[Continuation...]
Yumakap kaagad si Nimrod sa magulang niya. Sakto lang ang pagdating niya sa bahay. Natagpuan kaagad ng mga mata ni Nimrod ang mga pagkaing nakahanda sa mahabang mesa ngayon sa dining area. Hindi mawawala ang isang hindi kalakihang cake na nasa gitna ng mesa. Ngayong araw ang kaarawan niya, ang araw kung saan hihiling niya na sana ay siya ay pagbigyan.
"Happy birthday, Anak," masayang bati ng kaniyang mga magulang. Humalik pa ang ama niya sa kaniyang pisngi. Kinantahan pa siya ng mga ito bago hipan ang mga kandila na nasa itaas ng cake.
"Make a wish, Anak," nakangiting sabi sa kaniya ng mama niya.
"Kahit ano, ibibigay namin," dagdag pa ng ama ni Nimrod.
"Salamat po, Pa, Ma." Naupo si Nimrod sa tabi ng kaniyang mama. Habang ang papa niya ay nasa tapat nila. Kumain muna sila at pinagsilbihan ng binata ang mga magulang. Habang naglalagay ng pagkain sa plato ng kaniyang papa ay nagsalita siya.
"Ano nga pala 'tong nabalitaan ko kay Edcel? Hindi naman sa pinakikialaman kita, Anak. Ang kaso, saan mo gagamitin ang tatlong milyong piso?"
Sinenyasan ng mama ni Nimrod ang asawa na tumahimik. Pinaupo ng ginang ang anak at sinabihan na kumain muna sila. Ngunit hindi na nagsayang ng segundo si Nimrod at umamin na sa mga magulang.
"Papa, ang sabi ninyo, kahit ano'ng hilingin ko, pagbibigyan n'yo ako." Napaiwas ng tingin si Nimrod at napayuko na lamang.
"Oo naman, basta sabihin mo kung ano'ng dahilan. Masyadong malaking halaga ang hinihingi mo, Anak."
"May paggagamitan lang po ako. Promise, ibibigay ko lahat ng information na nakuha ko." Napatingin na nang diretso si Nimrod sa mata ng mga magulang.
"May nakuha ka na kay Steinhart?" Napatigil sa pagkain ang kaniyang ama nang maalala ang tungkol sa iniutos sa anak.
"Meron na po." Isang maliit na flash drive ang inilabas ni Nimrod. Akmang kukunin na ito ng kaniyang ama, ngunit kaagad na iniwas ni Nimrod iyon.
"Kailangan ko po ng pera, ngayon na rin po."
***
Nakasandal sa kotse si Nimrod habang nakatingin sa bahay nina Malorie. Naging mabilis ang proseso ng pagbabayad dahil ang papa niya mismo ang nagbayad. Kilalang tao ang papa niya kaya't walang pagdadalawang-isip na nabayaran ang bahay at lupa.
Gayumpaman, isang desisyon ang pinagsisisihan niya hanggang ngayon kahit na matagal niya niya itong pinag-isipan. Ipinagkanulo ni Nimrod ang matalik na kaibigan kapalit ng napakalaking halaga ng pera para sa isang babae.
Yumayakap na ang malamig na simoy ng hangin sa kaniyang katawan, maging ang antok ay bumabalot na sa katawan niya. Hindi napansin ni Nimrod ang nakapapasong luha na kumawala sa magkabilang mata niya. Tumingala siya sa kalawakan kung saan walang mga bituin ang nagniningning, tanging makapal na ulap lang na siyang tumakip na rin sa buwan ngayong gabi.
BINABASA MO ANG
Searching Student X [ COMPLETED ]
Misteri / Thriller"Do you know that feeling when you feel like you're in danger because someone is following you? But then you remember ... You're the danger." "Be careful what you tell people. A friend today could be your enemy tomorrow." Note: Warning: This story...
![Searching Student X [ COMPLETED ]](https://img.wattpad.com/cover/262275431-64-k496232.jpg)