Curiosity Kills II

11 1 0
                                        


A/Note: Warning: This story is R18, every so often consists of sturdy language and some violence which can also be unsuitable for children.

Disclaimer: This is a work of fiction.




[Continuation...]




Wala pang alas-dyes ay umuwi na ang magkakaibigan kasama si Nathalie. Maaga silang pinauwi ng boss nila upang makapagpahinga nang maaga dahil alam nitong may pasok pa sila.

Tahimik lang si Steinhart na naglalakad habang nakatingin kina Nimrod, Nathalie, at Malorie na nasa harapan at nauna sa paglalakad. Naagaw ang kaniyang atensyon nang marinig ang pagtikhim ni Neiza na nasa kaniyang tabi.

"Masyado yatang okupado ang isip mo ngayong araw?" tanong ni Neiza na diretso pa rin ang tingin sa harapan.

Naalala ni Steinhart bigla ang papel na ibinigay sa kaniya ng dalaga kanina sa counter. Hindi naman sa bawal ang mag-usap sa loob ng store, pero mas mabuti na mag-usap na lang sila sa oras ng break time nila, ngunit masyado siguro itong pribado kung kaya't hindi niya sinabi kina Nimrod at Malorie ang tungkol sa code.

"Pasensya, nakalimutan ko palang—" Maging siya ay napahinto sa paglalakad nang tumigil si Neiza sa paglakad.

"May lalaking nakamasid kanina kay Nathalie, hindi ko mamukhaan dahil may suot siyang sumbrero at naka-jacket pa," paliwanag nito at tumingin kay Nathalie na nakikipagkuwentuhan kina Malorie at Nimrod.

Nagsimula na muli silang sumunod sa kanila. "Ngayon mo lang napansin 'yung lalaki?" tanong ni Steinhart at binasa ang code. Napakunot-noo siya dahil hanggang ngayon ay nahihirapan siyang makasagot ng mga code na may itinatagong mga mensahe.

"Noong una tayong pumunta at nagtrabaho sa store. Hindi ko pa natatanong kay Nathalie kung napapansin niya 'yung lalaki, kasi . . . nakita ko rin siya no'ng magpunta tayo sa bahay nila noong nakaraan. Nagtatago siya sa likod ng matandang puno."

Napatingin muli si Steinhart sa papel. Kung ano man ang nasa likod ng mga pinaghalo-halong mga letra, siguradong may kailangan silang gawing aksyon sa lalong madaling panahon.

Bukod sa pagtatrabaho ay may isa pa silang dapat pagtuunan ng pansin para sa kaligtasan ng bagong kaibigan. Gaya ng dati ay inihatid muna nila si Nathalie. Palihim naman na nagmasid si Steinhart sa paligid, ngunit wala siyang napansing kakaiba.

"Mauuna na kami, see you tomorrow!"

Kumaway naman sina Steinhart para magpaalam na rin kay Nathalie.

Nasa bus stop muli sila at nag-aabang ng masasakyan.

"Hindi nga pala ako makakasama bukas sa fast-food, ayos lang?" pagbasag sa katahimikan ni Malorie na siyang ikinalingon ng mga kaibigan.

"Ayos lang, mukhang may importante kang gagawin," ang sabi ni Nimrod rito.

"Si Nimrod na muna ang sasalo ng mga gagawin sa kusina," dagdag pa ni Steinhart.

"Small things, Steinhart," bato kaagad ni Nimrod at ipinakita pa ang biceps nito na kunwari'y may malaking muscles doon.

"Parang multo naman 'yang muscle mo, may third eye lang nakakakita," asar pa ni Neiza na siyang tinawanan nina Steinhart at Malorie.

"Pang-asar!" Ngumuso pa si Nimrod dahil talo na naman siya sa pang-aasar ng mga kaibigan. Nabaling ang atensyon ni Steinhart nang mapansin niya na nakatingin sa kaniya si Neiza. Base sa mga mata nito ay tila may mensahe itong ipinararating.

Searching Student X [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon