Seeking Witness II

23 5 0
                                        

WARNING



Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead,or actual events is purely coincidental.


Note: This story is R18, every so often consists of sturdy language and some violence which can also be unsuitable for children.



Arbhi 's Pov  

Malakas ang ulan nang bagtasin namin ang hindi kalakihang resthouse na tutuluyan namin. Tapos na ang seminar namin na dinaluhan ng iba't ibang estudyante. Sa ibang probinsya ginanap ang seminar, nandoon kasi ang convenient na convention center para sa mga aktibidad tulad nito. Tungkol iyon sa bagong program na ipatutupad sa mga eskwelahan. Dahil isa ako sa mga outstanding student sa BSA class, ay isinama ako ng aking adviser sa mga napiling lima sa kaklase ko. Mabuti na lang at ka-vibes ko sila at hindi ako gaanong na-bore.

"Isara mo 'yang bintana, mababasa ka ng ulan," utos ng isa kong kaklase at itinuro pa ang aking likuran. Nakasakay kami sa isang jeep na nirentahan namin para makapunta sa tutuluyan namin.

Akmang haharapin ko na ang bintana sa gilid ko nang may isang babaeng nakaupo sa tabi ko kung kaya't natigilan ako.

'Wala naman akong katabi kanina, ah?' takang tanong ko sa sarili. Weird. Pakiramdam ko, lumamig masyado ang paligid.

Ayaw kong aminin sa loob ko, pero ilang linggo na akong wala sa sarili. I mean, hindi ko maipaliwanag kung bakit may mga kakaiba akong nakikita at nararamdaman sa paligid ko. I didn't like the feeling of being paranoid. Pilit kong isinasaksak sa isipan ko na nag-o-overthink lang ako. I was normal! There was nothing wrong with me!

Nakarating na kami sa hindi kalakihang bahay. Sa unang pagpasok pa lang ay kita na ang malawak na terrace at ang malaking sala. Sobrang aliwalas. May living area at dining area. Pumunta kami sa room na sinabi ng adviser namin para makapagpalit at makakain na pagkatapos.

Makalipas ang ilang minuto ay nasa hapag-kainan na kaming lahat. Napuno ng tawanan at kuwentuhan ang dining area. Sa kabila ng nakapapagod na seminar ay full charged pa rin kami. Ngunit sa kabila nito ay hindi namin inaasahan ang mga nangyari sa sumunod na oras.

"'Wag ka nga! Gabi na at hindi nakakatuwa na magkuwento ka ng mga nakakatakot!" suway ni Irene kay Claro.

Naghampasan pa sila ng unan na animo'y naglalambingan lang, pero ang totoo ay talagang natatakot na si Irene. Malaki ang higaan kung saan kami nakahiga. Tatlo ang kasya sa isang kama kung kaya't sa kabilang kama ang dalawa pa naming kasama.

"Basta huwag n'yo munang gagamitin ang cellphone ninyo, baka ma-lowbat. Tanging flashlight lang ang magiging gamit nito ngayong gabi," nilin ng madam adviser namin at umalis na sa kwarto kung nasaan kami.

Nabanggit niya kanina na nakabukod ang pagpapahingaan nilang mga instructor sa mga estudyante. Dahil na rin sa lakas ng ulan ay nawalan ng kuryente sa tinutuluyan namin.

"Bakit pa kasi umulan? E 'di sana nakauwi na ako sa bahay at nanonood ng K-drama! Kaasar!" Alam ko kahit na madilim ay nakabusangot ang mukha ni Sheryl at naka-cross arms pa. Ibang klase talaga ang fangirl na 'to na katabi si Mr. Serious na si Allein.

"Ikaw ba, Arbhi? Hindi ka naniniwala sa multo?" sunod-sunod na tanong ni Claro sa akin na kanina pa nakatitig sa kisame. Mukhang mabubutas na nga ito sa tagal ng pagkakatingin ko roon.

Searching Student X [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon