapawid at anumang oras ay uulan nang malakas na hindi kayang pigilan ng sinuman. Tulad ng plano ng grupo para puksain ang mga maling gawain ng kanilang kapwa estudyante, wala nang makapipigil sa kanilang misyon.

Abala sa pagbibigay ng instructions ang isang guro bago umpisahan ang exam. Gaya ng bawat setup na mayroon ang bawat section ay nakaayos na rin ang pagkakaupo ng mga estudyante. Tanging black ballpen at isang pirasong papel ang nasa itaas ng armrest ng estudyante. Nasa harapan ang mga bag at nasa isang kahon ang mga gadget para iwas distractions—isa ring paraan upang maiwasan ang pandaraya.


Sino ba naman ang gustong bumagsak sa minor at major subjects?


Dahil walang may gustong mangyari iyon, isa sa mga dasal ng estudyante ang makapasa. Kahit sa maling paraan ay hindi sila matatakot makakuha lang ang mataas na marka. At sa araw na ito, wawakasan na rin ng isang hindi kilalang grupo ang maling gawain na ito.


Nakatanggap ng text message ang isang instructor. Sa una ay hindi siya naniniwala dahil unregistered ang number na nag-text sa kaniya. Ngunit nagkaroon siya ng interes matapos mabasa ang laman ng mensahe. Hindi niya inasahan na nasa klase niya ang isang estudyante na binanggit sa text message.


Unknown Number.


Good morning, professor. Can we ask for some time? We're just going to do a short show because we heard that someone is cheating in your class in today's examination. And his name is Austin Guzman. To prove that, you can catch him this way: after half an hour of answering, stand in front of the class and take a picture of the whole class, and there will be no power in the room. The rest is up to you to judge. Do you agree, sir? We just want to help you stop the cheating of the students in your class, sir.

-TC


Nagdugtong ang magkabilang kilay ng guro sa pangalan ng nagpadala sa kaniya ng mensahe.


'Anong TC, take care?'


Napakunot noo siya matapos pagmasdan nang pasimple ang lalaki. May kahina-hinala itong mga kilos. Sa kabilang banda ay natatakot siyang magsalita upang suwayin ito dahil kilala ang ama ng estudyante sa university.


Hindi mapakali si Austin sa kinauupuan. Tila may hinahanap na hindi nito matagpuan. Tumayo ang guro sa harapan at tinawag ang lalaki. Binalingan niya ang iba pang estudyante na magpatuloy sa pagsagot ng exam.


"May problema ba, Mr. Guzman?" tanong ng guro. Hindi napansin ng binata na nakatingin na sa kaniya ang instructor.


"I can't find my phone," seryosong sabi nito at nagpatuloy sa pagtingin sa ilalim ng papel na nasa mesa at sa ilalim ng upuang inuupuan, baka sakaling nahulog lang ang cellphone sa sahig.


"Did I inform everyone to put your cellphones inside the box on my table?"


Searching Student X [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon