Make It Fast

15 1 0
                                        


[Continuation...]

Hapon na at nakabihis na sina Malorie, Neiza, Nimrod, at maging ang kambal. Nagpaalam na rin sila sa papa ni Malorie at sa tiya nito. Excited naman ang mga bata papunta sa perya sa kabilang bayan. Naghahari sa buong paligid ang ingay mula sa palakpakan, tawanan, at hiyawan mula sa mga taong masayang nanonood sa mga palabas sa malaking entablado. Iba't ibang palaro ang nagkalat sa lugar at mga ride na puwede sa mga bata at sa mga teenager.

"Ako na, don't mind me." Mahigpit na kumapit si Lauren sa buhok ni Nimrod nang sumampa ito sa kaniyang magkabilang balikat.

Umayos na ng tayo si Nimrod at siya namang pagyakap ni Lauren sa leeg ng kaniyang kuya. Mahigpit namang hawak ng dalawang dalaga sa magkabilang kamay si Laurice. Mabuting hawak na ang mga bata upang hindi sila mawala, marami rin ang tao sa perya ngayon dahil na rin sa fiesta.

Nakailang sakay na sila ng mga ride kasama ng kambal. Hindi na nila inisip pa na magmukhang bata muli dahil mga pambata na ride ang mga sinasakyan nila.

"Magpapapalit lang ako ng barya," sabi ni Nimrod kay Neiza habang nasa isang palaruan sila. Naubos na ang dalang barya niya at halos mga papel na ang nasa pitaka niya na tig-iisang libo pa.

Makalipas ang limang minuto ay nakabalik na si Nimrod sa puwesto kung saan niya iniwan ang mga kasama, ngunit halos magdikit sa gitna ang magkabilang kilay niya.

'Bakit nandito si Tyler?'

"Kuya!"

May maliit na braso ang yumakap sa baywang ni Nimrod dahilan upang maalis ang atensyon niya kay Malorie na kasama sina Lauren at Tyler.

"Gusto n'yo po?" tanong ni Laurice na may hawak na malaking pink na cotton candy. Umiling si Nimrod at hinarap si Neiza.

"Nandito si Tyler," mahinang sabi niya, ngunit sapat na iyon upang mamilog ang mga mata ni Neiza. Lumingon ito kaagad sa paligid at nagtaka sa nakita.

"May idea ka ba kung bakit hanggang dito, nakasunod sila?" tanong ni Nimrod na nagpipigil ng inis, ngunit hindi niya ipinahahalata dahil may kasama silang bata. Wala silang ideya na kanina pa nangangati ang palad niya, gusto na niyang masapak at masuntok si Tyler.

"Si Tyler lang ang nandito. Itinanong ko na rin kay Sirius 'yan, pero nagtataka rin siya kung bakit umalis si Tyler."

Sa kabilang banda ay tumahan na si Lauren sa pag-iyak dahil hindi siya pinagbigyan ng kanyang Ate Malorie niya na sumali sa isang laro. May malaking robot kasing nakita ang bata na gustong-gusto nito.

"Kapag hindi ka tumigil, uuwi na tayo—" Napahinto sa pagsasalita si Malorie nang may lumapit sa kaniya. May inabot ito sa bata, isang maliit na stuffed toy, ngunit tinanggihan ito ni Lauren sabay turo sa malaking robot na naka-display sa tapat nila.

"R-Robot po gusto ko." Suminghot-singhot pa ang bata na hindi mapigilan ang pag-iyak.

"Ayun ba? Sige, paano ba maglaro dito, Kuya?" Nilingon niya ang nagbabantay hanggang sa tawagin ni Malorie ang binata.

"Tyler?"

Binalingan naman siya ni Tyler, itinaas pa nito ang kanang kamay at kumaway sa dalaga.

"You have to play first before you can get the prize." Pinunasan ni Tyler ang basang pisngi ni Lauren.

"Ano'ng ginagawa mo rito? Bakit nandito ka?" diretsong tanong ng dalaga.

"Let's try this game, then I'll answer your questions."

Nagtatatalon naman si Lauren nang kausapin siya ni Tyler na kukunin nila ang robot para sa kaniya.

They would play a pocky game where they take two people and put a piece of biscuit stick in between them. Each bite and hold one end until they reach the middle. When it reached the shortest length of the biscuit, they could get the biggest price.

Inabot naman kaagad ng tagabantay ang isang lalagyan na may lamang mga biscuit stick na mayroong flavor na chocolate.

"Just stand up straight and I'll take care of the game so we can finish the game right away." Hindi na nakapagsalita si Malorie nang ilapit ni Tyler ang biscuit stick sa bibig niya. Naitikom niya rin ito bigla dahil sumunod ang paglapit ng mukha ni Tyler sa kaniya na kagat din ang biscuit sa bibig niya.

Maingay man ang paligid dahil sa mga iba't ibang palaro sa perya at mga hiyawan at masasayang tawa ng mga tao, hindi marinig ni Malorie ang sariling paghinga dahil nabasag na ang kaniyang tainga sa napakalakas na pagkabog ng kaniyang puso.

Nang marinig na nila ang hudyat para umpisahan ang laro ay lalong natuod si Malorie. Desidido naman si Tyler na ubusin kaagad ang biscuit na nasa pagitan nilang dalawa ng dalaga. Nang isang hibla na lang ang pagitan ng kanilang mga labi at mukha, magkadikit na ang mga noo nila ni Tyler at ilang segundo na lang ay hindi malabong magkahalikan na sila. Napahakbang paatras si Malorie, mabuti na lang at may humawak sa likuran niya upang hindi siya tuluyang mawalan ng balanse.

"Stop this nonsense." Pumagitna si Nimrod sa dalawa. Napatayo nang maayos si Tyler at inilagay sa palad niya ang natirang biscuit sa bibig. Halos hindi na masukat ng tagabantay ng tindahan ang biscuit sa sobrang iksi nito kung kaya't ibinigay na nito ang malaking robot kay Tyler. Iniabot kaagad ni Tyler ang laruan kay Lauren.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" kalmadong tanong ni Nimrod kahit na isang porsyento na lang ang natitira sa pasensya niya.

"We're only having fun. I think there's no reason to be mad." Hinarap ni Tyler ang batang lalaki na masayang yakap-yakap ang laruan, ginulo pa niya ang buhok ng bata at nginitian ito nang napakatamis.

"Stay away from Malorie," banta ni Nimrod at akmang aalis na nang mapahigpit ang paghawak niya sa braso ni Lauren, ngunit napatigil siya sa reaksyon ng lalaki sa kaniya. Bahagyang natawa si Tyler at nilingon si Malorie na katabi si Neiza, nagkatinginan sila, naguguluhan sa nangyayari.

"You have no rights to order me," seryosong sabi ni Tyler. Umawat na si Neiza dahil sa matatalim na pagtitig na ibinabato nila sa isa't isa. Hindi niya hahayaan na magkaroon ng gulo lalo na at may kasama silang mga bata.

"Enough, mabuti pang umuwi na tayo." seryosong sabi ni Neiza, ngunit sumingit ang batang babae na nakahawak sa palad ni Neiza.

"Kuya! Gusto ko rin po ng laruan." Lumapit si Laurice sa kinatatayuan ni Malorie at hinila palapit sa tindahan.

"You also want toys—" sumabat kaagad si Nimrod at naglabas ng pera dahilan para mapahinto sa pagsasalita si Tyler.

"Bibilhin ko na lahat 'yan." Umiling ang lalaking nasa tindahan at ipinilit na kailangang maglaro para makuha ang mga premyo.

Hinawakan ni Nimrod si Laurice at kinarga ito. Tumalikod na sila sa tindahan at akmang aalis. "Pupunta na lang tayo sa mall bukas, baby. Maraming toys doon—"

Napapikit siya nang biglang umiyak ang bata. "Ate! Gusto ko po ng laruan tulad kay Lauren."

Kinuha ni Malorie si Laurice kay Nimrod. "Laurice, tama na. Uuwi na tayo." Ngunit nang marinig ng bata ang mga binitiwang salita ng ate ay lalo itong umiyak. Napapatingin na ang mga tao sa kinatatayuan nila.

Itinago ni Neiza sa likuran niya si Lauren upang hindi na siya makita ni Laurice na may hawak na laruan.

"This game is only for a moment. Come on, Malorie. Pagbigyan mo na ang bata—"

Biglang kumuha ni Nimrod ang isang pirasong biscuit stick sa lalagyan na nasa gilid nila ni Tyler. Wala siyang sinabi at isinubo ni Nimrod ang biscuit sa bibig ni Tyler dahilan para manahimik ito sa pagsasalita at sa huli ay kumagat din si Nimrod sa dulo ng biscuit.

"Make it fast. Eat quickly," banta ni Nimrod kay Tyler na natuod sa kinatatayuan.



#

Searching Student X [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon